Hindi na ulit nababanggit ni Rocco ang pag-lilinis ko sa kwarto niya. Hindi niya na ako inuutusan. Pero ngayon, nandito ako sa kwarto niya para mag-linis. Pakiramdam ko kasi, obligasyon ko pa rin iyon. Kaya kahit hindi na niya ako inuutusan pa, kusa ko pa ring gagawin.
Ipinatong ko ang cellphone ko sa side table ng kama niya. Ayokong ma-distract habang nag-lilinis. Hindi na masyadong magulo ang kwarto niya. Hindi kagaya noon na parang sinasadyang guluhin ang mga gamit at itapon ang mga pagkain. Napa-ngiti ako sa alaala.
Pumasok ako sa walk-in closet niya at nag-hanap nang maaayos. Nakita ko ang bahagyang nagulo na mga sapatos sa shoe rack niya sa may gilid. Lumapit ako roon at inayos ang mga iyon. Natigil nga ako habang tinitingnan ang mga sapatos niya. May mga sneakers, basketball shoes, black shoes, at kung ano ano pa. At lahat ng iyon, malalaki! Ang laki na ng shoe size niya!
May nakita rin akong mga sapatos na may mga tags pa. At halos malula ako nang nakita ang mga presyo noon. Nasaan na kaya ang mga luma niyang sapatos? Bago ito lahat, eh. Ngayon lang kasi ulit ako nakapasok dito sa walk-in closet niya.
Lumalaki na talaga si Rocco, mas lumaki na kasi ang sukat ng paa niya. Matapos kong maayos ang mga iyon ay nag-tungo naman ako ngayon sa mga damit niya. Ang mga naka-tuping polo shirts, sandos, at t shirts niya ay malinis tingnan. May mga naka-hanger din na mga long sleeve polo shirts. Sa kabila ay nandoon naman lahat ng mga uniporme niya sa school. Lahat organisado!
Napa-ngiti ako ulit. Nagma-mature na talaga si Rocco. Noon ang kalat-kalat niya pa, ngayon ay unti-unti na siyang nagiging responsable.
Lumabas na ako at nag-tungo naman ngayon sa banyo niya. Maraming gamit panlalaki roon sa may salamin. May aftershave, shower gel, at mga shaver dun. Inamoy ko ang isang shower gel at napa-pikit. Sobrang panlalaki ng amoy.
Malaki ang banyo niya talaga. May sariling cabinet sa loob. Binuksan ko iyon at nakita ang mga malilinis na puting tuwalya sa loob.
Bigo akong lumabas ng banyo. Wala namang lilinisin dito, eh! Malinis naman lahat. May konting nagulo lang pero iyon lang, wala na. Napa-upo na lang ako sa malaki niyang kama. Uminit ang mga pisngi ko nang ma-isip ang mga pag-lalampungan namin dito.
Humiga ako at tumitig sa kisame ng kwarto niya. Pati iyon malinis din. Napa-buntong hininga na lamang ako. Pipikit na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan.
"Hon!"
Napa-bangon ako at nakita si Rocco. Naka Jersey pa rin. May hawak-hawak na bola sa kanang kamay. Ngumiti agad siya sa 'kin at lumapit.
"We won!" Masayang balita niya. Binitawan niya ang bola at tumalun-talon iyon patungo kung saan. Nang naka-lapit sa 'kin ay pinatakan niya agad ako ng halik sa noo at niyakap ako.
"Where's my kiss?" Aniya. Pabiro kong tinakpan ang ilong ko at lumayo sakaniya.
"Ang baho mo! Amoy pawis!" Ngiwi ko. Nawala naman ang ngiti sa mga labi niya at bumusangot. Hindi naman siya mabaho talaga. Malagkit nga lang ang balat niya mula sa pawis.
Itinaas niya ang mga braso sa ere at inamoy ang kili-kili. Tapos ay kunot-noong tumingin sa 'kin. Tumawa ako.
"Hindi naman, ah?" Kunot noo niya. Umiling na lang ako at ngumiti.
"Maligo ka na." Sabi ko. Kinabig niya ulit ako.
"Kiss ko muna." Pilit niya. Umiwas ako ng tingin.
"Mamaya na. Maligo ka muna." Tinulak ko siya pero hindi siya nagpatinag. Tinaliman niya ako ng tingin.
"You promised, Dwayne." Seryosong sabi niya. Tumawa ulit ako at pinisil ang ilong niya. Basta halik talaga, napaka-hayok niya!
Ikinulong ko sa dalawa kong mga palad ang mukha niya at hinalikan siya. Hindi ako masyadong marunong humalik kaya parang batong naka-lapat lang ang mga labi ko sa mga labi niya.

BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
General FictionSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...