There is a purpose for everyone you meet. Some people will test you, some will use you, some will bring out the best in you, but everyone will teach you something about yourself. Both positive and negative relationships teach you valuable lessons. This is an incredible step toward expanding your consciousness. The road to self-discovery requires help from others. As humans we are always seeking feedback and approval from others. That is how we learn and become better as individuals. No relationship is a waste of time. The wrong ones teach you the lessons that prepare you for the right ones. Appreciate everyone that enters your life because they are contributing to your growth and happiness.
John Geiger
It's a beautiful day and I'm walking on sunshine...wooh.
"Maganda yata ang gising natin ah..." nakangiting sabi ni Stephen na pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.
"I chose to be happy Stephen... I'm young and alive, and I want to enjoy life!"
Nakangiting napapikit ako sa asul na kalangitan bago ko sinuot ang oversized sunglasses ko.
"Tama! Habang bata ka pa ay i-enjoy mo muna ang buhay mo, makakapaghintay ang love. True love waits ika nga." Hirit pa ni Stephen.
Nginisihan ko lang siya at sumakay na sa sasakyan.
================================
"Uy... may basketball game ngayon, semis, manonood ka ba?" Untag ni Mandy sa akin.
"Gustuhin ko man besh ay hindi muna ngayon ok, alam mo namang iniiwasan ko pa rin si Will..." malungkot na sabi ko.
Gusto ko rin namang makitang maglaro si Will at suportahan ang BIC team na naging malapit na rin sa puso ko, pero hindi ko pa kaya. Hindi ko pa alam kung papano ko sila pakikiharapan.
"Hanggang kailan naman yang pag-iiwas na yan?" Anito.
"When the right time comes, it'll just come...ok?"
Napataas ng kilay si Mandy.
"Look, kung gusto niyo talagang manood ni Anton eh, manood kayo. Go! Tatambay lang ako sa library." Sabi ko.
"Ok...sabi mo eh." pag-ayon na lang niya sa sinabi ko.
Naghiwalay kami ni Mandy dahil papunta siyang gym. Magkikita na lang daw sila ni Anton dun. Ako naman ay naglakad papuntang library.
This time mag-aaral na akong mabuti. Nung magsimulang kasi akong mag-aral dito sa BIC ay masyado akong nanibago at naging pre-occupied sa mga bagay-bagay na hindi academics. Kaloka.
Para akong nakalabas ng hawla.
Palibhasa kasi nakulong lang ako sa bahay kaya ayun, nag-landi agad...lol!
May nakita akong grupo ng estudyante na nagkukumpulan. May mga mesa na naroroon, tapos yung iba may fini-fill-apang mga forms.
"Miss, ano yan?!" Tanong ko sa babaeng pinakamalapit sa akin.
"Ah, gusto mo bang sumali? Nag-re-recruit sila sa mga gustong sumali sa clubs nila." Sagot nito na nakangiti.
Napa-O ako.
"Anu-anong clubs ba yung pwedeng salihan?" Interesado kong tanong.
"Marami... may Glee Club, Arts Club, English Club, Math Club, Science Club at kung anu-ano pa. Heto, marami akong flyers, pumili ka na lang jan ng magustuhan mo." Ibinigay niya sa akin ang kumpol ng mga papel.
"Salamat..." sabi ko na tinanggap. Binasa ko iyon. May mga pangalan ng Club, contact person at number.
Naagaw ang atensiyon ko ang isang club. World Care ang pangalan. Hinanap ko ng mga mata ko kung aling mesa ang may nakasulat na World Care Club. Nakita ko rin naman agad yun at nilapitan ko.
BINABASA MO ANG
That Kind of LOVE (COMPLETED)
Fiksi UmumSi Luke ay walang ginawa kundi asarin at awayin si Bella. Magagawa niya pa kayang asarin ito kapag nainlab na ito ng husto kay Will? ================================ Authors NOTE: Pasensiya na sa wrong grammmar and stuff. Constructive criticisms ar...