Book 2.5

430 7 1
                                    

"This is it Besh!!! Wala ng atrasan to." I said as I fixed her veil.

"Wala na...Aja!!!" She tearfully replied laughing nervously.

"Hey walang iyakan ok? Masisira ang make-up mo." I told her though I know it can't be prevented.

Nagsimula na ang pagmartsa ng mga abay.
Mauuna akong maglakad at siya na kasabay ng mom at dad niya.

Gwapung-gwapo si Anton sa kanyang white tux na naghihintay na sa harap ng altar, katabi nito ang best man na si Luke na matiim na nakatitig sa akin. Anton is all smiles at me.

Habang naglalakad ako palapit sa altar, hindi ko maiwasang titigan ng buong paghanga si Luke. Actually mas nagmukhang groom si Luke kesa ke Anton.

He is just too perfect.
Too perfect for me.
How can I fall in love with someone who expects too much from me?
I can't be someone that he wants.
I'm not perfect. I'm full of flaws.
I will just be a disappointment to him...
Just like what happened before...
Nasaktan ko siya at nasaktan niya din ako dahil sa mga pagkakamali ko.
Ayoko na ulit mangyari yun.

Si Luke ay bahagi na ng buhay ko at mananatiling may puwang sa puso ko pero ngayon ay okupado na ni Will.

Si Will na minahal ako bilang ako...
Si Will na minahal ako unconditionally.
Si Will na walang ginawa kundi mahalin ako mula simula at kahit na paulit-ulit kong nasaktan.

"Belle, dito tayo..." parang nagising ako sa malalim na pag-iisip ng hawakan ako ni Almira na isa sa mga abay. Andun na pala ako sa dulo ng aisle.

"O, di pa nagsisimula ang kasal umiiyak ka na?" Ani Cynthia. Inabutan niya ako ng panyo.

What the fudge? Umiyak ba ako?
Idinampi ko ang panyo sa mga mata ko ng maayos para hindi masira ang make up ko.

"Ok na?" I asked them na tinuro ang mukha ko. Um-oo naman.

Nilingon namin sa Mandy na nag-march. She's happy and so perfect in her wedding dress. She's smiling from ear to ear while nakita kong nagpahid ng luha si Anton. Awwww!!!

It is so touching to see a man cry on his wedding. It only meant two things. Either sa sobrang ligaya o sa sobrang pagsisisi.
Alin kaya si Anton sa dalawa? Lol!

Lihim akong natawa. Para akong baliw, kanina lang ay naiyak ako, ngayon naman ay natatawa akong mag-isa. I caught dad and tita mom eyeing at me na may pagtataka sa mga mukha nila. I smiled at them.

I thought maraming iyakan sa kasalang ito. Kabaliktaran pala. Puno ng tawanan ang naging seremonyas. Pati si Father ay natawa ng magpalitan ng vows ang dalawa.

"Mandy... ginising mo ang matagal nang natutulog na pagkalalaki ko, pangakong magpapakalalaki ako sayo habambuhay...mamahalin kita hanggang kamatayan." ani Anton. Tawanan...

"Anton, akala ko nung una ay natototomboy ako sayo, nung nagtapat ka ng pag-ibig sa akin ay akala ko yung mga make-up ko lang ang habol mo... nagkamali ako... pinaramdam mo sa akin ang pagmamahal na hindi ko aakalaing mararamdaman ko sa tanang buhay ko. Mamahalin kita habambuhay Anton, wala akong pakialam kahit pareho nating crush si Channing Tatum... ang mahalaga ay mahal mo ako..." si Mandy.

That Kind of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon