Chapter 6

514 10 0
                                    

"Guys! Guys listen! Let's play a game." Announcement ni Claudia. Ang bff ni Nina.

Tumigil na ang mga ito sa pagsu-swimming. We are all gathered and now sitting in the poolside ng paikot.

Everyone agreed. Nasa kabilang side sina Luke at Nina kaharap namin ni Will. Parang ok na sila.

Nakakadalawang bote na ako beer and I must say I feel a little dizzy.

"Anong game yan? Truth or dare ba?" Tanong ni Chuck.

Lame. I thought.

"No. This is better guys. We will be playing 7 Minutes in Heaven." Sagot ni Claudia na nakangisi. Itinaas nito ang dalawang container.

She explained the mechanics of the game. Bubunot lang daw ng name ng boy na nasa isang container at isang girl naman sa isang container. Then ikukulong silang dalawa sa loob ng isang maliit na bahay sa may di kalayuan ng lawn for seven minutes. It was a small garden tool shed made of plastic. Para itong bahay-bahayan ng mga bata.

Napatangu-tango kami. I know this game. I saw this in a movie once but I forgot what's the movie title..

"Ano namang gagawin namin sa loob ng 7 minutes?" Excited na tanong ni Claire, yung isang cheerleader.

"You can do anything, kayo na ang makakaalam nun." Makahulugan niyang sagot.

The men cheered. Looks like it's on their advantage di ba?

I just wish hindi ako mapartner kay Clyde. Yung mayabang na captain ng basketball team. He looks like Gori na tinatawag ni Sakuragi sa Slam dunk. Kaloka.

"Sana tayong dalawa ang magkasamang mabunot." Bulong ni Will sa akin.

"Sana nga..." sagot ko naman.

Nagsimula na ang bunutan. Naunang tinawag si Levi tapos si Courtney. Kantiyawan agad. Pagkatapos nilang makapasok ay ni-lock ang labas ng shed.

"Countdown starts now! "Sigaw ni Claudia.

After 7 minutes ay kinalag na ang kadena na nagsisilbing lock ng pinto.

Naunang lumabas si Courtney na nagmartsa paupo sa tabi ko. Nakasimangot at nakahalukipkip ito. Kakamot-kamot namang naupo si Levi sa di kalayuan.

Sunod na tinawag sina Clyde at Thornia. Nakahinga ako ng maluwag dahil nabunot na si Clyde. Nakita kong nakasimangot si Thornia. Hahaha.

"What happened in there?" mahinang tanong ni Will kay Courtney na inilapit pa ang ulo nito.

Napapagitnaan ako nina Will at Courtney. Pinandilatan ko si Will. Sabi niya kanina di siya tsismoso e tsismoso naman pala. Pero gusto ko ding malaman actually.

"Hmpp! Wala nga eh! Walang nangyari. Ang hina ng lalaking yan!" Inis na sabi ni Courtney na tinapunan ng matalim na tingin si Levi.

Sabay kaming napatawa ni Will. Kaya pala inis si girl dahil walang ginawa si Levi. Malantod din pala itey.

Marami pang sunod na magkapareha ang tinawag pagkatapos.

"Next is.....Will!" Nahigit ko ang hininga ko na napatingin kay Will. Please let it be me...I prayed silently.

Malaki ang ngisi ni Claudia ng mabunot ang magiging partner ni Will.

"...and his pair will be.... the birthday girl Nina."

I glanced at Luke. Kibit-balikat lang ito na parang hindi naman apektado sa tabi ni Nina, tapos nagtama ng paningin namin. Kumindat siya sakin tapos he grinned.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon