Alas otso ng gabi ay nagsi-uwian na ang mga tao. May iilan pa rin namang naiwan ngunit hindi na kagaya kanina na maingay dahil sa tawanan at kasiyahan ng mga tao. Si Nelson ay sinamahan ni Cindy na makihalubilo sa ibang bisita at lagi ko lamang silang sinusundan ng tingin dahil ayokong ituon ang pansin ko sa mga taong naka-upo sa tapat ko.
Si Nielo ay nanatili sa table at tumabi na sakin. Kaming apat na lamang ang natitira at sobrang awkward dahil tanging ang mga malalambing na tinig na lamang ni Shantelle ang naririnig namin. Maging si Nielo ay tahimik.
"I promise I won't tease you again..." humagikhik si Shantelle. Kahit hindi ako nakatingin sa gawi nila ay alam kong sobrang lapit nila sa isa't isa. Kanina pa sila nagbubulongan. At kanina pa kinukuyom ang puso ko.
"Ang hilig-hilig mo talaga!" Impit na sabi ni Shantelle. Mariin akong napapikit. Alam ko ang pinag-uusapan nila. Kung nakamamatay lang ang mga salitang naririnig ko kanina pa ay baka humandusay na ako sa sahig.
"Dane.." tawag ni Nielo sa pansin ko. Lutang akong napatingin sakaniya. Puno ng awa at pagmamalasakit ang kaniyang mga matang nakatingin sakin.
"N-nielo.. ano iyon?" Pinilit kong ngumiti sakaniya. Bumuntong hininga siya at bahagyang nilapit ang mukha sakin upang bumulong.
"You can decline the offer. You don't need to do it." Bulong niya. Mas lalong kinukurot ang puso ko sa tinig at mukha niyang puno ng awa para sakin. Ewan ko ba. Hindi ko naman sinabi sakaniyang mahal ko pa rin ang kapatid niya pero bakit tila alam na alam niyang nasasaktan ako ngayon? Masyado bang halata? Masyado ba akong madaling basahin?
"A-ayos lang, Nielo. It will be so unprofessional of me to decline such offer. I can handle." Tipid akong ngumiti. Kailanman ay hindi ako tumanggi sa anumang offer. Malaki man o maliit na event ay bukas ako at tinatanggap ko. Kung tatanggi ako sa offer ni Shantelle, hindi iyon magandang pakinggan lalo na sa mga taong walang alam sa nakaraan namin ni Rocco. Tanging sa mga nakakaalam lang tulad nina Nielo ay paniguradong maiintindihan nila. Kaya tatanggapin ko iyon kahit na ba paniguradong sakit lang ang aabutin ko sa tuwing makikita ko silang dalawa.
"Dane. I'm telling you-"
"Nielo. Kaya ko. Huwag ka nang mag-alala. Okay?" Mahinahon kong sabi. Nag-aalangan naman siyang napa-tango at umayos ng upo. Tumikhim din ako at nag-iwas ng tingin.
"Nielo." Narinig kong tawag ni Rocco. Hindi ako lumingon. Nanatili lang akong nakatingin sa iilang mga taong natira.
"Kuya." Si Nielo.
"I want you to check the site in Tagaytay. Tingnan mo kung maganda bang gawing Inland Resort iyon." Ani Rocco. Kahit pinapatay na ako ng kuryosidad ay pinilit kong huwag lumingon. Huminga ako ng malalim at nanatiling naka-iwas ang tingin.
"Inland Resort? Sobrang layo niyan sa linya ng negosyo natin, Kuya." Ani Nielo tila hindi makapaniwala. Oo nga naman.
"That's one of my business ventures. Makakatulong ito sa kompanya at mas lalong lalago." Ani Rocco. Kinagat ko ang aking labi. Noon pa man alam ko nang matalino talaga siya. Alam kong magiging magaling siyang tagapag-mana. Nais ko mang puriin siya sa kaniyang kahusayan ay hindi ko magawa. Basta alam ko sa sarili ko na sobrang proud ako sakaniya kahit noon pa man.
"Are you sure about that? Isn't that too risky?" Si Nielo na parang duda pa rin.
"Don't you trust your brother, Nielo? Sa loob ng ilang taon ay mas lumago ang kompanya ninyo dahil sakaniya. I'm sure he will make his business ventures successful, too." Singit ni Shantelle. Para akong timang na naka-iwas ang tingin at nakikinig lamang sakanilang usapan.
At sa sinabi ni Shantelle ay sobra akong naiinggit. Na sa loob ng ilang taon ay nasaksihan niya ang mga tagumpay ni Rocco. Na panigurado ay nasa tabi siya ni Rocco sa mga sandaling nabibigo at nananalo si Rocco. Siya at hindi ako. Nasasaktan ako dahil kahit gustuhin ko mang maging ako ang taong nasa tabi niya ay hindi pwede dahil kailangan kong isakrapisyo ang kasiyahan ko para sakaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/123747151-288-k960845.jpg)
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
Ficção GeralSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...