Chapter 28

53.7K 1.4K 287
                                    

Huminga ako nang malalim habang dinadama ang mga labi niyang mariing nakadikit sa mga labi ko. Gumalaw bigla ang mga labi niya at sinipsip ang akin. Napa-singhap ako roon kaya mas nasakop niya nang buong-buo ang aking mga labi.

Napa-kapit ako sa kwelyo ng polo niya. Wala sa sariling nahila ko siya palapit sa 'kin. Ang isang kamay kong nasa ibabaw ng ulo ko at hawak niya ay mas inangat niya pa lalo.

Patuloy siya sa paghalik hanggang sa unti-unting bumaba iyon sa panga ko. Parang gutom na nilalantakan niya ang parteng iyon.

"Hmm..." mahinang anas ko.

Bumaba ulit ang halik niya sa leeg ko. Napa-kagat ako ng ibabang labi nang maramdamang dinilaan niya ang sensitibong parte ng leeg ko. Oh my God!

"Rocco..." tawag ko.

Hindi siya nakinig at ipinag-patuloy lang ang pag-halik sa 'king leeg. Napa-dilat ako nang maramdaman ang mga ngipin niyang bahagyang kumakagat-kagat na sa leeg ko.

"Uhmm..." daing ni Rocco at mas bumaba pa ang halik patungo sa collar bone ko ngayon. Mahina niyang kinagat ang manipis kong balat doon kaya napa-hiyaw ako.

"Ah!" Mariin akong napa-pikit at umakyat ang kanang kamay ko sakaniyang batok at sinabunutan ang buhok niya roon.

Damang-dama ko pa ang paghalik niya sa 'kin nang biglang maramdaman ko ang isang matigas na bagay sa bandang puson ko. Napa-dilat ako sa gulat.

"Rocco!" Alarmang saway ko. Parang wala siyang narinig at nag-patuloy lang sa ginagawa. Nanlaki ulit ang mga mata ko nang umalon ang ibabang katawan niya at mas idini-diin pa ang matigas na bagay na 'yun sa puson ko.

"Rocco... Tigil!" Tinulak ko siya. Hindi siya nagpa-awat at sunod-sunod na pag-bayo ang sumunod na ginawa niya. Umaalon na ang kama. Kumabog nang malakas ang dibdib ko.

"Tigil na! Rocco!" Sigaw ko na at buong lakas ko siyang itinulak. Para naman siyang natauhan at gulat na napatingin sa 'kin.

"Shit!" Mura niya at mariing pumikit. Tinampal niya ang noo niya at nanghihinang umangat mula sa pagkaka-dagan sa 'kin.

Umahon rin ako at gulat na natulala sa nangyari. Hindi ako maka-paniwala sa ginawa niya. Sa nagawa namin. Parang hindi totoo.

"Sorry. I got carried away, Hon." Paumanhin niya at umupo sa kama. Inayos niya ang buhok niya ngunit ginulo-gulo ulit. Hindi ako kumibo at tumitig lang sakaniya.

Ramdam kong parang namamaga ang mga labi ko. Mamasa-masa rin ang leeg ko. Uminit na naman ang mga pisngi ko nang matanto kung bakit.

"Masaya lang ako. Sobrang saya." Ngumiti siya at kumindat nang naka-bawi na. Umiwas ako ng tingin at tumingin-tingin sa paligid. Muntikan na!

Lumapit siya ulit sa 'kin at hinuli ang mga mata ko. Hindi ko siya tiningnan pero alam kong malaki ang ngisi sa mukha niya. Ngising tagumpay. Parang nanalo sa lotto. Tuwang tuwa, eh!

"Wala nang bawian iyon, ah? Akin ka na." Aniya. Umakyat ang init galing sa 'king dibdib pataas sa 'king mukha. Ang kiliti sa 'king tiyan ay sobra na na para na akong masusuka sa kiliting hatid nito. Bago sa 'kin ang mga pakiramdam na ito. At kay Rocco ko pa lang ito nararamdaman.

Nanghihina akong tumango at tumingin na rin sakaniya. Halos matunaw ako nang maabutan ang mga mata niyang puno ng tuwa at pagnanasa habang naka-tingin sa 'kin. Tumindig ang mga balahibo ko sa nakita.

"Oo na..." mahinang sabi ko. Kinabig niya ako palapit sakaniya kaya napa-siksik ulit ako sa dibdib niya. Pinatakan niya ako ng halik sa ibabaw ng ulo ko at nanatili roon ang kaniyang mga labi nang ilang minuto.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon