Isang oras na kaming naka-babad sa tubig dagat. Pabilog kaming naka-harap sa isa't isa at nagkwe-kwentuhan ng kung ano-ano. Nag-tatawanan kami habang nagkwe-kwento si Vivian tungkol sa sex escapades nila ni Drew. Naiilang na nga ako dahil masyadong bastos ang sinasabi niya pero natatawa rin ako kapag humahagalpak sina Ruth at Nica.
"Too much information, Viv! My god!" Maarteng sabi ni Nica at nag-flip ng hair. Sinabuyan siya ng tubig ni Vivian kaya natawa ako.
"Pero agree ako sa'yo, ah! Kahit kasi hindi sabihin ng mga lalaki pero gusto talaga nilang i-blòw jób natin sila." Ani Ruth. Nanlaki ang mga mata kasabay ng pangi-nginit ng mukha ko. Napa-tingin sakin si Ruth at humagalpak ng makita ang reaksyon ko.
"Oh? Bakit, Dane? Hindi mo ba na-blów jòb si Rocs? Kahit kailan?" Hindi makapaniwalang sabi niya. Umawang ang bibig ko at umiling.
"Bakit?" Sabay-sabay nilang sabi. Mas lalong uminit ang pisngi ko.
"H-hindi niya naman sinabing gawin ko i-iyon.." mahina ang boses na sabi ko. Nag-tawanan sila at nag-apiran pa. Mas lalo akong nahiya.
"Gosh! Dapat nag-kusang loob ka! Paborito iyan ng mga lalaki." Si Nica habang natatawa pa rin. Hindi ako sumagot at nag-iwas na lamang ng tingin.
"Wait. Marunong ka ba? Na-try mo na ba iyon sa ibang lalaki?" Usisa ni Vivian. Malakas akong napa-singhap.
"H-hindi." Na-kagat ko ang aking labi sa hiya. May kung anong kiliti rin sa aking tiyan. Totoo naman kasi. Sa ilang beses naming ginawa iyon ni Rocco ay hindi niya ako inutusang gawin ang 'bagay' na iyon sakaniya. Naririnig ko naman iyon kina Shai at Apple kaya hindi na bago sa pandinig ko iyon. Kaso nakaka-ilang pala kapag tinanong ka na kung may karanasan ka na ba sa ganun.
"What?" Si Vivian at umawang ang bibig.
"Rocco is her first boyfriend, Viv." Ani Ruth. Tumango ako kay Vivian.
"And only?" Si Vivian. Tumango ulit ako sakaniya. Parang stress silang napa-hilot ng kanilang mga noo.
"I can't believe this! Mas babae ka pa samin, ah? Maria Clara! Ako nga, marami nang karanasan before kong nakilala si Drew, eh." Ani Vivian.
"Si Troy ang naka-una sakin pero nung nag-hiwalay kami, may naka-siping akong iba." Ani Ruth.
"Uy! Huwag niyo ngang i-corrupt 'tong utak ni Dane!" Saway ni Nica sa dalawa. Nag-tawanan lang sina Vivian at Ruth. Bumaling sakin si Nica.
"Dane, we're not encouraging you to do those things, ah? Baka sa curiousity mo eh gawin mo talaga iyon. Though, wala namang masama dun." Ani Nica. Mabilis akong umiling sakaniya.
"Naku, hindi." Sabi ko.
"Gawin mo, Dane! Tapos ipaalam mo kay Rocco. And boom!" Ani Vivian at nag-tawanan na naman sila ni Ruth.
"Kayo talaga! I-sumbong ko kayo sa mga asawa niyo, eh!" Ani Nica.
Pagkatapos nang usapang iyon ay inabala na lang namin ang aming mga sarili sa pag-ligo. Maganda ang dagat. Hindi madumi at sobrang clear na kahit ang kulay pula kong kuko ay naaaninag ko. Sumisid ako at nang umahon ay pinasadahan ko ang aking mahabang buhok at inilagay iyon sa kaliwa kong balikat.
Lumingon ako sa Pavilion at nakitang patuloy pa rin sa pag-iinuman ang mga lalaki. Sa malayong dapit ay nakatayo si Cindy habang sinasayaw ang natutulog na anak. Katabi niya ang tatlong Nannies. Ang isa ay karga si Baby Amythest at ang dalawa ay karga ang anak na kambal nina Troy at Ruth. Napa-ngiti ako.
Lumipat ang tingin ko kay Rocco. Nakita ko siyang mariing naka-titig sa hawak niyang baso. Namumula ang kaniyang buong mukha at leeg. Pansin kong may-tama na siya. Inisang lagok niya ang alak at pagkatapos ay mariing umigting ang kaniyang panga. Nag-taas siya ng tingin at diretsong tumama ang nag-aapoy niyang mga mata sakin.
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
General FictionSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...