Chapter 4

45.1K 1.6K 337
                                    

Alas singko ng hapon na ako natapos sa paglilinis ng kwarto ni Rocco. Hindi naman madumi ang banyo niya kaya madali lang akong natapos dun. Natagalan lang ako sa loob mismo ng kwarto dahil may mga nakakalat pa pala sa mga kasuluk-sulukan. Nang ma kontento na ako sa linis ng kwarto niya ay lumabas na ako.

Nagpupunas ako ng pawis habang pababa ng hagdanan nang maabutan ko si Nielo at Rocco na naglalaro sa harap ng TV. Xbox ata tawag dun. Wala namang ganun sa'min sa probinsya kaya napatulala ako sa nilalaro nila. Nahagip ako ng tingin ni Nielo at agad naman siyang ngumisi.

"Dwayney!" Pasigaw niyang bati. Napalingon din si Rocco at tinaasan ako ng kilay. Umiwas ako ng tingin at lumapit sakanila.

"Ano iyang nilalaro niyo, Nielo?" Kuryuso kong tanong. Sumulyap siya sa TV at ngumiti.

"Ah, ito? Tekken. Marunong ka?" Tanong niya. Umiling lang ako at tipid na ngumiti. Hindi ko naman hilig ang mga ganiyan. Tanging nilalaro ko lang ay iyong manika na bigay ni Nanay.

"Eh, ikaw? Ba't pawis na pawis ka? Saan ka galing?" Sunod sunod niyang tanong. Napasulyap naman agad ako sa katabi niyang seryosong naglalaro. Tss. Ang sungit talaga.

"Naglinis ako ng kwarto ng Kuya mo." Sabi ko. Umawang naman ang mga labi niya at sumulyap din sa Kuya niya.

"Talaga? Pwedeng linisin mo rin kwarto ko?" Umaasang aniya. Sasagot na sana ako nang biglang nag salita nang pabulyaw si Rocco.

"No! Hindi pwede." Mariing bulyaw niya at sandaling tumigil sa paglalaro. Kumunot naman ang noo ni Nielo at ngumuso.

"Bakit hindi? Nilinis niya nga iyong sayo." Naguguluhang tanong ni Nielo.

"Ah, sige, Nielo. Bukas lilinisin ko ang kwarto mo." Ngumiti ako sa mabait na Del Francia. Oo nga, bakit naman hindi? Nilinis ko nga ang kwarto ng Kuya niyang suplado. Siya pa kaya na sobrang cute at sobrang bait?

Nakita kong tumalim ang tingin sa 'kin ni Rocco. Na para bang may mali sa sinabi ko.

"Humanap ka ng ibang katulong. Marami pa akong ipagagawa riyan bukas at sa mga susunod na araw." Seryoso siyang nakatitig sa 'kin habang sinasabi iyon kay Nielo. Tsk. May balak ba talaga siyang pahirapan ako?

"Sige. Pero kung wala ka nang iuutos sakaniya, ako naman, ah?" Inosente namang sagot ni Nielo. Hindi na siya sinagot pa ni Rocco at bumalik na ito sa paglalaro. Nagpaalam na rin ako at tumungo na sa Maid's Quarters upang magbihis. Naabutan ko si Nanay na hinihilot ang sentido niya.

"Oh, anak. Saan ka nanggaling? Ba't ang dungis mo?" Gulat na tanong ni Nanay. Ngumiti ako ng pagod at umupo sa tabi niya.

"Pinaglinis po ako ng kwarto ni Rocco." Humikab ako at humiga. Kumunot naman ang noo ni Nanay at hinarap ako.

"Rocco? Iyong panganay?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ako at pumikit.

"Aba! 'Wag kang maglalapit-lapit dun! Nakalimutan mo na ba ang ginawa sa'yo ng batang iyon?" Bakas sa mukha ni Nanay ang pangamba at pag-aalala.

"Nay, hindi po. Pero wala naman tayong magagawa kung uutusan niya ako. Amo natin siya." Inaantok ko nang sagot kahit maaga pa naman. Napabuntong hininga naman si Nanay.

"Basta 'pag may ginawa siyang masama sa'yo, isumbong mo agad sa 'kin, ah? Kahit na malaki ang sahod dito ay hindi ako mangingiming umalis kapag inapi ka na naman niya." Mahabang litanya ni Nanay. Ngumiti lang ako ng tipid at niyakap siya sa beywang.

"Nay... Kaya ko po ang sarili ko. 'Tsaka mabait naman sa 'kin iyong bunso. Si Nielo." Kwento ko. Hinaplos ni Nanay ang buhok ko na lalong dumagdag sa antok ko.

"Oh, siya! Basta 'wag kang matatakot na magsumbong sa 'kin, ah." Tumango na lang ako at tuluyan nang hinila ng antok. Ipinag-paliban na ang hapunan.

