Maaga akong nagpa-sundo kay Mang Ado kinabukasan. Natapos nga ng alas singko ng hapon ang trabaho ko kay Rocco. Bali alas siyete ng umaga hanggang alas singko ng hapon ang schedule ko. Hindi pa namin napag-uusapan ang sweldo pero batid kong nasa kontrata iyon. Kaso wala sa akin iyon dahil naiwan ko kahapon sa Study Room ni Rocco. Akala ko nga sa DFI ako magtra-trabaho bilang P.A niya pero ewan ko ba't bakit ako na-tengga sa bahay niya.
At hindi pa ako pinapa-tulong ng mga kasambahay bukod sa pag-luluto ko ng breakfast, lunch at dinner ni Rocco. Iyon lang siguro ang nagawa ko kahapon sa buong araw kong pananatili dun sa bahay niya. Kaya na-isipan kong idagdag na lang sa trabaho ko si Roxie.
Alas sais nang marinig ko ang busina ng sasakyan sa labas ng bahay ko hudyat na dumating na si Mang Ado. Sinabihan ko kasi siya kahapon nang ako'y hinatid niya pauwi, na maaga akong magpapa-sundo ngayon sa bahay. Ewan ko pero gusto ko lang na maagang dumating doon. Gusto ko kasi marami akong magawang gawaing bahay.
"Magandang umaga, Ma'am Dane." Bati ni Mang Ado pagkalabas ko ng gate. Napa-iling na lamang ako. Ilang beses ko nang sinabing huwag na akong tawaging 'Ma'am' pero ayaw pa rin makinig. Konti na lang ay iisipin ko nang matitigas ang mga ulo ng mga tauhan ni Rocco.
"Good morning din po." Magalang kong bati at pumasok na sa loob ng sasakyan. Umikot naman siya pagkatapos at tumungo sa driver's seat. Hindi na rin pinatagal ni Mang Ado at tumulak na kami.
Buong byahe ay nag-likot lamang ang isipan ko tungkol sa bago kong trabaho. Si Miguel, ay may P.A din. Iba din ang kaniyang sekretarya. Ang P.A niya ang inuutusan niyang bumili ng kung ano-ano at minsan ay isinasama niya pa sa mga business trips niya. Pero bakit ako, hindi? P.A ako pero bakit nasa bahay lang ako? Kung taga-luto lang pala ang trabaho ko, edi sana sinabi niyang cook ang kailangan niya, diba?
Yes. I totally agreed with this 'P.A' thing and all. Pero hindi ko maiwasang hindi maguluhan sa sarili kong pinasukan. Ugh! Kasisimula mo pa lang, Dane. Baka may iba pang ipa-gawa sayo. Huwag kang excited.
Simula nang sawayin niya ako kahapon nang nahuli niya akong may ka-tawagan ay hindi ko na siya nakitang bumaba. At nang sumapit ang alas kuwatro ay ipinag-luto ko na lamang siya ng hapunan at ewan ko kung kinain niya ba iyon dahil hindi ko na siya naabutan dahil umuwi na ako ng sumapit ang alas singko.
Nakaka-gulat talaga at bawal palang gumamit ng cellphone ang P.A ng isang Rocco Del Francia. At kung may marami pa mang bawal ay sana sabihin niya na agad para mapag-handaan ko na at hindi na ako magugulat na lang bigla sa tuwing sasawayin niya ako. Kahit kasi sanay ako sa striktong ugali ni Rocco ay aaminin kong minsan ay natatakot pa rin talaga ako. May awra kasi talaga siyang kakaiba na para bang hindi niya man sadyain ay talagang nasa-sakaniya na iyon simula pagkabata niya. Oo, dahil kahit noong mga bata pa man kami ay ganun na talaga siya.
At iyong mga takot na nakikita ko sa mga mata ng mga kasambahay kahapon ay para bang laging may nasisi-sante sakanila araw-araw. Noon pa man, kahit ang mga kasambahay sa mansion, ay takot kay Rocco. Nabawasan lamang ang takot nila nung medyo gumaan ang pakiki-tungo ni Rocco sakanila dahil sakin. At ngayong wala na kami, hindi ko lubos ma-isip kung paano niya tinatrato ang mga kasambahay niya ngayon.
Nang pumarada na ang sasakyan sa malawak na garahe ng bahay ni Rocco ay agad din akong bumaba. Pumasok ako sa loob ng bahay at bumungad sakin ang tahimik na paligid. May dalawang dalagitang kasambahay ang nag-wawalis sa may hagdanan at iyong isa pang dalagita ay nagva-vacuum ng carpeted floor. Nginitian ko sila isa-isa.
"Good morning." Bati ko. Sandali silang tumigil sakanilang ginagawa.
"Magandang umaga po, Ma'am Dane." Sabay-sabay nilang sabi. Mukha silang mga taga probinsya. Iyong mga tipikal na simpleng dalagita na taga probinsya.
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
General FictionSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...