Chapter 47

36.2K 1.1K 96
                                    

Pagkatapos mag-hapunan ni Ma'am Lucille ay agad itong sinamahan ni Nanay Mercy sa magiging kwarto nito. Isa sa mga pinaka-magarang guestroom nanatili si Ma'am Lucille. Katabi nang silid ng mag-asawang del Francia. Hindi ko pa iyon nakikita dahil sa lahat ng silid sa mansion ay kay Rocco lang ako nakapasok.

Napaisip tuloy ako. Bakit hindi nabanggit ni Rocco sakin ang tungkol sa tiyahin niya? Nai-kwento niya naman ang tungkol sa mga pinsan at ibang kamag-anak niya. Maliban kay Ma'am Lucille.

Hindi ko alam pero sobra akong nai-intimidate sa presensya ng ginang. At labis akong nababahala dahil malaki ang posibilidad na magkakaroon kami ng interaksyon dahil nasa iisang mansion lamang kami at kailangan namin siyang pag-silbihan. Parang nakakatakot magkamali sa harap niya. Parang kahit takas na buhok sa noo ko ay pupunahin at pag-tataasan ako ng kilay.

Buong gabi ay pinag-uusapan ng mga kasambahay ang tungkol kay Ma'am Lucille. Si Nina ay tila na-trauma kahit hindi naman siya sinigawan ng ginang. Isang mapanuring tingin lamang iyon pero halos hindi na makapag-salita si Nina. Paano pa kaya kung masigawan siya? Parang ayoko nang isipin pa.

"Kaya kayo, doblehin niyo ang pag-iingat sa mga kilos niyo lalo na kapag nasa harap kayo ni Ma'am Lucille. Hindi natin alam ang kaniyang ugali kaya mas mabuting mag-ingat na lamang tayo." Ani Nanay. Nagsi-tanguhan naman ang ibang kasambahay.

"Mukhang mataray nga! Naku. Utusan na ako ni Aling Mercy ng kahit ano, huwag lang ang pag-silbihan si Ma'am Lucille." Sabi ni Beth. Nag-tawanan ang mga kasambahay. Samantalang nanatili namang tahimik si Nina.

"Imposible iyang sinasabi mo, Beth. Kahit umiwas ka pa ay talagang makaka-salamuha mo siya." Si Ate Pasing.

"Ah, basta. Magbi-busy-busyhan na lang ako kapag nandiyan siya." Nag-kibit ng balikat si Beth at humalukipkip. Napailing na lamang ako at nagpaalam na para matulog.

Kinabukasan, pagkatapos kong kumain ng pananghalian ay nag-tungo ako ng library upang mang-hiram ng libro. Hindi ako ginulo ngayon ni Apple. Siguro ay pinag-luluksaan niya parin ang nangyari kahapon.

Napili kong mag-basa sa soccer field. May mga nakapalibot na lamesa at upuan sa mga puno dun kaya mas mabuting dun ako mag-basa dahil tahimik at malamyos ang hangin.

Habang naglalakad ay may naramdaman akong parang may dalawang matang nakatitig sakin. Agad akong napalingon at naabutan ang mga estudyanteng naglalakad at mahinahong nag-uusap. Kumunot ang noo ko. Huminga ako ng malalim at nag-patuloy na lamang sa paglalakad.

Nakakita ako ng isang puno na bakante ang mga upuan. Agad akong nag-tungo dun at umupo. Inilapag ko ang backpack ko sa lamesa at binuklat na ang librong tungkol sa Greek Mythology.

Mapayapa ang pagbabasa ko. Nakatuon lang ang mga mata ko sa mga letra at labis kong naiintindihan ang mga iyon dahil sa katahimikan. Ito talaga ang gusto ko. Ang mag-basa sa isang tahimik na lugar. Sa library kasi, may maririnig ka pa ring mumunting tinig at minsan ay mararahas na tunog ng mga upuan. Kaya nadi-distract ako. Mas mabuti pa dito sa field dahil kahit maingay ang tunog ng mga dahong nag-babanggaan ay masarap pa ring pakinggan.

Nang nag-ala una ay niligpit ko na ang mga gamit ko at pumanhik na sa susunod kong klase. Pumasok ako sa room at nakitang dalawang kaklase ko pa lamang ang naroon. Lumapit ako sa upuan ko at labis na lamang ang panlalamig ko nang makakita ako ng papel sa ibabaw ng arm chair. Tila huminto ang mundo ko at nakatuon ang mga mata sa isang pirasong papel.

Jusko. Nanginginig ang mga kamay kong inabot ito. Kahit gusto kong pumikit ay tinatagan ko ang loob ko at nanlalaki ang mga matang binasa ang nasa loob.

'I missed you so much. Miss mo rin ba ako?'

Ang bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko na masundan. Hindi ko man lang namalayan na habol ko na pala ang hininga ko. Agad kong binalingan ang dalawa kong kaklase.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon