9:30 pm.
Inihatid na ako ni Will sa bahay galing sa victory party.
"Goodnight...thanks for tonight Bella." sabi ni Will.
Nakahimpil na ang sasakyan pero nasa loob pa rin kami ng car.
"Goodnight din Will." Ako.
"Wala bang goodnight kiss?" Napanguso ito na parang bata at inilapit pa ang mukha.
Tinulak ko ang mukha niya gamit ng palad ko.
"Kiss? Kanina ka pa kiss ng kiss ah! Namimihasa ka na! Kala mo di ko napapansin?" Sermon ko sa kanya.
Lagi kasi itong nanghahalik, sa ulo, sa buhok, sa kamay, sa balikat. Panay pa ang hug.
"Iba naman yun, gusto ko sa lips." Anito.
Napakurap-kurap ako sa kanya.
"Sige, pero smack lang ha?" Ako.
Tumango ito ng nakangiti.
Inilapit ko ang mukha ko na nakatingin sa mukha niya.
Pabigla ko siyang hinalikan sa lips tapos mabilis na lumabas ng kotse.
"Bella, ano yun?" Parang hindi makapaniwala nitong sabi.
Nakangisi akong hinarap siya.
"Eh di kiss sa lips."
"Ang daya mo, hindi pa ako ready..." anito na may himig tampo.
Tinawanan ko lang siya.
Lumapit ako sa me bintana ng kotse sa side niya.
"Better luck next time haha... Ingat ka sa pag-uwi." Ako na ginulo ang buhok niya.
Napakamot siya ng ulo.
"Sige, paghahandaan ko yan...Bye gf!"
Nakangiting sabi nito.
"Bye bf!" Nakangiti kong sabi na nag-wave.
Pumasok ako sa bahay. I saw mom and dad na nasa sala pa rin.
Nasa mukha ni dad ang relief ng makita ako. Naghintay ba sila?
"Asan na si Will? How's the party?" Si dad.
At least ngayon nagtatanong na."Umuwi na siya. Ok naman. Kumain lang kami ng dinner tapos konting kwentuhan then umuwi na." Sagot ko naman.
Napatango ito.
"So? How do you find Will?" Naisipan kong itanong ko sa kanila.
"He's fine...disente." Napatingin siya kay tita mom na nakangiti.
"Just be careful Bella. He's a hot guy slash basketball player, you know naman that type of guys sa school...he might broke your heart." Ani tita mom.
"The way I see it it's the other way around..." ani dad na nangingiti na ikinagulat ko.
Really dad?
Kung alam mo lang na na-blackmail lang ako ni Will kaya ko siya naging boyfriend.
Buti na nga lang at hawak ko din siya sa leeg. Kaya patas lang."How about that doctor? I like him better for you." Wala sa loob na nasabi ni tita mom kaya napatingin si dad rito na parang nag-aakusa.
"What? He is much of a boyfriend material, doktor na, gwapo pa, and a philanthropist.. a dream guy for every woman... right Belle?" ani tita mom na kumindat pa.
Napangiti ako na napatango.
I so like this conversation.
Napaka-open.
Nakakapanibago talaga."Kaibigan ko lang po si Kyle, hindi naman nanliligaw yun." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
That Kind of LOVE (COMPLETED)
General FictionSi Luke ay walang ginawa kundi asarin at awayin si Bella. Magagawa niya pa kayang asarin ito kapag nainlab na ito ng husto kay Will? ================================ Authors NOTE: Pasensiya na sa wrong grammmar and stuff. Constructive criticisms ar...