Chapter 32

419 11 0
                                    

Hindi ako makahuma when Will cupped my face and kissed me on the lips.
1...
2...
3...
4...
5...
5  seconds lang pero parang antagal ng halik na yun.

Kung nagulat ako sa halik mas nagulat ako ng kargahin niya ako sa bewang at nagpa-ikot-ikot sa sobrang tuwa.

Parang nanalo ng lotto lang!
Sabagay, sobrang saya nito dahil panalo rin naman sa game kaya ganun.
Nakakahawa ang tawa niya.

Natatawang sinaway ko siya.
"Will... hoy...ibaba mo ko! Nakakahiya!" Namumulang sita ko sa kanya dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.

Binaba naman niya ako tapos hinawakan niya ako ng mahigpit sa kamay.
Binaling nito ang atensiyon sa mga kasamahan ko.

"I'll take it from here... ako ng bahala sa kanya." Sabi nitong direkta kay Luke na nakanganga sa hindi inaasahang pangyayari.

Pati sina Mandy at Anton ay nagpakurap-kurap ng mata na napanganga.

Hindi na ako nakapagsalita ng hilahin ako ni Will.

Hindi maipinta ang mukha ni Luke na nag-walkout. Napasunod si Mariz.

Nagbabay na lang ako kina Mandy at sumenyas na tatawag na lang ako sa kanila.

Palingon-lingon pa ako kina Mandy habang pababa kaming pabalik sa court ni Will.
May awarding pa.

Sinalubong ako nina Clyde na ear to ear ang ngiti.
Binati ko sila sa pagkapanalo nila.

"Congratulations guys! Ang galing niyo!" Nakangiting sabi ko.

"Hi Bella! Kaya pala inspired si Will maglaro, andito ka pala..." biro ni Levi.

"Hindi niya naman alam na nandito ako..." sabi ko.

"Nakita kita sa kiss cam kanina kaya nalaman kong nandito ka---" ani Will na sumeryoso ang tingin.

Napalunok ako ng maalala yun.

Tinawag na sila para sa awarding kaya naupo na lang ako sa isang tabi para panoorin sila.
Pagkatapos silang bigyan ng tig-iisang gold medal at malaking trophy ay nag-picture taking pa sila.

Napapatingin si Will sa akin na sumenyas kung ok lang ako dahil madaming nakikipag-usap at nagpapa-picture rito.

Nag-thumbs up lang ako sa kanya.

May interview pa siya for tv news...nakinood lang ako sa likuran ng cameraman.

Tinanong kung anong pakiramdam na nag-champion sila, paano ang ginawa nilang ensayo.. and etc.

Nung tinanong siya kung ano ang inspirasyon niya sa paglalaro ay napatingin sa akin si Will na nakangiti.

Ang sagot nito ay si God, pamilya at ang girlfriend daw nito...

Huh? Ako ba yun?
Sino naman ang hindi ma-o-overwhelmed niyan.

Sa wakas... natapos din.
Nakapag-selfie din kami ni Will.
Pinasuot niya sa akin ang jacket niya tapos inakbayan niya ako at click.

He posted it agad sa IG.

"May IG ka?" Maang na tanong ko.

"Oo naman." Sagot nito.

Hindi kasi ako updated sa IG...puro FB lang.

"Don't worry..i-a-add kita mamaya.." inakbayan ako uli at hinalikan sa temple.

Sweet talaga! Pero namimihasa na siya sa kahahalik. Gusto ko siyang bangasan.

"Magbihis ka na nga muna. Aantayin na lang kita rito." Tulak ko sa kanya.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon