(Photo: Wilson Bailey)
Tawang-tawa si Mandy ng ikuwento ko ang ginawa ni Luke. Pinandidilatan ko siya ng mga mata. Namumula na ako sa inis nagawa pa niyang tumawa.
"Ano ba kasing ginagawa mo sa kwarto ni kuya?" Aniya.
Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa party ni Nina at ang usapan namin ni Will.
"Besh tulungan mo ako makalabas." Pakiusap ko. Nagbago na ang isip ko at di na ako magpapatulong kay Luke.
"Ok sige, ganito na lang, sabay na lang tayong lumabas. Pasundo ka na lang kay Will sa mall. Tapos, magpaiwan na lang ako sa mall. Tatawagan ko si Antonia para me kasama ako."
Antonia na ang nickname namin kay Anton.
Natuwa naman ako sa sinabi niya.
"Oh thank you besh!" I hugged her. "I owe you big time!"
"Ano pa nga ba? Beshie duties..." aniya na tumatawa.
"San ang lakad? Hmmm?" Si Luke. Palapit siya sa amin ni Mandy. Nakabihis panlakad ito. Light pink lacoste polo shirt at khaki cargo pants with matching sperry loafers.
Agad akong napatayo.
"Bye Mandy! Mamaya ha."
Inirapan ko si Will at agad na umalis."Anong nangyari dun?" Narinig kong sabi niya.
"Nagtatanong ka pa?!" Si Mandy.
Yun nga. Sinundo ako ni Will sa mall. Mabuti na lang at naunang dumating si Anton dun kaya napanatag din ang loob ko na iwanan si Mandy.
Malawak at malaki ang bahay nina Nina na nasa isa ring eksklusibong subdibisyon. Wala raw kasi ang parents ni Nina at nasa abroad kaya malaya ito kung anong gustuhin nito. Marami na ang naroroon, medyo na late kami ng dating ni Will.
This is the first time I'm attending this type of party. It's a typical party na madalas kong napapanood sa mga American movies.
Will held my hand, he must have felt I'm nervous. Mas lalo pa yata akong kinabahan sa paghawak niya ng kamay ko.
I'm wearing orange maxi dress pero naka two piece naman ako sa loob. Will is looking good in his blue board shorts and white sando pero may patong na polo na nakabukas lang.
"Hello Will, Bella! I'm glad you made it!"
Nakangiting wika ni Nina na palapit sa amin. I can see her curves under her see through cover ups. She's wearing red two piece bikini inside.
"Happy Birthday!" Panabay na wika namin ni Will. Nagkatawanan kami pagkatapos.
We extended the gift we bought sa mall kanina. Pinaghatian namin ni Will ang pinambili namin dito. Nagpasalamat naman ito.
"Find your seat guys, bahala na kayong kumuha ng food. Feel at home ok... " aniya na bumaba ang tingin sa mga kamay namin ni Will na magkahawak. Ngumiti siya kay Will ng may kahulugan at saka umalis.
Hinila ako ni Will sa isang bakanteng mesa.
"Kukuha lang ako ng food natin." Aniya at iniwan ako.
Nagpalinga-linga ako. Wala si Luke. Buti na lang pala at di ako nagpasama sa kanya di naman pala siya pupunta dito.
Bumalik ang tingin ko kay Nina na busy sa pag-aasikaso ng mga guests niya. Ok naman pala siya. She's cool kanina. I don't think she's some kind of competition kay Will.
BINABASA MO ANG
That Kind of LOVE (COMPLETED)
General FictionSi Luke ay walang ginawa kundi asarin at awayin si Bella. Magagawa niya pa kayang asarin ito kapag nainlab na ito ng husto kay Will? ================================ Authors NOTE: Pasensiya na sa wrong grammmar and stuff. Constructive criticisms ar...