Pinatawag ako ni dad sa study room niya at kinausap.
Aalis na raw si Stephen. May bago na raw itong trabaho. Kinukuha raw siyang bodyguard ni Duterte.
Joke.
Ang totoo, kinukuha siya ng ate niya sa abroad para dun na manirahan.
I feel so sad and devastated.Hindi ko na raw kailangan ng bodyguard sabi pa ni dad.
Nagsawa na raw siya sa paghihigpit sa akin at bahala na raw ako sa buhay ko kung ano mang gawin ko.
Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang sinabi niya.
Hindi naman siya galit pero nakikita ko sa mga mata niya ang malaking disappointment.
Kulang na lang itakwil na niya ako bilang anak niya.
"Joke ba yan dad?!" Naisipan kong itanong. Ayokong maniwala sa kanya.
"This is not a joke. It's time for you to decide on your own. Go make your own choices. Alam mo na kung ano ang tama o mali hindi ba?" Malamig na sabi nito.
"Paano kung magkamali ako ng choice dad?" Tanong ko.
"Then you suffer the consequences of your own mistakes, kailangan mong matuto!" Sabi pa ni dad.
Di ko talaga alam kung matutuwa ako sa pinagsasabi niya.
Andun na ako, ayaw akong pinapakialaman palagi pero nakakainis din pala na wala siyang pakialam sa akin.
Nasaktan ako ng i-dismiss niya ako na parang utusan.
I feel so down-down-down to the lowest level.
Binasted na nga ako ni Luke nung isang gabi.
Iiwanan pa ako ni Stephen, my new friend and confidante.Parang dinis-own pa ako ni dad ngayon.
Hu-hu-hu.Hilam ang luhang lumabas ako ng bahay para puntahan si Stephen at magpaalam.
Hinihintay na lang ako nito para makapagpaalam na rin siya sa akin.Nag-alala at nalungkot ang mukha nito ng makita akong umiiyak.
Akala siguro niya ay siya ang iniiyakan ko, but actually 1/4 ng iyak ko ngayon ay para talaga sa kanya.
"Aalis ka na raw?" Tanong ko kahit alam ko naman.
Napatangu siya.
Niyakap ko siya.
1/2 ng yakap ko ay dahil mami-miss ko siya at ang 1/2 naman ay dahil gusto ko ng may maiiyakan at karamay sa nararamdaman ko ngayon.
Niyakap naman niya ako ng mahigpit.
"I will surely miss you Belle." Malungkot na sabi nito.
Mas lalo akong napaiyak.
"Mami-miss din kita Stephen." Sagot ko.
"Ehem..." may tumikhim kaya napalingon kami ni Stephen.
Dumating pala sina Adam at mga kabanda nito.
Parang nanghuhusga ang mga tingin nila sa amin ni Stephen.
Lalong-lalo na si Luke na nagtagis-bagang.
Mas nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko ng makita ko siya.
Hindi ko sila pinansin mas lalo kung niyakap si Stephen habang isinubsob ko ang ulo sa dibdib niya habang umiiyak.
"What's happening? Why are you crying Bella?" Nag-aalalang tanong ni Adam na lumapit.
Inilayo ako ni Stephen sa kanya para paghiwalayin kami.
BINABASA MO ANG
That Kind of LOVE (COMPLETED)
Ficción GeneralSi Luke ay walang ginawa kundi asarin at awayin si Bella. Magagawa niya pa kayang asarin ito kapag nainlab na ito ng husto kay Will? ================================ Authors NOTE: Pasensiya na sa wrong grammmar and stuff. Constructive criticisms ar...