Chapter 25

56.3K 1.4K 258
                                    

Naka-upo pa rin ako ngayon sa kama ni Rocco. Nakatulala at pilit pa ring ipinapasok ang lahat nang nangyari ngayon sa utak ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwalang sa isang amin ko lang sakaniya, liligawan niya na agad ako. Ang rason ng pag-amin ko ay para lang sana matigil na siya. At para na rin gumaan ang loob ko. Sino ba naman kasing hindi mapapa-amin sa ganun? Eh, kung hindi yata ako umamin, baka nag-wala na naman siya.

Kanina, matapos niyang mag-hubad sa harapan ko ay dumiretso siya papasok ng banyo. Iniwan na lang ako bigla sa ere. Nakuha ko agad ang gagawin niya nang marinig ang malakas na agos ng tubig.

Balak ko sanang bumaba na muna para mag-bihis. Babalik din naman agad ako, kasi hindi niya rin naman sinabing tapos na kaming mag-usap. At gusto ko ring klaruhin ang lahat-lahat.

Tinupi ko nang maayos ang hinubad niyang t shirt at inilagay iyon sa side table niya bago tumungo na sa pinto para maka-labas. Nang naka-baba ay abala na ang mga kusinera sa pag-luluto ng hapunan nina Rocco. Nag-mano ako sa dalawa kong mga Nanay, at binati sina Ate Pasing, at iba pang mga kasambahay.

"Kanina pa uwian niyo, ah? Ba't ngayon ka lang umuwi?" Tanong ni Nanay. Kinabahan ako.

"A-ah, kanina pa po ako dumating, Nay. Galing lang po ako sa kwarto ni Rocco." Sabi ko sabay sulyap sa ibang kasambahay. Abala lang naman ang mga ito sa mga ginagawa.

"Mukhang napapadalas na yata iyang pag-punta mo sa kwarto ni Rocco, Dwayne?" Tumaas ang kilay ni Nanay. Napa-baling din si Nanay Mercy sa 'kin. Lumunok ako at tumikhim.

"T-tinulungan ko lang po sa project." Pag-sisinungaling ko. Ayaw ko man ay hindi ko rin naman pwedeng sabihin ang totoo. Napa-tingin ako sa hinihiwang karne ni Nanay Mercy.

"Kumusta naman ang batang iyon, Dwayne? Magaling na ba?" Tanong ni Nanay Mercy. Si Nanay Mercy kasi ang nag-sumbong sa mag-asawang Del Francia tungkol sa nangyari kay Rocco.

"Medyo po. Konti na lang ang mga galos niya." Sagot ko. Hindi naman na nasundan pa ng panibong tanong iyon kaya kinuha ko na iyong pagkakataon para umalis na.

Nag-bihis ako at nag-ayos ng sarili. Naka-harap ako sa lumang cabinet namin ni Nanay dito sa kwarto. May salamin ito at kita ang buong katawan ko. Naka-suot na ako ng simpleng cotton shorts na kulay gray; three inches above the knee iyon. Medyo hapit din sa legs ko. Suot ko rin ang simpleng t shirt ko na binili ni Nanay noon sa tiangge. Wala naman na akong masyadong magagarang damit. Mumurahin lang pero magaganda rin naman.

Napapa-titig ako sa mga pisngi kong mamula-mula. Hindi naman ako nag-lalagay ng kolorete sa mukha pero ganun na talaga iyon. Lalo na kapag masyado akong nabibilad sa araw. May mumunting freckles din sa ilong ko at mga pisngi. Sabi ni Nanay, nakuha ko raw sa Tatay ko.

Tumaas naman ang tingin ko sa mga kilay kong may natural na arko. Tama lamang ang kapal. Napuna ko rin ang berde kong mga mata. Hindi masyado iyong napapansin tuwing madilim. Pero sa umaga, lalo na tuwing nasisinagan ng araw, ay lumalabas ang pagka-berde nila. Walang dudang hindi nag-sisinungaling si Nanay. Anak nga ako ng isang German...

Hinilamos ko ang mukha ko. Naiinis. Hindi ako kailanman naging ganito ka-conscious sa sarili ko. Ngayon lang. Sa puntong kini-kwestyon ko pa ang totoong lahi ko. Mukha ba talaga akong babae? Madalas akong mapag-kamalan pero binabalewala ko lang kasi akala ko may halong pang-aasar iyon o pangangantyaw sa kasarian ko.

Halos kalahating oras na akong naka-titig lang sa repleksyon ko. Sobrang conscious sa sarili. Bakit, Dwayne? Dahil ba kay... Rocco?

Argh! Hindi! Ayokong isipin na dahil lang sa mokong na iyon kaya ako nagkaka-ganito. Kahit halos buong sistema ko na ang sumasang-ayon sa naiisip ko ay ayoko pa ring kumpirmahin! Hindi.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon