"Ayusin mo iyan... Iyan din... Ito pa..." Nahihilo kong sinusundan ang mga bagay na tinuturo niya.
"Pagkatapos mo riyan, gawan mo ulit ako ng portfolio. Kulay pula, bawas-bawasan mo ng burloloy, ha?" Tinuro niya naman ngayon ang study table niya kung nasaan ang mga kagamitan niya sa school.
"Pwede ka nang magpahinga 'pag natapos mo lahat iyan." Aniya at iniwan na ako.
Ganito na ang buhay ko simula nung napunta kami ni Nanay dito sa Maynila para mag trabaho sa mga Del Francia. Dalawang taon na rin ang nakalipas at sampung taon na ako't nasa ika-limang baitang na. Si Nielo ay ganun din dahil magkasing edad lang naman kami; wala pa ring nagbabago sa samahan naming dalawa. Kaya nga lang ay hindi pa rin tumitigil si Rocco sa pang-uudlot ng kasiyahan namin. Ayun 'yung bigla siyang susulpot at patitigilin kami sa paglalaro. 'Yung binubugbog niya ako sa utos para lang 'di kami magkaroon ng oras ni Nielo. Hindi nga talaga siya boto sa 'kin para maging kaibigan ni Nielo. Ang sama talaga ng lalaking iyon.
Nasa highschool na si Rocco at mapapansin na talaga ang pagbibinata niya. Narinig kong may naka-relasyon na raw siya pero hindi rin nagtagal dahil babaero raw ang loko. Naku! Ang sipag sipag niyang mambabae, eh, 'di nga siya marunong maglinis ng kwarto niya, eh! Hambog talaga.
Habang lumalaki kami, lumalaki rin ang galit at inis ko sakaniya. Mas naging suplado, masungit, at strikto kasi siya. Minsan naman nang-aasar. Tinatawanan ang bag kong Barbie. Iyong ID picture ko naman, pinagtri-tripan niya. Tinatago niya rin minsan ang isang pares ng tsinelas ko. Pero minsan lang iyong side niyang ganun. Mas madalas talaga siyang bugnutin, lalo na 'pag magkasama kaming dalawa ni Nielo.
Habang inaayos ko ang cabinet niya ay may nakita akong mga CD na nagkalat doon sa ibaba. Inabot ko ang mga iyon para sana i-arrange ngunit nang makita ko kung ano ang mga iyon ay natigilan ako. Sa gulat ay nabitawan ko ang mga iyon kaya naglikha nang maingay na kalabog. Natataranta kong pinulot ang mga iyon nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.
"Anong nangyari riyan?" Nagmamadali si Rocco sa paglapit sa 'kin at naabutan akong nililigpit ang mga CD niyang ang babastos ng mga larawan! Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Jusko, patawarin niyo po ako!
"Bakit mo pinakialaman iyan?" Bulyaw niya at inagaw sa 'kin ang mga CD.
"H-hindi ko iyan pinakialaman. Nakita ko lang iyan doon sa ilalim ng cabinet." Hindi ako makatingin sakaniya. Ako pa yata ang mas nahihiya sa pangyayaring ito. Nanonood na siya ng ganiyan? Ang bata niya pa, ah!
"Sa susunod 'pag may nakita ka pang ganito— teka nga, tumingin ka nga sa 'kin!" Bulyaw niya. Hinawakan niya ang baba ko at pilit pinaharap sakaniya ang mukha ko. Nang maiharap niya na ako sakaniya ay mas lalo atang uminit ang mukha ko sa kahihiyan. Hindi ba siya nahihiya talaga?
Pinagmasdan niya ako nang ilang segundo. Nakakunot ang noo niya ngunit may nakikita akong aliw at kapilyohan sa mga mata niya.
"Ba't namumula ka?" Tanong niya. Inis kong inalis ang kamay niya sa baba ko pero mas hinigpitan niya lang ang kapit dun.
"H-hindi, ah! Teka nga, magliligpit pa ako!" Iniwas ko ulit ang mukha ko. Hinayaan niya na ako at nagkunwari naman akong may nililigpit sa kama niya.
"Hindi ka pa ba nakakita nang ganito?" Tanong niya. Parang hindi pa makapaniwala ang tono ng boses niya. Hah! Anong akala niya sa 'kin? Manyak? Ke bata bata ko pa para sa mga ganyan, no!
Hindi ako sumagot at pinagpatuloy lang ang pag-aayos sa kama niya. Humalakhak naman siya sa likod ko.
