Chapter 17

429 6 0
                                    

Tahimik kaming nag-breakfast ni Adam kinabukasan.

Pinakiramdaman ko siya.

"Look...Adam... kuya... I'm sorry pala kagabi nakalimutan kong mag text. Hindi na mauuulit." Panimula ko.

Tama lang naman magalit siya.

He eyed at me na patuloy lang kumain.

"Galit ka pa rin?!" Ako.

"Alam mo bang tumawag si dad kagabi? Nagsinungaling pa ako para pagtakpan ka..." anito.

Oh. Ang sama ko talaga.

"Sorry na... sorry na talaga. I'm gonna cook you sweet n' sour lapu-lapu mamya kuya..." paglalambing ko.

Napa-eyeroll ito. "As if you know how to cook!? Tsss!" Anito na napapailing.

Tinawanan ko siya.

"Pwede namang pag-aralan di ba? Daan na lang tayo sa chowking mamaya? Halo2x tayo?"

His face lit up. "Fine! Matigil ka lang. Ang ingay mo." Reklamo nito.

Sungit talaga nito! If I know, gusto rin nitong maghalo-halo.

On the way to school...

"Please remove your foot on the dashboard! It isn't ladylike..." Angil nito sa akin.

Padabog kong ibinaba ang paa ko, I was just getting comfy.

"Wala ka bang girlfriend kuya?" Tanong ko.

"Wala!" Supladong sagot.

"Bakit wala?! Gusto mo hanapan kita?" Ako.

Naiiling na napasulyap sya sa akin.

"Alam mo, perfect si Mandy sa'yo!" Ako.

"Si Mandy na kasingkulit mo? No way!" Anito.

Awww! Na-hurt naman ako dun.

"Hindi naman ako makulit ah...grabe ka naman! Kelan ba kita kinulit ha?! -"

"Will you just shut up!!! I'm driving here...." anito.

"O sige, kumanta ka na lang... sige na. Kantahan mo ako." Ungot ko.

Hindi ito umimik.

I poked him. Deadma.

Tssss!!! Ako na lang ang kakanta.

Bumwelo ako...

"I torture you.... take my hand,
to the pain... I torture you... I'm just
a sucker for pain...I wanna chain you
up, I wanna hold you down..."

Natigil ako sa pagkanta ng huminto ang sasakyan. Nasa school na pala kami.

"Finally!!! You were such a torture!" Baling ni Adam sa akin na parang nakahinga ng maluwag.

"Hindi mo ba nagustuhan pagka-kanta ko?" Ako.

Nag-isip ito. "In fairness, may boses ka." Anito na nakangiti.

"Ganun ba? Sige Itutuloy ko na lang mamaya ang pagkanta ko...hehe." Nginisihan ko siya.






================================

"Hello!!! Umabsent ka na nga kahapon, aabsent ka na naman ngayon! Idadamay mo pa kami? Ano ka?!"  Si Antonia. Naninermon.

Niyayaya ko kasi silang manood ng basketball game na gaganapin pala sa St. Trudis University a.k.a STU. Ikalawang school ito na kakalabanin ng BIC para sa interschool competition ng basketball.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon