Chapter 14

488 12 1
                                    

We we're at the library para sa second subject namin. Kanya-kanya kami ng pwesto nina Mandy at ng iba naming mga kaklase na magkakalayo para makapag focus. Pinagawa kami ng essay ng English-Lit teacher namin tungkol sa mga gawa ng author na si Edgar Allan Poe. Pipili lang kami ng isang akda nito at isasalaysay namin kung bakit yun ang napili namin. I have chosen the poem Annabel Lee.

I was so engrossed of what I'm doing when I felt someone seated beside me. Amoy pa lang kilala ko na.

"What are you doing here Luke?" Mahinang sabi ko na hindi siya nililingon.

"Totoo ba ang tsismis?" Anito.

"Alin? Yung kami na ni Will?" Ako.

"So it's true?!" Anito.

"SHHHHH! Quiet!"

Sabay kaming napatingin ni Luke sa librarian na nakamata pala sa amin. She's watching us like a hawk. Super sungit pa naman ito at nakakatakot ang mukha. Reminds me of that movie Monster,Inc.

"Nakita mo naman kami kanina di ba?" Mahinang sabi ko na napa-eyeroll.

"Bakit!!!" Bulalas nito. Kulit.

"SHHHH!!! I said QUIET!!!"

Warning ulit ng librarian na nagpokpok ng kung ano.

Yung ibang tao sa library ay napatingin sa amin na parang galit din.

Inis na dinaklot ni Luke ang isang kamay ko at hinila ako sa dulong bahagi ng library na tago.

Binitawan niya ang kamay ko pagkarating dun.

"Why?!" He is angry. I don't know why.

"Teka nga Luke, bakit ba nangingialam ka?!" Takang tanong ko.

"'Why not? Hindi ka pa pwedeng mag-boyfriend! You know that." Angil nito.

"Don't act like my dad! Gagawin ko anumang gusto ko." Angil ko rin sa kanya.

"Alam ko kung bakit mo ginagawa to Belle. You want to rebel against your dad... di ba? Adam told me what happened." His eyes were piercing through me.

Nag-iwas ako ng tingin. I hate it when he can read my thoughts.

"So alam mo na pala ang tungkol sa bastardong yun!" Galit na sabi ko sa kanya.

"Belle, makinig ka, walang kasalanan si Adam. Hindi naman niya pinili kung sinong magiging ama niya, right?"

"So, mas kinakampihan mo pa siya kesa sa akin.."

"Hindi ah, gusto lang naman ni Adam na matanggap mo siya bilang kapatid mo. And your dad, mahal na mahal ka nun kaya patawarin mo na. Masuwerte ka pa nga dahil nandiyan siya palagi sa tabi mo hanggang sa lumaki ka while si Adam, lumaki siyang walang ama."

Panenermon ni Luke.

"Correction, may stepdad naman siya." Ako.

"Yah, stepdad na binubogbog siya araw-araw..." nalungkot ang boses ni Luke.

"What?" I didn't know what to say.

Kaya siguro nakipaghiwalay si tita E. sa husband nito dati.

"If you are doing this just to get back at your dad I suggest itigil mo na habang maaga." Pigil ang galit na sabi nito. Parang gusto pa ata akong sakalin ni Luke.

Matagal akong natahimik at nag-isip. Luke was intently looking at me.

"Hiwalayan mo si Will." biglang seryosong sabi nito.

"And why is that?" Ako.

"Hindi ka naman seryoso..." anito.

"You think so? For your information, I really like Will." I said.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon