Special Chapter 1

88.8K 1.6K 433
                                    

Natigilan ako sa pagpipili ng mga gulay nang biglang tumunog ang cellphone ko. Awtomatikong napa-ikot ang mga mata ko sa inis. Binunot ko ang aking cellphone mula sa bulsa ko at sinagot ang tawag ng isang pinaka-makulit at praning na tao sa buong mundo.

"Hon? Saan ka na?" Bungad niya agad. Inis akong napa-buga ng hininga. God! Hindi ko na mabilang kung pang-ilang tawag niya na ito.

"Ugh! Hon, ano ba! Hindi pa ako tapos!" Inis kong sagot. Paano ba naman kasi, naggro-grocery ako ngayon tapos itong magaling kong asawa, tawag ng tawag kada limang minuto! Iyan tuloy ay hindi ako matapos-tapos sa pamimili dito.

"You've been gone for almost two hours now!" Inosente niyang sabi. Napa-hilot ako sa noo ko pagkatapos ay kumapit sa hawakan ng cart.

"Rocco, alam mong hindi madaling mag-grocery, ah! Aba'y sana'y sumama ka na lang pala para malaman mo!" Sagot ko.

"Eh sinong maiiwan sa mga bata? Ayoko namang iwanan sila sa mga katulong." Bugnot niyang sabi. Napa-irap ulit ako.

"Kaya nga, eh! Mag-hintay ka diyan at huwag kang tawag ng tawag! Tutukan mo iyang dalawa mong anak! Konti na lang at matatapos na ako rito." Sabi ko. Narinig kong napa-buga siya ng hangin.

"Okay. Huwag ka ring mag-bubuhat ng mabigat, ah! Si Baron ang pag-buhatin mo nang mga pinamili mo diyan." Bilin niya.

"Okay po." Patuya kong sabi.

"Okay. I'll hang up now. I love you." Aniya sa magaspang na boses. Kinagat ko ang aking ibabang labi.

"I love you, too." Sagot ko. May iilang binilin pa siya na sobra ko na ring memoryado dahil paulit-ulit na lang. Magkaroon ka ba naman ng makulit at striktong asawa!

Walong taon na ang lumipas at walong taon na rin kaming kasal ni Rocco. Masasabi kong napaka-saya at kontento ko sa pag-sasama namin bilang mag-asawa. Ganun din naman siya. Naramdaman ko talagang, iyong pag-mamahalan namin ay mas tumibay at nagka-buluhan. Ginagampaman ni Rocco ng maayos ang papel niya bilang asawa sakin at ama sa mga anak namin. Ganun din naman ako sakanila.

Sa tuwing may problema kami sa bahay ay sabay namin iyong sinosolba at agad naman naming naaayos. Malayong-malayo sa relasyon namin noon na minsan ay hindi namin sabay sinusolusyonan ang mga problema namin. Natutunan naming pareho na, upang mag-tagal at mas tumibay ang isang relasyon, dapat magkaroon ng komunikasyon at pagtitiwala para sa isa't isa.

Two years after our wedding, we had our first child. Our son, Rojan Dwight Castillo Del Francia. Sobrang saya namin ni Rocco nun. Nung una naming nasilayan ang napaka-cute at poging anak naming lalaki. At dahil, biologically, kay Rocco siya nanggaling. Sobrang manang-mana talaga sa ama niya. Lahat ng anggulo at katangian, nakuha niya kay Rocco. At ngayon, habang lumalaki siya ay nagpapa-kita na siya ng mga ugali at katangian ng Daddy niya. Napa-ngiti na lamang ako at napa-iling iling. I love my son so much.

Three years old si Rojan nang sinundan namin siya ng kaniyang kapatid na babae. Our cute and very adorable daughter, Rebecca Snow Castillo Del Francia. Parehong saya ang naramdaman namin noon ni Rocco nang lumabas ang, biologically, anak ko. Pinangalanan siyang Rebecca Snow ni Rocco dahil manang-mana niya ang maputi kong balat. Naging sobrang emosyonal ang asawa ko noong ipinanganak si Snow. Umiyak ang loko at halos hindi na binitawan si Snow. Sabi niya, tuwang-tuwa lang daw siya at namamangha dahil may munting anghel na siyang sobrang kamukha ko rin.

And wanna know who's our baby maker? And, biologically, the mother of our children? Walang iba kundi si Mella. Yes, you heard it right. Ang bestfriend at kababata kong si Mella. She offered herself. Siya ang nag-boluntaryong maging ina ng mga bata. We were so happy dahil hindi na namin kailangang mag-hanap nang matino at mapagkakatiwalaang baby maker. Dahil nandun na si Mella at sobrang kilala ko na siya.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon