Tumayo na ako pagkatapos kong pasadahan muli ang mga sugat sa mukha niya. Naka-titig lang siya sa mga ginagawa ko.
"Higa ka muna." Sabi ko at marahang tinulak siya pahiga. Nagulat ako nang bigla siyang napa-ngiwi ulit.
"Bakit? Anong masakit?" Nag-aalala kong tanong. Bumaba ang tingin niya sa dibdib niya at muling pumikit nang mariin. Tila pinipigilan ang mapa-daing.
"M-may sugat ka rin diyan?" Tanong ko. Naiiyak muli. Mabilis siyang umiling at huminga nang malalim.
"Wala, Dwayne... Sige na. Magpapahinga na ako." Aniya at akmang hihiga. Pinigilan ko naman siya at walang dalawang isip kong hinubad ang t shirt niya.
Tumambad agad sa akin ang dibdib niyang namumula. May parte ring nagiging kulay violet na. Mayroon din sa tagiliran at tiyan niya! Napa-singhap ako.
"Jusko po! Ano bang nangyari sa'yo..." hikbi ko ulit nang malakas. Napa-mura si Rocco at hinila ako palapit sakaniya.
"Sshhh... Stop crying." Alu niya habang hinahaplos ang likod ko. Umiling ako sabay buhos pa ng mas maraming luha. Sigurado akong namamaga na ang mga mata ko sa kaiiyak.
Kumalas ako at tumayo. Nanghihina niya akong pinanood.
"D-diyan ka lang... Hintayin mo ako. May kukunin lang ako." Sabi ko at lumabas na ng kwarto.
Nanghihina akong bumaba ng kusina. Walang tao dahil siesta time ngayon ng mga katulong. Kahit humihikbi pa rin ay kumuha ako ng cold compress at iba pang mga kailangang gamit. Kumuha rin ako ng palanggana at bimpo para punasan ang katawan ni Rocco. May iilang bahid din kasi ng putik akong nakita sa katawan niya kanina. Naisip ko tuloy kung pinag-sisipa kaya siya? Maaari nga talaga. Kumuyom ang mga kamao ko. Gusto kong gantihan ang may gawa nito sakaniya. Sa oras na malaman ko kung sino siya!
Mabilis akong bumalik sa kwarto ni Rocco. Naabutan ko siyang nakahiga na. Naka-pikit. Nag-mulat siya ng mga mata nang marinig ang pag-sara ko ng pinto. Umamba siyang babangon. Inilingan ko siya.
"Humiga ka lang..." banayad kong utos. Sumunod naman siya. Inilapag ko ang palanggana sa side table. Itinabi ko muna ang ibang mga gamit. Binasa ko ang bimpo at piniga pagkatapos.
Bumaling ako sa naka-masid lang na si Rocco. Kanina ko pa napapansin... Titig lang siya nang titig sa 'kin. Na para bang mawawala ako bigla sa paningin niya. Suminghot ako dahil bumabara na ang ilong ko sa kaiiyak.
Sinimulan ko nang punasan ang tiyan niya. Dahan-dahan lang dahil natatakot akong masaktan siya lalo. Habang nag-pupunas ay napapansin ko na naman ang ka-kisigan ng katawan niya. Napansin ko pang may linya ng buhok sa ilalim ng pusod niya. Uminit ang mga pisngi ko.
"I hate seeing you cry..." Sabi niya bigla sa kalagitnaan nang pag-pupunas ko. Napa-angat ang tingin ko sakaniya. Namumungay ang mga mata niyang naka-titig sa 'kin ngayon.
Hindi ako sumagot at ipinag-patuloy na lamang ang ginagawa. Binasa ko ulit ang bimpo at piniga. Ang dibdib niya naman ngayon ang pinagtuonan ko. Napatingin ako sa mga nipples niya. Uminit ulit ang mga pisngi ko ngunit ipinag-patuloy pa rin ang ginagawa.
Nang natapos ay kinuha ko na ang cold compress na medyo natunaw na ang mga yelo sa loob. Dahan-dahan ko iyong inilapat sa dibdib niya. Malalim na huminga si Rocco.
"Thank you." Anas niya. Bumaling ako sakaniya at sumimangot. Mahina siyang tumawa.
"What?" Tanong niya. Tinaliman ko siya ng tingin.
"Hindi mo ba talaga sasabihin sa 'kin ang nangyari?" Mariin kong tanong. Umiwas naman siya ng tingin at bumuntong hininga.
"You don't need to know."
![](https://img.wattpad.com/cover/123747151-288-k960845.jpg)
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
General FictionSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...