Chapter 18

458 7 0
                                    

Nung mga sumunod na araw ay hindi na ako kinakausap ni Luke. Para akong may nakakahawang sakit na iniiwasan niya.

Nakikita ko naman silang laging magkasama ni Adam at nagkukulong sa studio. Hmmm.
Ano kayang ginagawa nila. Bromance??? Luh!

I heard from Will na nag-quit na rin daw ito sa basketball team.

Dahil dun sa suntukan incident, na-suspend si Luke sa basketball team, pero tuluyan na itong nag-quit.
Nanghihinayang ang mga ka-teammate niya dahil magaling pa naman ito.

"Bakit ka nakipagsuntukan kay Luke?"

"Ayaw akong pasahan ng bola-- ginantihan ko lang, di ko rin pinapasahan. Nung huli, nag-agawan kami sa bola aksidenteng nasiko ko, bigla na lang akong sinuntok...dun na nagsimula..." pagkukwento ni Will.

Bakit ba kasi ayaw pasahan ng bola? May topak din kasi itong si Luke talaga.

Nagising ang diwa ko ng makarinig ng malalakas na katok sa pinto. Napaunat ako at nag-stretch.  10 am na pala. Tinanghali ako ng gising. Hinanap ng paa ko ang unicorn fluffy slippers ko. I checked myself in the mirror first before opening the door.

Halos malaglag ang panga ko ng makita ang bumungad sa pinto.

Pero mas nagulat ata sila sa unicorn hooded onesie sleepwear ko na kulay pink.

"Wrong room dude!!!" Sabi nung isang gwapo.

"Who are you people?!" Ako.

"Sorry. Adam called us for the audition...the maid let us in and pointed us on this room..." hinging paumanhin nung isa. 

Napa-Oh ako. Kala ko  pinasok kami ng akyat-bahay. Akyat bahay na ang gugwapo.

"You must be Adam's sister? I'm Jacob.." pagpapakilala nito na inilahad ang kamay.

"And I'm McKenzie.." sabi nung  isa.
Nakipag-shakehands ako sa kanila.

"Maybe Adam's in the studio. I'll lead you there..." sabi ko na nagpatiunang maglakad.

Binuksan ko ang pinto ng basement at inimuwestra silang pumasok.

I feel not welcome kasi  dito sa basement lalo pa at dito naglalagi si Luke. Di pa nga din ako nakakapasok sa loob nito simula nung gawing music studio.

Nakangiti lang si Jacob na hindi naman umalis sa kinatatayuan.

"After you... ladies first..." anito na pinapauna akong pumasok sa studio. 

Wala akong nagawa kundi ang pumasok.

Nadatnan namin sina Luke at Adam na may binubusising parang machine na pang DJ.
I think music pad ang tawag nun. Inikot ko ang mata sa studio.

Wow! Kumpleto sa gamit, soundproof, may recording booth. Hindi pa naman ako nakakapasok sa recording studio pero parang eto na yun. Lols!

"Hi guys. I'm glad you came!!" Masayang sabi ni Adam na inabot ang kamay kina Jacob.

Nagkamustahan sila. Pinakilala nito si Luke sa kanila.

Nabaling ang mata ni Adam sa akin.

"Belle, what's with the unicorn costume?!" Takang tanong nito.

Napatingin ako sa suot ko na napasimangot.

"This is not a costume! It's a sleepwear...duh!" eyerolled.

Parang pinipigilan nilang matawa sa suot ko.

"You're sister is just too cute..." ani McKenzie.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon