Chapter 14

42.1K 1.3K 187
                                    

Para akong na-pako sa kinatatayuan ko habang nakatanaw pa rin sa sasakyang pumarada sa tapat ng isang malaking tindahan tapat lang ng paaralan. Nanigas ako nang bumukas ang pintuan ng driver at lumabas si Mang Ado.

Pumunta ito sa malaking tindahan at parang may binibili. Kausap nito ang matandang may-ari ng tindahan.

"Tulala ka riyan." Kalabit sa 'kin ni Axel. Napatingin ako sakaniya at isinara ang bibig kong nakaawang pala.

"A-ah... Wala. Uhm, kailangan ko nang umuwi, Axel." Paalam ko. Nang makita ko si Mang Ado ay napaalalahanan akong kailangan ko na palang umuwi. Malapit na ring dumilim kaya kailangan ko nang maka-uwi nang makatulong na ako sa mga gawain sa mansion.

"Oh, sige. Hatid na kita." Tinulak niya ako pero umiwas ako at umiling.

"Hindi na. Sasakay lang naman ako riyan, eh." Sabi ko. Ngumuso siya at tumango.

"Okay. Next time, ah?" Ngumisi siya at ngumisi rin ako.

Pagkatapos noon ay lulan na ako ng tricycle pauwi ng mansion. Pumasok ito sa village at para akong naiihi sa hindi ko malaman na dahilan.

Pagkababa ko ng tricycle ay siya namang pagdating din ng sasakyan na minamaneho ni Mang Ado. Bumukas ang malaking gate at pumasok ang sasakyan. Pumasok na rin ako at nakita kong may inilalabas si Mang Ado na mga supot galing sa loob ng sasakyan.

"Tulungan ko na po kayo, Mang Ado." Lumapit ako at kinuha ang isang hindi kalakihang supot. Tumango naman ito.

"Iyan lang, pakipasok niyan sa kusina. Sabihin mo kay Aling Mercy 'yan 'yong ingredients sa pinapaluto ni Rocco." Aniya at ipinagpatuloy na ang paglalabas ng mga malalaking supot. Kahit kuryoso ay sumunod na lang ako.

"Anak, ano iyan?" Si Mama ang bumungad sa 'kin pagkapasok ko. Ibinigay ko sakaniya ang supot.

"Pinabibigay ni Mang Ado kay Nanay Mercy, Nay. Iyan daw iyong ingredients ng pinapaluto ni Rocco." Sabi ko at nag-iwas ng tingin.

"Ay, oo nga pala. Naku, kanina pa ito hinihintay ni Aling Mercy." Kumaripas si Nanay at pagkatapos ma-ibigay sa Mayordorma namin ay bumalik na ito sa sariling ginagawa.

"Oh, mag-bihis ka na. Tumulong ka sa pagsisilbi roon sa labas dahil may mga bisita si Rocco." Baling niya sa 'kin.

Mga bisita? Ni Rocco? Sino? Kahit kinakain na ako ng kuryosidad ay dumiretso na lang ako papuntang kwarto.

Ramdam ko ang pagod para sa araw na ito ngunit pinilit ko pa ring magbihis para makatulong sa labas. Pagkatapos kong mag-bihis ay dumiretso ako sa kitchen counter, kung saan nakalapag na ang mga lutong pagkain at mga inumin. Halos lahat ay finger food at may nakita rin akong light can beer. 

"Tara, Dwayne. I-serve na natin 'to." Kinuha ni Ana ang isang tray ng pagkain. Kumuha rin ako ng tray at sumunod sakaniya.

Patungo kaming swimming pool at habang papalapit dun ay naririnig ko ang ingay ng mga kalalakihan at hagikhik ng mga kababaihan mula roon. Kumunot ang noo ko.

"Woooooo!" Sigaw ng isang lalaki nang tumalon ito sa swimming pool. Bumungad sa 'kin ang mga lalaking naka trunks at mga babaeng naka two piece lamang. Nagkalat sila sa buong swimming pool at may iilan din sa may lamesa.

Nakita ko ang isang lalaki at babae na magkayakap habang nasa pool. Hinalikan ng lalaki ang leeg ng babae at para akong sinilaban sa nakita.

Iniwas ko ang tingin at diniretso ito sa harapan. Nilapag ni Ana ang tray sa puting lamesa at ganun din ang ginawa ko. May dalawang lalaking basa rin pero naka upo lang dun.

"Thank you. God, I'm so hungry! Guys, let's eat!" Sumigaw ang lalaki na kumuha sa atensyon ng lahat. Agad namang nagsilapitan ang mga ito at pinagkaguluhan ang pagkain.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon