Nakatitig ako sa asawa kong abala sa pag-pupunas ng pawis ng dalawa naming anak. Arugang-aruga niya talaga kami. Simula umaga hanggang sa pag-tulog namin, hinding-hindi niya kami pinapabayaan at lahat ng pangangailangan namin ng mga bata ay natutugunan niya. I heaved a deep sigh. Wala na yata akong mahihiling pa. Sobrang saya ko na sa buhay ko ngayon. My company's doing really fine. I am raising my kids very well. And I have a very beautiful and loving wife.
"Rojan, mamaya na ulit. Pagkatapos niyong kumain, swimming ulit kayo. Okay?" Ani Dane sa panganay namin. Lumipat ang tingin ko sa anak kong lalaki at napa-ngisi ng makitang bigo itong tumango sakaniyang Mommy. Manang-mana talaga sakin. Matigas ang ulo niyan sakin, pero sa Mommy niya, tumitiklop. Kagaya ko rin.
"Mommy, more banana chips, please?" Matinis na tinig ni Snow. Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko nang makita ko ang napaka-among mukha ng anak kong babae. She's the mini-me of my Dane. Carbon copy namin iyong dalawa. Kaya minsan, kahit sobrang pagod ako galing sa trabaho, makita ko lang silang dalawang nag-kukulitan sa sala, nawawala na ang pagod ko. Dagdagan pa ng salubong na halik ng asawa ko.
Tanaw ko sila mula rito sa maliit na tent kung saan kami nag-iinumang magka-kaibigan at ang kapatid kong si Nielo. Ang mga asawa't mga anak namin ay nandun sa malaking Pavilion kung saan ang mga gamit at mga pagkain namin. Nag-swimming kasi ang mga anak namin at nang mag-tanghalian ay tinawag na ng aming mga asawa upang pakainin.
Naka-tutok ako sa mag-iina ko habang tumutungga ng beer. Napa-tingin ako kay Ross nang tinapik ako nito sa balikat.
"I-enrol mo iyang si Rojan sa Taekwondo, Pare. Mabuti nang maaga iyang matuto." Ani Ross. Ngumisi ako at tumango.
"Sige. I'll tell Dane about it." Sabi ko at tumungga ulit.
"Parang ngayon pa lang nakikinita ko na ang kinabukasan niyang panganay mo, Pare. Manang-mana sa'yo." Naiiling na sabi ni Ross. I smirked. Tumango rin ako sa pagsang-ayon.
"At sobrang ganda ng anak mong babae, Bro. Hindi na ako mag-tataka kung mag-hihigpit ka diyan." Natatawang ani Troy. Ngumisi ulit ako at tumungga ng beer.
"Talaga." Maangas kong sagot.
Baliktad kami ni Dane. Siya, spino-spoil si Rojan. Ako naman, spoiled sakin si Snow. Pero gayunpaman, pantay pa rin ang pagmamahal namin para sa dalawa naming anak. Walang mas nakakahigit sakanila at sinisikap talaga namin ni Dane na mapalaki sila ng maayos. Thank God, I have my wife by my side all the time. Hindi ko yata kakayanin kung wala ang asawa ko.
"By the way, Bro. Huwag mong kalimutan iyong party ni Ash next week." Paalala ni Drew. Kumunot ang noo ko sakaniya.
"What party?" Tanong ko.
"Stag party! He's getting married to Tasha, remember?" Aniya. Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Oo nga pala. Nagkabalikan na nga pala iyong dalawa. Dane was so happy for her friend. And so am I.
"Siya ang huling ikakasal sating magba-barkada, Bro. Suportahan natin iyan." Ani Third. Napa-baling ako sa lalaking minsan ko na ring kinainisan at pinag-selosan. Good thing he's also married now. Dahil kung hindi, baka hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pinapalapit ang asawa ko sakaniya. Tss.
"Magpa-paalam muna ako kay Dane." Tanging nasabi ko. Kitang-kita ko ang pag-awang ng kanilang mga labi. Narinig ko ang hagalpak ni Nielo hindi kalayuan sakin. Kandong niya ang pangalawa niyang anak na lalaki, si Kenjie.
"Lintek! Parang lahat na lang nakasalalay sa asawa mo, ah?" Natatawang asar ni Troy. Kumunot ang noo ko sakaniya.
"Parang nag-iba na yata ang ihip ng hangin, Pare?" Asar din ni Ross. Sinamaan ko na sila ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
General FictionSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...