Chapter 19

52.6K 1.5K 113
                                    

Napapikit ako nang madama ang kaniyang mainit na labi sa noo ko. May kiliti rin akong naramdaman na bumaba at nanatili sa bandang tiyan ko. Pero nang lubos ko na iyong naintindihan ay malakas ko siyang naitulak palayo sa akin.

Gulat akong napa-titig kay Rocco. Siya naman ay pagod lamang akong tiningnan pabalik. Ano iyon? Hinalikan niya ako! Bakit niya ako hinalikan? Anong motibo niya? 'Di ba ay may girlfriend siya? Nag-puyos ang damdamin ko sa ka-isipang iyon.

"Itigil mo na ang pagtuturo sa lalaking 'yon." Mariin niyang sabi matapos ang nakakabinging katahimikan. Inirapan ko siya.

"At ano ngang pakialam mo? Anong magagawa mo kung gusto ko talagang turuan siya?" Matapang kong tanong. Nagbalik naman agad ang galit sa mukha niya.

"Sige! Subukan mo! Nang makita mo talaga..." pabitin niyang sabi. May tunog banta sa boses niya kaya kinabahan ako. Pero agad ko iyong iwinaglit.

Hindi ko siya maintindihan. Ang gulo niya! Andun na ako sa ayaw niya ang ginagawa kong pagtuturo dahil labag daw iyon sa pagtratrabaho ko sakanila. Pero bakit parang may nakikita pa akong kakaiba sa galit niya? Parang may iba pa siyang ikina-gagalit? At iyong halik? Ano iyon?

Uminit ang mga pisngi ko at nag-iwas ng tingin.

"At b-bakit mo pala a-ako hinalikan? Ha?" Nakayukong tanong ko. Narinig ko ang pag-buntong hininga niya roon. Lumapit ulit siya sa akin.

"Bawal ba?" Tanong niya at hinila ang upuan ng study table niya palapit sa 'kin. Umupo siya sa harap ko, sobrang lapit sa akin. Kinulong ng mga binti niya ang mga tuhod kong naka-lugay na ngayon sa paanan ng kama niya. At yumukod sa akin.

Nanlaban ako sa titigan. May pawis sa noo niya at namumula ang tungki ng ilong. Ang makapal na mga kilay ay nagulo dahil sa kanina niya pang pagkakamot dito.

"Bakit nga? Hindi ka dapat basta-bastang nanghahalik!" Bulyaw ko.

Hindi niya ako sinagot. Nakatitig lang siya sa akin na para bang hinahayaan niya akong mag-litanya.

"A-atsaka... may girlfriend ka! Ano na lang ang iisipin at mararamdaman nun 'pag nalaman niyang h-hinalikan mo ako... ako... ako sa noo?" Nanginginig ang labi kong sabi. Bumalik sa isip ko ang mga iilang eksenang nakita ko silang magkasama at sobrang sweet. Kahit may pait akong nararamdaman dun ay hindi ko pa rin gusto ang ginawa niya. Dahil kung ako ang nasa sitwasyon ng babae, masasaktan din ako nang sobra! Sobrang masasaktan.

"H-huwag mong sabihing nanghahalik ka lang ng kung sinu-sino?" Bulalas ko nang maisip na posibleng ginawa niya na rin ito sa iba. At ang masaklap pa ay baka higit pa roon ang nagawa niya! Tinaliman ko siya ng tingin.

"Tama nga ang sabi ng Mommy mo! Playboy ka katulad ng Daddy mo!" Naiinis kong sabi. At mas lalo pa akong nainis nang pumangalumbaba lang siya habang mariing nakatitig pa rin sa mukha ko. Talagang hinahayaan niya lang akong magsalita! Ni hindi man lang siya nagre-react na.

Nang tuluyang na-inip ay tinulak ko na ang mga binti niya palayo sa akin at tumayo. Doon siya parang natauhan. Hindi pa man ako nakakahakbang ay mabilis niya nang hinarang ang isang braso niya sa akin. Masama niya akong tiningnan.

"Upo." Ma awtoridad niyang utos. Iwinaksi ko ang braso niya pero ginamitan niya na ako ng pang-lalaking lakas kaya pabagsak akong napa-upo pabalik sa kama. Inirapan ko siya.

"Kanina ka pa nang-iirap, ah?" Maangas siyang tumango. Iirapan ko na sana ulit siya pero pinigilan ko na lang ang sarili. Baka sumabog.

"Aalis na ako! Total mukhang tapos ka naman na siguro, 'di ba?" Sarkastiko kong sabi. Mariin pa rin ang titig niya sa akin hanggang ngayon.

"'Tsaka gusto ko nang mag bihis! Nanlalagkit na ako!" Reklamo ko at ngumuso. Tiningnan ko ang polo ko at nakitang may mga dumi na roon.

Tumikhim siya at biglang tumayo. Lumapit siya sa side table ng kama at may kinuha sa drawer nito. Nakita kong isa iyong cellphone. Iyong dati niyang cellphone na minsan niyang naiwan sa sofa noon. Umiwas ako ng tingin.

Umupo ulit siya sa silya sa tapat ko at mas umusog pa palapit sa akin. Kinalikot niya ang cellphone at habang ginagawa niya iyon ay nagkaroon ako ng pagkakataong titigan siya nang ma-igi. Seryoso ang mukha at kunot ang noo niya habang may ginagawa sa cellphone niya. Ang itim na mga mata ay lumiliwanag dahil sa ilaw ng cellphone. Magka-salubong ang mga kilay na tila may malalim na iniisip. Ang matangos niyang ilong ay may konting bilugang mga pawis sa ibabaw at namumula rin ito. Bumaba naman ang tingin ko sa mga labi niyang mapupula at ang mga papatubong bigote sa ibabaw nito.

"Listen..." biglang anas niya kaya halos napatalon ako sa gulat. Kumunot ang noo niya sa reaksyon ko at pinag-taasan ako ng kilay. Tsk. Muntik na akong mahuling titig na titig!

"Ibibigay ko sa'yo 'to. Ite-text kita bukas 'pag nasa labas na ako ng school mo." Mabilis niyang sabi. Napaawang ang bibig ko sa narinig. Ano raw?

"A-ano? Anong ibibgay mo 'yan sa 'kin? At ano? Pupunta ka na naman ng school?" Naguguluhan kong tanong. Umigting ang mga panga niya.

"You'll use this phone whether you like it or not. And yes, pupunta na ako lagi sa school niyo. I'll make sure you're not accompanied by that dipshit anymore." Matigas niyang sabi.

Napahilot ako sa noo ko. Parang sumasakit yata ang ulo ko! Jusko. Ano ba 'to? Huminga ako nang malalim at pilit kinalma ang sarili.

"Rocco, hindi mo na kailangan-"

"Sumunod ka na lang, Dwayne!" Putol niya sa sasabihin ko. Uminit nang tuluyan ang ulo ko sakaniya.

"Okay! Sige! Ano pa nga bang magagawa ko? Eh, amo kita at katulong mo lang ako, 'di ba?" Sarkastiko kong sabi at umiwas ng tingin.

"Good. Let's go." Aniya at tumayo na. Lumabas siya bigla ng kwarto nang hindi man lang ako hinintay. At wala rin talaga siyang balak na pakinggan ang mga hinaing at katarungan ko! Nag-desisyon na agad siya para sa 'kin! Nagmamadali ko na lang pinulot ang bag kong natapon pala sa sahig at sumunod na.

Pagkalabas ko ay nakatayo na si Rocco sa may dulo hagdanan at nakapamulsa— tila hinihintay ako upang sabay na kaming bumaba. Naglakad ako nang mabilis at nilagpasan siya. Nakayuko lang akong bumababa at nabigla sa nag-aalalang boses ni Nielo.

"Dwayney!" Mabilis na tumayo si Nielo mula sa sofa at lumapit sa akin. Tulad ko ay hindi rin siya nakakapag-bihis pa. Sumulyap siya kay Rocco sa likod ko.

"What happened? Did Kuya hurt you?!" Natatarantang tanong niya. Hindi pa man ako nakaka-sagot ay tinaliman niya na ng tingin ang Kuya niya. Sinugod niya ito at hinila ang polo ni Rocco pataas.

"Anong ginawa mo?!" Galit niyang tanong. Parang wala lang si Rocco habang nakatingin sa kapatid niyang nag-pupuyos. Halos magkasing-tangkad na sila pero lumalamang pa rin talaga si Rocco.

"Noon ko pa napapansin iyang pag-trato mo kay Dwayne, Kuya! You don't just drag someone like that! Lalo na kay Dwayne!" Sigaw ni Nielo. May iilan na akong nakikitang katulong na dumudungaw sa komosyong nagaganap dito. Yumuko ako sa hiya. Ako ang dahilan nito kaya paniguradong may matatanggap akong sermon galing sa Mayordoma at kay Nanay nito mamaya.

"Mind your own fucking business, Nielo." Matigas na sabi ni Rocco at inisang waksi lamang ang mga kamay ni Nielo.

"Dwayne is my business!"

Tumalim bigla ang tingin ni Rocco kay Nielo. Sinugod ito ni Rocco at kinwelyohan naman ngayon pabalik.

"Bakit ba ang hilig hilig mong makialam, ha?" Galit na sigaw ni Rocco. Na-alarma ako dahil parang hindi pa rin aatras si Nielo. Natatakot akong baka mag-suntukan na lang sila bigla!

Marahas na binitawan ni Rocco si Nielo nang hindi ito naka-sagot kaya muntik na itong matumba. Mabilis ang hininga ni Nielo nang nilapitan ko na ito.

"Nielo, tama na. Ayos lang. Hindi niya naman ako sinaktan." Inali ko siya at hinawakan sa likod. Agad naman iyong tinanggal ni Rocco.

"Mag-bihis ka na." Malamig niyang sabi at hinila na ako palayo kay Nielo. Marahan niya akong itinulak patungo sa Maid's Quarters. Narinig ko agad ang galit na daing ni Nielo mula roon sa sala.

Nilingon ko sila. Pareho silang nakatingin sa akin. Galit pa rin ang mukha ni Nielo habang wala namang emosyon si Rocco. Nagtagal ang tingin ko sakaniya at tiningnan ko siya na para bang sinasabi kong huwag niya nang papatulan pa si Nielo. Tipid siyang ngumiti at tumango sa akin.

"Damn you, Kuya! Damn you!" Mura ni Nielo. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Rocco at tumakbo na ako patungong kwarto.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon