Chapter 8

468 10 0
                                    


"So, how's my loving daughter doin' these days?" Malambing na wika ni dad.

Dad and I were having our dinner at Aristocrats, a well known resto inside a 5-star hotel. I didn't know what came over him at nag-invite mag-dinner sa labas. There's something fishy going on with dad.

"It's great!" Masaya kong sabi. Nag-eenjoy naman talaga ako sa BIC.

"May nanliligaw na ba sa'yo dun?" Nakangiti si dad sakin.

We were waiting for our orders.
Nagtataka lang ako kung bakit pang-apatan ang naka set-up sa table.

"What if meron?" Kinabahan kong sagot.

Nawala ang ngiti ni dad. Kinabahan naman ako.

"So meron nga?" Anito.

"Wala naman dad... I'm just asking paano nga kung may gustong manligaw?" Pagsisinungaling ko.

"You're too young to have a boyfriend." Maikling sabi.

I sighed. I knew it! Ayaw talaga niyang may manliligaw sakin.

"Are we expecting company?" Ako naman nagtanong sa kanya. Para naman siyang sinilihan.

"I want you to meet someone..." anito pagkuwan na seryosong tumingin sa mga mata ko.

Nanlaki ang mga mata ko. I know that look. Yan yung mukha niya kapag may pinapakilala siya sa aking mga babae. But that was before. Lahat ng mga pinapakilala niya ay hindi ko magustuhan. Walang nakakapasa sa akin. Ang ending, walang tumatagal na karelasyon si dad.

"OMG dad!!! Are you dating someone?!" Bulalas ko.

Hindi siya umimik at napayuko.

"Dad!!!" Gusto kong mag-alsa at makibaka sa loob ng resto.

"Calm down princess! Please... mabait si Elizabeth, magkakasundo kayo nun, especially Adam, her son."

"And she have a son?!!" Bulalas ko. Napalakas uli ang boses ko. Medyo napapatingin na ang ibang mga guests sa amin.

"Belle, don't make a scene here...please. Just meet them.." mariing sabi ni dad. He is pleading.

Para namang hinaplos ang puso ko na naaawa sa mukha niya. Parang iba ito eh. He is serious.

"Alright..." napabuntong-hininga ako.

I know, matagal na rin namang biyudo si dad... by almost 10 years na yata? I know he is so lonely too especially at night di ba. Iba rin naman kasi pag may karamay ka at nakakasamang kabiyak di ba?

And dad, he has the right to be happy naman. He deserved to be happy. I know how he loves me at malaki ang sakripisyo niya sa'kin. It's only right na ibigay ko naman ang happiness niya kung sakali.

Maybe...I have to be more understanding. Maybe mom wanted him to be happy too.
Maybe I'll give dad a chance for me to know her.

"Sorry dad, nabigla lang ako. Sana hindi mo inilihim sa akin na me girlfriend ka na pala."

"Ahmmm sweetheart, actually, we're engage!" Sabi ni dad.

Napanganga ako. Napaiyak na ako ng tuluyan.

"How can you keep this from me dad? All this time? I'm your daughter... I should be the first one to know kung may nililigawan ka..." sumbat ko sa kanya.

Inalo ako ni dad.

"I'm so sorry sweetheart. Nag-aalala lang kasi ako pag nalaman mo. I know how a brat you can be sometimes. Lagi mong sinasabotahe ang mga nagiging girlfriend ko." aniya na lalong kinaiyak ko.

"Hey, stop crying now. Papangit ka na niyan." Biro niya sa akin na pinahiran ng panyo ang mukha ko.

Tumigil ako ng iyak at napatungo. Ano pa nga ba ang magagawa ko. Naisip ako, since may bago ng pagkakaabalahan si dad, maybe hindi na niya ako masyadong hihigpitan. Mahahati na ang attention niya sa asawa niya at sa akin. Of course, magagawa ko na ang mga gugustuhin ko. Baka nga payagan na niya akong mag-bf... Nice!

I composed myself at tumingin kay dad.

"Ang drama natin dad...sige...Pumapayag na ako. Just make sure she's beautiful... " sabi ko pagkatapos.

Sabay kaming natawa.

Napatanga ako sa dumating. She looked like a supermodel for God's sake. She's wearing above the knee pencil cut black dress na sleeveless sa taas. She towered more on her 4-inch stilletos. Halos magkakapantay na sila ni dad. Dad is 6'1". Her hair is long and curly but I guess she just used iron curl to have curly locks. She looked like Adrianna Lima of VS angels. No wonder dad is in love with her. Mas maganda pa siya kay mom. But still my loyalty is to my mom of course.

Agad na napatayo si dad at sinalubong ang mga ito. Hindi naman pahuhuli si dad. Dad is so gwapo kaya. Walang panama si Sir Chief at Sir Anton (Ian Veneracion) sa kanya sa totoo lang.

My gaze went to the guy behind her. He seemed to be at my age or more. He is hot! Scratch that! Super hot. His hair is longer than normal, pero maayos na naka-gel. He's wearing black shirt at may patong na black shiny leather jacket. Dark skinny jeans and black boots. Grabe. Rakista ang dating. Ang cool lang.
Mataman din siyang nakatingin sa akin na tila ba pinag-aaralan ako.

"You must be Isabella.." buong giliw na baling ng babae sa akin.

Tumayo ako para bumati at tinanggap ang yakap niya. Humalik din siya sa pisngi ko at minasdan uli ako.

"God, you are really gorgeous!" Bulalas nito na nilingon si dad.

Napangiti ako. I liked her already!

"Princess, this is Elizabeth..." anito.

Nakapamulsa lang si dad at parang proud na proud na nakangiti.

"By the way, this is my son Adam. He is two years older than you I guess..." pagpapakilala niya kay Adam.

His hands were still on his pockets kaya naisip kong ayaw niyang makipag-handshake.

"Hi... just call me Bella." Sabi ko na lang. Ngumiti ako sa kanya pero napalis din ang ngiti sa labi ko kasi di man lang ito ngumiti. Hmp! Suplado.

"Ah, Belle, pagpasensyahan mo na si Adam, naninibago lang yan. He just came from US. Mabait talaga yan. Pa-mysterious lang..." bulong ni tita Elizabeth sa akin na napahagikhik pa. She's bubbly.

"Why don't we sit? " dad gestured us to be seated.

Dad is on my left while Adam is on my right. Magkaharap kami ni tita Elizabeth.

The food's being served. Lihim na nagtitinginan ng makahulugan sina dad at tita Elizabeth.

"Alam na ba niya?" She asked dad na ang tinutukoy ay ako.

"Yes hon, I told her already." Si dad. Ugh! Honey?! My endearment na agad sila?! Kaloka.

"So, when is the wedding?" Di na ako nakatiis at nagtanong. Medyo nagulat pa sila.

Ngumiti sa akin si tita. Sumulyap ito kay dad na nagsalita,
"We decided it will be on August 8..." dad reached for her hand on the table.

Ambilis naman. Sa susunod na buwan na pala.
Hindi na ako nagulat, kanina pa kasi ako gulat na gulat eh, kakapagod lang.

"Malapit na pala. Paano ang preparation?" I muttered.

Nagsimula kaming kumain.

"We'll just have a civil wedding..." si dad.

"Saka na lang ang church wedding..." si tita E.
I decided I'll call her tita E. Haba kasi ng Elizabeth.

Napatangu-tango ako. Adam is busy eating na parang walang pakialam sa usapan. Sarap na sarap ito sa sweet n sour lapu-lapu.

"Siyanga pala Belle, doon na sila titira sa atin pagkatapos ng kasal... Adam will also go to BIC." si dad.

"But of course... dad.." tanging nasabi ko.

Oh right! Nilubos-lubos na talaga ni dad! Hindi ko tuloy malaman kung matutuwa pa ako.

Napatungo na lang ako at nagpaka-busy sa pagkain ko at di na nagsalita pa.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon