Tahimik ang byahe pa-uwing mansion. Minsan naman ay nagsasalita si Nielo. Laging tanong niya ay tungkol kay Axel. Kung minsan ba ako nitong na-bully at kung ano ano pa. Tipid ko lamang siyang sinasagot dahil hindi talaga ako komportable sa loob ng sasakyan nila. Hindi ako komportable na nasa kabilang dulo lang si Rocco. Para akong nauubusan ng hangin.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking gate. Dahan dahan naman itong bumukas. Automatic kasi ang gate at nace-censor nito ang plaka ng mga sasakyang pagmamay-ari ng mga Del Francia. Kung hindi nito makilala ang plaka ay kailangan pa nitong pagbuksan ng manual ng mga gwardya.
Nang tuluyan nang nakapasok ang sasakyan ay huminto ito sa malawak na garahe. Una akong lumabas at sumunod naman si Nielo. Narinig ko ang lagapak ng pinto sa kabila. Lumabas na rin yata si Rocco.
Sabay kami ni Nielo na naglalakad patungo sa tanggapan ng mansion ngunit hindi pa man ako nakakarating sa hamba ng pintuan ay may humaklit na ng kanang braso ko. Sa sobrang lakas ng pagkaka-haklit ay hindi ko na nalingon pa kung sino ito.
"T-teka!" Nagulat ako nang nakitang ang namumulang si Rocco pala ang humaklit sa akin. Hindi niya ako nilingon. Malakas niya akong hinila papasok ng mansion. Nilingon ko si Nielo na gulantang sa nakita.
"Kuya!" Ang tanging nasabi ni Nielo. Sa kaba ko ay hindi na ako naka-alma.
Hinigit ako paakyat ni Rocco sa engrandeng hagdanan. Sinubukan kong bawiin ang aking braso pero mas humigpit lang ang hawak ni Rocco rito.
Nang nakaakyat na ay hinila niya naman ako patungo sa pinto ng kwarto niya. Nataranta na ako.
"T-teka lang, R-rocco! Ano ba..." Binawi ko ulit ang kamay ko. Nabitawan niya na ito kaya galit niya akong nilingon.
Hinaklit niya uli ako at marahas na binuksan ang pinto ng kwarto niya. Lumagapak sa dingding ang pinto kaya napapikit ako. Tinulak niya ako papasok at bahagya pa akong nadapa sa kama niya. Namumutla ko siyang tiningala.
Ang nakikita kong galit sa mukha niya ay hindi ko maintindihan. Galit na galit na para bang papatay na siya ng tao. Ang lakas na ng pintig ng puso ko. Diyos ko, kung ano man ang magawa sa akin ni Rocco ay sana'y gabayan ninyo ako. Hindi ko alam kung bakit siya nagkaka-ganito.
Inis niyang sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri at humarap sa akin. Mariin niya akong tinitigan at pumameywang sa harap ko. Ka-lebel ng aking mukha ang kaniyang ibabang bahagi ng katawan.
"Ano 'yong narinig ko? Tinuturuan mo ang lalaking 'yon?!" Bulyaw niya. Parang nag-vibrate ang puso ko sa lakas ng boses niya. Napakapit ako sa makapal na comforter ng kama niya.
"Really, Dwayne? Ang tarantadong 'yon?" Hindi makapaniwala niya akong tiningnan. Napayuko ako. Ito ba? Ito ba ang ikina-gagalit niya? Pero... Ano namang pakialam niya roon?
"Tinutulungan ko lang naman." Kahit labis na kinakabahan ay napanatili ko ang kalmadong boses.
"Putang ina! 'Wag mong idadahilan 'yan!" Malakas siyang nagmura. Parang gusto ko nang ma-iyak bigla. Nagmumura na kasi siya.
"T-totoo! Ano bang masama dun?" Pilit kong pinapa-tapang ang boses ko. Mas lalong tumigas ang mukha niya at humakbang nang isang beses palapit sa akin. Ang mga paa kong nakapahinga sa sahig ay naitaas ko sa kama. Napaatras ako sa takot.
"You dare fucking ask me that stupid question? You're working for us! Kami ang amo mo. You should only give your services to us and not to that fucking dipshit asshole!" Tinuro niya ang labas ng bintana na para bang nandun si Axel. Nakita kong kumuyom ang kamao niya pagkatapos.
"Ano? Hindi ka makasagot? Come on! Bigyan mo 'ko ng valid reason. Magdahilan ka pa!" Hamon niya at umabante ulit. Napaatras na naman ako. Nasa kama na ang buo kong katawan.
Sa isang iglap ay naalala ko bigla ang pagtrato niya sa akin sa mga lumipas na araw. Ang mga ginawa niya na hindi ko naman pinakialaman. Oo, hindi ako kailan man nakialam sakaniya kasi iyon nga ang ayaw na ayaw niya. At wala naman talaga akong pakialam doon. Pero bakit ngayon sa akin, nakikialam siya?
Matapang ko siyang tiningala.
"Ano bang pakialam mo?"
Umigting ang panga niya at kumunot ang noo. "Anong sabi mo?"
"Sabi ko, ano bang pakialam mo? Oo! Amo kita! Amo ko kayo! Pero may sarili rin akong buhay! May sarili akong desisyon. Sa labas ng mansiong ito, malaya rin akong gawin ang mga gusto kong gawin. Atsaka, ano bang masama dun sa pagtulong ko kay Axel? Masama na ba ngayong tumulong ng tao, ganoon ba?" Tumaas ang boses ko sa hindi inaasahan. Galit akong hinila patayo ni Rocco. Inilapit niya ako sakaniya.
"Axel? Is that the name of that guy? Bakit mo siya tinutulungan? Sine-sweldohan ka ba niya?" Mahina ang boses niya pero sobrang diin. Inilag ko ang mukha ko sa sobrang lapit ng mukha niya. Tinulak ko siya at nag-tagumpay naman ako.
"Hindi! Pero mabait siya sa akin! At kaibigan ko siya. Ngayon, kwe-kwestyunin mo pa rin ba 'yon?" Tanong ko at naghabol ng hininga.
"Kaibigan? Talaga? O baka naman gusto mo ang tarantandong 'yon?" Puno ng malisya ang tono ng boses niya. Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa tinuran niya.
"A-ano? Ano bang pinagsasabi mo, Rocco?" Pumiyok na ang boses ko. Galit niya akong tinitigan.
"Baka nakakalimutan mo ang batas ko para sayo, Dwayne?" Naniningkit ang mga mata niya akong tiningnan. Sa sinabi niyang iyon ay parang isang panaginip kong naalala ang nakaraan.
Sinabi niya nga noon na bawal akong magka-gusto sa kapatid niya o sa kahit na sinong lalaki. Tila may isang punyal na sinaksak sa puso ko nang lubusan ko na itong naintindihan. Ang sama sama niya talaga. Galit ko siyang tinitigan pagkatapos.
"Bakit? Dahil ba bakla ako? Iyan ba? Bakit, ano namang masama sa pagiging bakla? Hindi na ba ako pwedeng magka-gusto? Hindi na ba ako pwedeng m-magmahal?" Pumiyok ang boses ko sa huli at tumulo na nang tuluyan ang mga luha ko sa magkabilang mata.
Umatras ako at nanghihinang napa-upo na lang ulit sa kama niya. Tinakpan ko ang mukha ko at mahinang humikbi. Ang sama niya. Kahit noon pa man. Ayaw niya sa bakla. Akala ko nagbago na siya. Na natutunan niya na rin akong tanggapin at ituring na kaibigan man lang. Pero hindi pa rin pala. Siya pa rin iyong masamang bata noon. Ang sama sama ng ugali.
"B-bakit ka ba nakikialam? Sa'yo nga hindi naman kita pinakikialaman, ah?" Humihikbing sabi ko. Hindi ko siya tinitingnan. Nakayuko lang pa rin ako.
Katahimikan ang sumunod doon. Hindi siya nagsalita. Tanging mga hikbi ko at malalalim niya lang na paghinga ang naririnig ko sa paligid. Nakita ko ang sapatos niyang humakbang palapit sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang inangat ang mukha ko. Kinulong niya sa dalawa niyang palad ang mukha ko. Pilit kong inilag ang mukha ko sakaniya pero pinirmi niya ito.
"Look at me." Matigas niyang utos. Kahit ayaw ko man ay tiningnan ko na lang siya sa huli. Nakita kong mapungay na ang mga mata niya ngayon. Pero halatang galit pa rin. Suminghot ako at kinamot ang ilong. Napatingin naman siya roon at biglang kumibot ang ibabaw ng labi niya.
"Listen to me, you cute little thing..." marahang sabi niya. Sa kabila ng iyak ay uminit pa rin bigla ang mukha ko sa binulong niya.
Hindi ko na rin alam pa ang dahilan ng bilis ng pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung kinakabahan pa ba ako o iba na 'to. Sa mga lumipas na araw, naging madalas na ang pag-kalabog ng dibdib ko sa kaba nang walang malinaw na dahilan. Pero lahat nang iyon ay may koneksyon lagi sakaniya.
"Kung ikaw, hindi ka nakikialam sa 'kin. Pwes, ibahin mo ako, Dwayne..." Mariin niyang sabi at pinakatitigan na ako sa mga mata. Hindi ko magawang umiwas dahil para akong nalulunod sa mapupungay niyang mga mata ngayon.
"Dahil makikialam at makikialam talaga ako sa'yo." Sabi niya at walang pasabing hinalikan ako sa noo.
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
Genel KurguSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...