Nagdaan ang ilang linggo at nagsimula na ang pasukan namin. Naging magaan naman para sa 'kin ang lahat at marami na rin akong naging bagong kaibigan sa bago kong paaralan. Ngunit napapawi ang saya ko sa tuwing uuwi na sa mansion. Talagang tinotoo ni Rocco ang sinabi niyang marami pa siyang iuutos sa 'kin. Naglilinis ako ng kwarto niya kahit hindi naman na marumi. Tatlong beses ko iyong nililinis sa isang linggo. Kahit mga hindi ko naman na trabaho ay pinapagawa niya sa 'kin. Minsan 'pag may project siyang nangangailangan ng mga disenyo ay ako ang gumagawa dahil hindi raw siya marunong.

Nagalit nga siya sa 'kin nung pinagawa niya sa 'kin iyong portfolio niya sa Filipino. Masyado raw girly dahil pinuno ko ng pink butterflies na gawa sa construction paper. Pero hindi naman na niya pinagawa pa ulit at hinayaan na lang. Napangisi ako nang maalala iyon.

"Dwayney! Patulong naman nitong assignment ko." Bungad sa 'kin ni Nielo na nakadapa sa carpet ng sala at nakasimangot na nakayuko sa notebook niya. Pareho kaming nasa Grade 3 kaya paniguradong alam ko iyang assignment niya. Lumapit naman ako sakaniya at inagaw ang notebook niya.

"Ah, ito ba? Sus, ang dali nito, eh." Sabi ko habang inaalisa ang mga tanong. Ngumisi naman si Nielo at inilapit pa ang mukha niya sa 'kin.

"Matalino ka kasi kaya madali lang sa'yo." Bulong niya sabay hagikhik. Namula naman ako at bahagyang umiwas dahil sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin.

"Matalino ka rin naman, ah! Tamad ka lang talaga katulad ng Kuya mo." Bulong ko rin dahil baka marinig pa ako ng isang iyon. Tumawa naman siya at pumangalumbaba.

"Mas gwapo naman ako dun!" Mayabang niyang sagot at itinaas baba pa ang dalawang kilay niya. Natawa na rin ako at ginulo ang buhok niya.

"Mas mabuti pa rin iyong gwapo na, matalino pa." Sabi ko habang sinasagutan na ang mga tanong sa assignment niya.

Nag-kulit pa si Nielo habang sinasagutan ko ang assignment niya. Tumulong din naman siya kaso ang kulit niya talaga kaya ako na lang ang sumagot sa huli at hinayaan na siyang kulitin ako. Nabigla ako nang kilitiin niya ako bigla sa tagiliran kaya napa tili ako at napahiga sa carpet. Hinahampas ko siya pero mas malakas siya sa 'kin kaya nadaganan niya ako. Hindi ko na napansin ang posisyon namin dahil tawa ako nang tawa sapagka't kung saan saan umaabot ang mga kamay niya upang mangiliti.

Pareho kaming napapitlag ni Nielo nang may biglang malakas na kumalabog. Sabay kaming napalingon doon at nahintakutan ako nang makitang nakatayo lang sa unahan si Rocco at madilim ang mukhang nakatitig sa'min. Agad kong na-itulak si Nielo sa ibabaw ko at agad napatayo. Pinasadahan ko ang nagusot kong uniform at nahihiyang nag iwas ng tingin.

"Hey, Kuya! Kararating mo lang?" Bati ni Nielo na parang walang nangyari. Nilipat ni Rocco ang tingin niya kay Nielo at mas kumunot ang noo.

"What the hell are you doing?" Matigas na tanong niya kay Nielo. Sumulyap naman si Neilo sa 'kin at ngumiti.

"We're just playing, Kuya." Maligaya ang tono ni Nielo samantalang parang nagpupuyos na ang Kuya niya.

"Go back to your room." Mando niya at hinagis ang bag niya sa malaking sofa.

"But we're still doing my assignment!" Protesta ni Nielo at umupo na ulit sa carpet. Nanatili naman akong nakatayo sa gilid at nakatingin lang sakanila.

Bumaba ang tingin ni Rocco sa notebook ni Nielo pagkatapos ay tumingin sa 'kin.

"Do it yourself, Nielo. May ipapagawa pa ako kay Dwayne." Sabi niya nang hindi tinatanggal sa 'kin ang tingin. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Na naman? Nag-aral pa siya kung ako lang naman pala ang gagawa ng mga aralin niya!

"Sige. Next time na lang, Dwayne." Bigong sabi ni Nielo at umakyat na sa itaas. Naiwan akong nakatingin sa papalayong si Nielo. Nagulat ako nang lumapit sa 'kin si Rocco.

"May gusto ka ba sa kapatid ko?" Diretsong tanong niya na ikinaluwa ng mga mata ko. Uminit ang mga pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin.

"W–wala, ah!" Sabi ko sabay mabilis na sulyap ulit sakaniya. 

Tinaasan niya lang ako ng kilay at matalim na tinitigan.

"Ito ang tatandaan mo. Hindi ka pwedeng magka gusto kay Nielo. O kahit sa sinong lalaki. Kuha mo ba?" Mababa ang boses niyang sabi kaya kinilabutan ako. Awang ang bibig ko siyang tinitigan na ngayon.

"Anong pinagsasabi mo..." Halos bulong ko nang tanong sakaniya. Nalulula. Ngumisi siya pero iyong tipong delikado.

"Batas ko para sa'yo..." Bulong niya ring sagot.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon