My phone's ringing.
"Will, good morning baby!" Sabi ko na humihikab pa. It's just 3:30 in the morning.
"Good morning baby. I just called to say that I love you, I love you so much baby..." narinig kong sabi mula sa kabilang linya.
"I know that and I love you too baby!" Sabi ko. Inaantok pa talaga ako.
Biglang na-off ang cp ko. Hmmm. Low bat na pala. Tatawagan ko na lang uli si Will mamaya. Instead of charging my phone, natulog ako uli.
Alas-otso na ng magising ako uli.
Madami nga pala akong kailangang gawin today. Ipapa-rebook ko ang ticket ko pabalik ng US. Ipapa extend ko ang leave ko ng 1 week more. Bahala na kung tanggalin ako ni Wilhelmina, magre-resign din naman talaga ako pagbalik ko dun.
"What is this? Family reunion?"
Biro ko ng mabungaran silang lahat na nag-uusap sa sala.
Dad, mom, Adam, Mandy, Anton and Luke.
Natahimik silang lahat na napalingon sa akin.
"Hey guys para kayong nakakita ng multo. Pinagkakaisahan niyo ba ako...?" Sabi ko.
Tumayo si dad at nilapitan ako.
"Princess, there's something we have to tell you..." ani dad na gumuhit ang pag-aalala sa mukha.
"What?" Kibit balikat kong tanong.
"Besh... it's about Will..." lumapit din si Mandy sa akin. Hinawakan niya ang mga kamay ko. She's teary eyed.
"O?" Napamata ako sa kanya. Naghihintay ako ng anumang sasabihin pa niya.
"He got into a terrible car accident last night..." ani dad.
Naalala ko nakausap ko pa siya kaninang madaling araw.
"He's gone Belle..." narinig kong sabi ni Luke na nakayuko.
"Are you fucking kidding me? Is this a joke?" Napasigaw ako.
"He is gone Besh, wala na si Will. Dinala siya sa hospital ng bandang alas-dos, dead on arrival." Humagulhol na sabi ni Mandy. Niyakap niya ako.
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at itinulak.
"Nooo! Buhay si Will. Nakausap ko pa siya kaninang madaling araw. He called me!" Tanggi ko.
Para silang nagulat sa sinabi ko.
"It's true... na lowbat kasi yung phone ko, ipapakita ko sa inyo ang calls nun." Sabi ko na medyo nanginig pa ang boses ko. A part of my brain tells me that the call might only be a dream.
They're still serious at naaawa ang tingin nila sa akin.
"Belle, I know it's hard to accept... but we want you to know that we're here for you. Kakayanin mo lahat ng pagsubok... we will help you." ani tita mom na lumapit na rin.
Adam turned on the tv news napatingin kaming lahat dun. Dad warned Adam to turn the tv off but he didn't listen.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita... I feel like I'm choking. I can't talk and breath.
Napakapit ako kay dad na nasa tabi ko.
BINABASA MO ANG
That Kind of LOVE (COMPLETED)
General FictionSi Luke ay walang ginawa kundi asarin at awayin si Bella. Magagawa niya pa kayang asarin ito kapag nainlab na ito ng husto kay Will? ================================ Authors NOTE: Pasensiya na sa wrong grammmar and stuff. Constructive criticisms ar...