Lumipas ang ilang araw at ganoon pa rin ang inaakto ni Rocco. Naging mailap siya bigla at tila ba iniiwasan ako. Hindi niya na ako pinaglilinis ng kwarto niya. Sa tuwing magkakasalubong kami ay parang hangin niya lang akong lalagpasan. Hindi niya rin ako kinompronta tungkol doon sa ginawa nila ng babae niya na nahuli ko. Parang kinalimutan niya lang lahat. At kabilang na ako roon.
Dumating naman na rin si Nielo galing Canada. Ang dami nga niyang pasalubong sa 'kin, eh. Sa loob ng ilang lugmok na araw ay natuwa ulit ako dahil nakita ko na siya.
"He kept on asking us to buy you pasalubong, Dwayne." Nakangiting sabi ni Ma'am Remilyn sa akin. Nahihiya naman akong ngumiti rito.
"Naku, salamat po. Ang rami po nito." Sinulyapan ko ang mga paperbags na nakalatag sa carpeted floor ng living room. Tumawa lang ng mahina si Ma'am Remilyn.
"You're of the same age and I heard pareho kayong nasa Grade 8 na." Sabi naman ni Sir Alfonso. Nakaakbay ito sa asawa. Nakaupo silang dalawa sa malaking sofa habang pinagmamasdan kaming dalawa ni Nielo. Pagkarating kasi nila ay ipinatawag agad ako ni Nielo at ito nga ang bumungad sa akin.
"Opo, Sir." Tumango ako nang magalang. Namamangha akong nakatingin sakanila. Hindi rin naman kasi sila palaging namamalagi rito kaya ang makita silang prente lang na nakaupo sa sala at nag-ngingitian ay nakakapanibago.
"Marami pa talaga sana 'to, Dwayne. But I know you will not accept kaya..." nagkibit balikat si Nielo at inilahad ang mga paperbags.
"Salamat, Nielo. Salamat po, Ma'am, Sir." Bahagya akong yumuko.
"It's nothing, Dwayne. Palagi kang ikinikwento ni Nielo sa amin." Nakangiti pa rin si Ma'am Remilyn sa akin.
Sa loob ng ilang taon ay ngayon lang nila ako napansin. Kaya nang malaman nilang nakakasundo ko ang kanilang bunsong anak ay tuwang-tuwang sila.
"I never knew na ikaw pala iyong pinagpaalam ni Delya sa aking anak niyang dadalhin niya rito." Sabi ni Ma'am Remilyn sa akin. Mestiza talaga ito at mahinhin. Kasalungat ng asawa niyang medyo moreno at matigas ang itsura pero mabait naman. Ang gaganda ng lahi nila. Hindi na nakakagulat kung bakit ganoon na lamang ang mga itsura nina Rocco at Nielo.
"At alam mo ba, Mom? Ang talino po ni Dwayne, tinuturuan niya ako sa mga lessons ko. Pero minsan lang. Ayaw kasi siyang ipahiram sa 'kin ni Kuya, eh." Madaldal na sabi ni Nielo. Natigilan ako sa sinabi niya at napa-iwas ng tingin. Bumilis na naman ang kabog ng dibdib ko.
"Oh, really? You're friends with our Rocco, too?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Ma'am Remilyn sa 'kin. Hindi ko naman alam kung iiling ba ako o tatango.
"Yes, Mom. He's Kuya's personal assistant." Tumawa pa si Nielo. Uminit ang pisngi ko sa pinagsasabi niya. Tumawa rin ang Mommy niya ulit at bakas talaga ang saya sa mukha nang tumingin sa akin.
"Where's that boy, by the way?" Tanong ni Sir Alfonso. Luminga-linga pa ito upang hanapin ang panganay na anak.
"He's probably upstairs. Hayaan mo na, at his age now, madalas talagang matulog 'yan. No wonder why he's so tall now." Naiiling na sabi ni Ma'am Remilyn. Kalaunan ay naging seryoso naman na silang nag-uusap mag-asawa kaya nag-tinginan na lang kami ni Nielo.
Hinila ako ni Nielo at pina-upo sa kabilang sofa. Binitbit niya ang mga paperbags na bigay at doon ay pinanood niya akong buksan isa-isa ang mga pasalubong niya sa 'kin.
Nang mag-hapunan ay wala si Rocco sa hapag. Masinsinang nag-uusap ang mag-asawang Del Francia at tahimik namang kumakain ang kulot na si Nielo. Pagkatapos kong mailapag ang isang ulam ay pumwesto na ako sa gilid katabi nina Nina at ilang kasambahay na naghihintay ng utos.
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
General FictionSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...