POV po ito ni Mika
Mika(POV):
Hi im Mika Han kaybigan ni Chanelle. nineteen years of old. 4rth year college taking business accountant. Maputi hindi gaanong katangkaran at maganda. Charot😁OA daw ako sabi ni beshie kung maka react daw wagas at isip bata. Ako isip bata? Hindi kaya baby face lang. Weh...!? Since highschool mag besfriend na kami ni Chanelle Lee,
*flashback*...
Unang pasukan sa BHIS kasalukuyan akong naglalakad sa hallway nung biglang may pumatid sa akin. Nerd pa ako noon nakasuot ng maluwang na damit, makapal na salamin at Adidas backpack.
"Sino naman kaya yang nerd na yan? Bakit ba kasi tumatanggap ng school na to ng mga ganyan. She's not belongs here. Yuck..! Pangit...!
Kung makapangit naman akala mo maganda, pilit akong tumatayo kasi nakadapa pa ako sa hallway; may gasgas na rin ang tuhod, dahil sa kagagawan ng mga bruhang yun.
"Aray ang sakit! Sakit talaga na sprain ata ako. Kumapit ako sa railing na nasa tabi ko para makatayo, pero masakit talaga. Ng may biglang humawak sa braso ko at tinulungan akong tumayo.
"Salamat ha hindi mo ba ako bubulihin kagaya nila?-tanong ko nung kasalukuyan na akong nakatayo. Ngumiti siya sa akin; ang ganda niya, at matangkad rin siya mukhang mayaman sya dahi sa pananamit.
"Im not like them l hate bully persons, why would i do that? Sabi niya sabay lahadnag pakilala.
"Im Channelle Lee and you-sabay abot ng kamay tinanggap ko naman.
"Mika Han, pwede ba kitang maging kaibigan,? Nahihiya kong sabi kasi sino ba naman ang pwedeng makipag kaybigan sa itsura kong ito. Ganitong ayos na kasi ang nakasanayan ko simula pa noon mas komportable kasi ako sa ganitong ayos. At tyaka kaya makapal tong salamin ko dahil malabo ang mag mata ko. Bakit kasalanan ko bang ganito ako manamit? Back to reality tmukhang malalim na ata tong iniisip ko at hindi ko alam na may kasama pa ako. Parang nag-aalala naman siyang napatingin sa akin napansin ata niyan natahimik ako.
"Are you ok?, did ypu feel something? Nag aalala niyang umiling lang ako.
"Tara na baka malate pa tayo- yaya niya sa akin nagpatiuna na siyang lumakad may mga naririnig akong bulung-bulungan.
"Iiww bakit ba niya tinulungan ang nerd na yan? Sabi ng pumatid sa akin. Bakit? Bawal na bang maki pagkaybigan ang nerd na gaya ko? Mga insecure lang kayo. Simula noon palagi ng kami ang magkasama; ako lang ang naging kaybigan niya kasi ayaw daw niya sa iba.kaya simula noon pinanagako ko sa sarili ko na babaguhin ko na ang pananamit ko. Ayokong apak apakan nila ako. Dahil lang sa panlabas kong anyo. Kya nagpunta kaming salon ni beshie yan ang tawagan namin simula nung naging mag kaybigan kami. Siya ang pumili lahat ng mga damit at mga girl's accessories pati na rin mga sapatos. Pinagupit ta pinakulayan ko na rin ang buhok ko. Para naman maiba pati salamin ko pinalitan niya ng contact lens. Ayaw ko sana nung unang tanggalin ang salamin ko kasi malabo talaga ang mga mata ko, kaya lang mapilit siya; ano daw silbi ng pag memake over ko kung hindi tanggalin ang salamin kaya napilitan akong isuot ito. Nung una naiirita ako, nsanay na ako. Maraming nagulat dahil sa malaki kong pagbabago, pero hindi ko na lang pinansin.
Diyan nagsimula ang pagiging mag kaybigan namin kaya nga mahal na mahal ko yun eh. Kahit minsan matigas ang ulo at straight to the point kung magsalita. Ayaw niya kasing may umaapi sa kanya.
"Beshie ikaw ba yan? - tanong ko nung makita ko siyang naglalakad sa may hallway ng KSE nagpakulay siya ng buhok bagay sa kanya. Hindi ko napigilang mapalo sya sa braso namis ko tong babaeng to ah. Kahit dalawang araw lang di kami nagkita.
"Aray kailangan talagang mamalo pa. -reklamo niya ng peace sign lang ako. Ngumiti naman siya. Yan kami friend forever.
YOU ARE READING
Marrying the campus jerk
Teen FictionLove is complicated and hard one .loving a campus hearthrob is like your seeking for some moment you want to achieve. His smart,talented,and handsome. What if yung kina iinisan mong tao ay magiging parte pala ng buhay mo. What if yung palagi...