Hinahabol ko pa ang aking hininga nang nakapasok ng kwarto. Nanghihina akong napa-upo sa kama at natulala habang nakatingin sa pinto. Ni-lock ko iyon kung sakali mang sumunod si Rocco.
Napapikit ako nang mariin. Pangalawa na 'to! Pangalawang beses nang nangyari ito. Noon. At ngayon naman. Ang pagkakaiba lang, hindi na siya nag-iisa. May kasama na siya. At iyon ang sobrang tumatak sa 'kin.
Kung noon, hindi ko alam kung ano iyong nakita kong ginagawa niya, ngunit ngayon ay alam na alam ko na. Kaya pala galit na galit siya noon. At sa nangyari ngayon hindi ko maiwasang hindi pangilabutan sa maaaring maging reaksiyon ni Rocco.
Minura, sinigawan, pinagsalitaan ng masasakit, at nakaka-insultong salita ang ginawa niya sa 'kin. Paano pa kaya ngayon? O baka, eh, suntok at tadyak na talaga.
Sumikip ang dibdib ko. Hindi niya pwedeng gawin iyon! Hindi ko naman sinasadya, eh! Atsaka, mali iyong ginagawa nila. Hindi sa ganung lugar dapat ginagawa ang mga bagay na iyon. Malalaki na sila! Dapat alam nila 'yon. Atsaka, wala na ba talagang respeto si Rocco sa mga magulang niya? Na pati mansion nila eh binabahiran niya ng kababuyan niya? Argh!
Napapitlag ako nang may kumatok sa pinto. Wala sa isip akong napaatras sa kama. Kumapit ako sa manipis na bedsheet habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa pinto. Kumatok ulit ito.
"Dwayne, anak. Buksan mo..." boses ni Nanay ang narinig ko. Napabuga ako ng hangin. Tumayo ako at binuksan ang pinto.
"Nay..."
"Oh, bakit ka nandito? May gagawin pa roon sa labas. Mag-isa na lang si Ana roon dahil abala ang iba." Kinalas ni Nanay ang tali ng buhok niya at nag-suklay.
Tapos na yata siyang magluto kaya magpapahinga na siya. Iyon lang naman ang trabaho ni Nanay. Assistant ni Nanay Mercy sa pagluluto. Hindi siya naglilinis dahil naka-assign iyon sa iba.
"Ang sakit ng likod ko... Grabe naman iyang si Rocco. Ang raming ipina-luto!" Hinihilot ni Nanay ang kaniyang beywang habang naka-upo na rin sa kama.
Naaawa ako kay Nanay. Ang laki na ng sakripisyo niya para sa 'kin. Napagtanto kong mahirap talagang maging single parent. Iyong ikaw lang mag-isa ang bubuhay sa anak mo. Naalala ko tuloy ang ama kong hindi ko kailanman nakilala. Pero kahit hindi ko man siya nakita, parang nakikita ko na rin naman siya 'twing nananalamin ako.
Sabi ni Nanay, kamukha ko raw siya. Ang mala-berde kong mga mata ay namana ko raw sakaniya. Ang maputing kutis at light brown na buhok. Pero hindi iyon sapat para sa 'kin. Gusto ko pa rin siyang makita. Minsan...
"Nay, pagod na rin po ako, eh. Matutulog na po ako." Nanghihina kong sabi.
"Aba, eh, kumain ka na ba?"
Umiling ako at tipid na ngumiti.
"Hindi na po. Busog po ako." At humiga na ako. Totoong nabusog nga ako sa libreng siomai ni Axel kanina.
Maaga akong dumating sa paaralan kinabukasan. Naabutan ko pa ang Janitor na nagmo-mop sa hallway.
"Good morning po!" Bati ko.
"Magandang umaga rin sa'yo, hijo. O hija?" Kumunot ang noo ng Janitor. Tumawa ako.
"Hijo po."
Tumango ito at nagpatuloy na sa ginagawa. Pagkarating ko ng classroom ay nagulat ako nang nakitang nakatayo na roon si Axel. Nakahilig sa dingding at nakapamulsa. Ngumiti ito nang matamis sa akin.
"Good morning, Miss." Swabe itong kumindat at humalakhak. Uminit ang mga pisngi ko.
"Anong ginagawa mo rito?" Hindi nga kasi kami magka-klase. Nasa second floor iyong room nila. Umayos ito ng tayo at ipinakita ang binder niya at isang English na libro.
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
General FictionSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...