"Tama nga pala! Ayaw mo pala sa mga ganito. Mas gusto mo iyong mga Barbie mo! Huwag kang mag-alala, maghahanap ako ng mga Barbie'ng nagka-kantutan." Sabay tawa niya nang malakas. Napatigil ako at napalingon sakaniya. Tuwang tuwa siyang naka masid sa 'kin. Nasa mood na naman siyang asarin ako.
"Ang bastos mo!" Sigaw ko. Natigilan naman siya sa pagtawa at humalukipkip.
"Lalaki ako! Normal na sa 'kin 'yun. Palibhasa kasi mas gusto mong maging babae kaya 'di ka nakakasakay sa trip ko!" Naiiling na sabi niya.
"Ang bata bata pa natin para sa mga ganyang bagay! At ikaw! Nakatungtong ka lang ng high school natuto ka na niyan. Wala namang ganiyan dati rito sa kwarto mo, ah!" Hindi ko mapigilan ang mapa nguso. Bumaba naman ang tingin niya sa labi ko at napalunok.
"Wala ka nang pake dun! Basta't 'wag kang magsusumbong kina Mommy at Daddy, ah? Lagot ka sa 'kin." Banta niya sabay pakita ng kanang kamao niya. Hindi naman din ako natatakot na saktan niya kasi ni minsan hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay kahit na gaano pa siya kainis sa 'kin.
"Itago mo iyan! 'Pag nakita ko pa iyan dito sa susunod, itatapon ko na iyan." Sinulyapan ko ulit ang mga CD na hawak niya pa rin. Napapikit ako nang makita ko na naman ang mga babaeng nakatuwad.
"Yes, Ma'am Barbie!" Sabay tawa niya. Pumasok siya sa walk-in closet niya at lumabas nang nakangisi. Kinindatan niya pa ako bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Napa-upo na lamang ako sa kama pagkatapos dahil sa ginawa niya. Wala sa sariling nakapa ko ang dibdib ko. Ang lakas ng tibok. Hindi ko alam kung dahil sa nakita kong mga CD, o sa sagutan ba namin, o dahil sa pagkindat niya. Unang beses niyang ginawa sa 'kin iyon at unang beses din siyang tumawa nang ganun at ilang beses sa harap ko. Baka naman dahil binata na siya at mas malawak na ang isip niya kaya tila tanggap niya na ako at nasanay na rin siya sa presensya ko? Sana nga ganoon.
Nang natapos ko nang linisin ang kwarto niya ay umupo na ako sa study table at inumpisahan ang paggawa sa portfolio niya. Kadalasan niyang ipag gawa sa 'kin ito. Iyong mga takdang aralin niya naman ay siya ang gumagawa. Pansin kong matalino siya, hindi siya nagpapatulong kahit minsan doon. Matalino rin naman si Nielo pero may mga pagkakataong nagpapa tulong talaga siya sa mga assignments.
Habang dine-disenyuhan ko ang portfolio niya, napansin ko bigla ang isang coupon bond sa may gilid. Kinuha ko ito at tinignan. Napangiti ako sa nakita. Assignment niya ata ito sa Filipino. Isang tula na siya mismo ang gumawa. Ang ganda ng sulat kamay niya, ha. Napaka-lalaki. Nalipat naman ang tingin ko sa titulo ng tula.
"Bulaklak"
Natawa ako sa titulo. Ano ba iyan! Hindi bagay sakaniya. Itinabi ko na lamang iyon at nagpatuloy ulit sa ginagawa. Sa sobrang pagod, hindi ko namalayang napa idlip na pala ako kalaunan.
Nakita ko si Rocco na may dalang isang tangkay ng bulaklak. Pamilyar ito sa 'kin. Parang iyong bulaklak na inipit ko sa teynga ko nung ako'y nagdidilig sa garden. Gumamela. Inilapit niya sa 'kin ito at idinampi sa mga labi ko. Pagkatapos ay hinaplos-haplos niya ang bulaklak sa pisngi ko pataas hanggang sa isabit niya ito sa teynga ko. Ngumiti siya pagkatapos at tumalikod, naglalakad palayo.
"Rocco!" Tinawag ko siya ngunit hindi siya lumilingon.
"Rocco!"
"Yes?"
Napamulat ako. Unang naaninag ko ay ang mukha ni Rocco na nakatitig sa 'kin. Nakangisi at nakataas ang kilay. Napa-angat agad ako mula sa pagkakasalampak sa study table at kinapa ang mukha sa maaaring dumi.
"Dreaming of me, huh?" Nakakalokong ngiti ang pinakita niya sa 'kin at gustong-gusto kong burahin iyon sa pagmumukha niya. Arggh!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/123747151-288-k960845.jpg)
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
General FictionSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...