Natigil ako sa paghinga nang mariing sakupin ni Rocco ang mga labi ko. Napa-kapit ako sa dalawang kamay niyang nakahawak sa mukha ko at mariing pumikit. Gumalaw ng marahan ang labi niya at sinipsip ng pa-ulit ulit ang ibabang labi ko. Dinama ko ang mainit niyang dila na nag-pupumilit pumasok sa loob ng bibig ko habang patuloy pa rin sa pag-tulo ang mga luha ko.
Hindi ko hinayaang makapasok ang dila niya sa loob ng bibig ko at buong lakas akong kumawala sa halik niya. Agad ko siyang itinulak at umatras. Nakita ko ang mukha niyang takot at puno ng pag-susumamo.
"Hon.." aniya. Napapikit ako at kinuyom ang aking mga kamao. No, Dane. Huwag kang matitibag. Huminga ako ng malalim at dumilat.
"Pakiusap lang.. umalis ka na." Mababa ang boses kong sabi. Walang emosyon ko siyang tiningnan. Mas lalong namutla ang mukha niya at agad hinuli ang mga kamay ko. Pinisil-pisil niya ang mga iyon habang nagsusumamong nakatingin sakin.
"No. No. Hindi ako aalis. Dito lang ako." Natataranta niyang sabi. Inagaw ko ang mga kamay ko at muling umatras.
"Kung hindi ka pa aalis. Mag-tatawag na ako ng mga gwardya." Banta ko. Mabilis siyang umiling-iling at umabante sakin.
"Please, please.. hindi ako manggugulo! Babantayan lang kita." Aniya. Pagod ko siyang tiningnan at inayos ang pagkaka-hawak ko sa clutch ko.
"Babantayan? Walang masamang mangyayari sakin dito." Sabi ko. Napa-yuko siya at kinamot ang kilay. Napa-iwas ako ng tingin sa nakita. Damn it, Dane!
"Pagod na ako. Gusto ko nang mag-pahinga." Sabi ko at tinalikuran na siya. Pumasok ako sa gate at akmang isasarado na ito nang hinarang ni Rocco ang kaniyang malaking katawan. Gusto ko man siyang itulak ay hindi ko kaya dahil sa laki ng katawan niya.
"Ano ba! Gusto mo ba talagang ipakalad-kad kita sa mga gwardya?" Sigaw ko nang tuluyan na siyang nakapasok. Isinarado niya ang pinto at humawak sa beywang ko. Inis kong inalis ang mga kamay niya at tinulak ulit siya.
"What the hell is wrong with you? Hindi ka ba maka-intindi? Ha?" Galit kong bulyaw. Hindi siya sumagot at parang tutang yumuko lang. Namumutla pa rin ang kaniyang mukha. Ngayon ko lang siya nakitang natakot. Na para bang pinapagalitan ng kaniyang mga magulang.
"Please.." magaspang niyang bulong at yumakap sakin. Napa-subsob ako sa dibdib niya at halos malunod ako sa natural niyang bango. Inis ko siyang tinulak at pinag-hahampas ang dibdib niya sa galit.
"Gago ka! Tarantado! Ang tigas ng ulo mo!" Sunod-sunod kong mura habang hinahampas siya. Hindi niya ako pinigilan at hinayaan lang akong bugbugin siya. Kalaunan ay nangalay ang mga kamay ko at pagod akong tumigil kasabay ng mahina kong pag-hikbi.
"Please lang, Rocco. Kahit ngayon lang, pagpa-hingahin mo naman ako!" Umiiyak kong sabi. Pinunasan ko ang mga luha ko at tiningnan siya sa mga mata.
"Pagod na pagod na ako. Ang s-sakit sakit na..." humagulhol ako at napa-yuko. Yumuyugyog ang mga balikat ko sa sobrang pag-iyak.
Nabigla ako ng yakapin niya ulit ako ng mahigpit. Wala na akong nagawa kundi humagulhol na lamang habang naka-subsob ang mukha ko sa dibdib niya. Hinaplos-haplos niya ang buhok ko at paulit-ulit na hinahalikan ang ulo ko.
"P-palagi mo na lang akong sinasaktan. Ang sakit sakit na, Rocco... hindi mo alam kung gaano ka-sakit." Parang batang sabi ko at halos hindi na maintindihan ang boses ko sa sobrang pag-iyak.
"Araw-araw mo akong halos pina-patay. Ang hirap hirap nang mag-tiis." Patuloy ko. Mas humigpit ang yakap sakin ni Rocco at ramdam ko ang mabilis na kalabog ng puso niya.
"Tinitiis ko lang kasi sobrang mahal kita! Mahal na mahal pa rin kita kahit may iba ka na. Hindi ako kailanman tumigil sa pagmamahal sayo..." malakas akong napa-hagulhol at kinagat ang coat niya upang pigilin ang hikbi ko. Rinig ko ang mabibigat niyang pag-hinga.
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
General FictionSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...