Buong byahe pauwi ng Manila ay busangot at aburido si Rocco. Todo-todo ang kaba ko dahil ang bilis niyang magpa-takbo. At ang mukha niya ay galit na nakatingin sa kalsada na para bang kalaban niya ito. Lagi ko siyang sinasaway pero hindi niya ako pinapansin. Kaya nanahimik na lamang ako at nag-dasal na lamang na ligtas kaming makaka-uwi ng Manila.
Nang nakarating ay hinatid niya ako sa bahay. Pagkatapos kong maka-baba ng sasakyan ay agad niyang pina-sibad ng mabilis ang sasakyan at naiwan akong sinusundan ng tingin ang kaniyang papalayong sasakyan.
Hindi ako naka-tulog ng gabing iyon. Lagi kong binabalik-tanaw ang lahat ng nangyari nang araw na iyon. Hindi ako matahimik sa kaiisip kung paano siya na-galit. Iyong binigay niyang reaksyon ay sobrang kapareho ng mga reaksyon niya noon nung kami pa. Kaya nga lang may halong pag-titimpi. Noon, hindi siya marunong mag-timpi. Ngayon ay nakakaya niya na.
Parang may kumiliti rin sa tiyan ko sa kaalamang naaalala niya pa rin na may allergy ako sa hipon. At iyong takot at pagkaka-taranta niya nang hirap na ako sa pag-hinga ay nag-bibigay ng kaka-ibang saya sakin.
He still cares. He cares for me. At sapat na iyon para sakin. Ang malamang may nararamdaman pa rin siya sakin. It gives me enough strenght to continue this. Alam kong kahibangan ang paasahin ang sarili ko. Ang magtanga-tangahan. Ang ipag-pilitan pa ang sarili ko sa taong alam kong may iba na. Pero kahit gaano ka-pait at kasakit. Masarap rin pala. Masarap din palang magpaka-tanga. Iyong kahit sinasampal na sa akin ang katotohang may iba na. Na may bago na. Nagbubulag-bulagan pa rin ako.
Paano nga ba nasusukat ang pagmamahal natin sa isang tao? Paano nga ba natin malalaman kung gaano natin kamahal ang isang tao? Para sakin, hindi iyon sa mga bagay na ibinibigay natin sakanila, eh. Mapa-materyal man o pisikal. Para sakin, nasusukat ang pagmamahal mo para sa isang tao sa kung gaanong sakit ang kaya mong indahin para lang hindi siya mawala sayo. Kung ilang sakripisyo ang kaya mong gawin para lang sakaniya. Kung ilang pananakit na ng dibdib ang pinag-daanan mo pero kinakaya mo pa rin. Iyong kahit dulo na lamang ng lubid ang hawak mo, kumakapit ka pa rin. Iyong kahit nag-mumukha ka ng baliw. Umaakto ka pa ring normal.
Bilib ako sa mga taong mabilis mamulat sa katotohanan. Iyong mabilis maka-move on at makapag-hanap ng iba. Pero mas bilib ako sa mga taong kahit sobrang sakit na, nag-titiis pa rin. Hindi dahil ganun ako, kundi dahil ipinaglalaban nila ang alam nilang karapat-dapat ipag-laban.
Ayos lang sana eh kung hindi karapat-dapat si Rocco na ipag-laban. But damn, he's worth it. He's worth it for me. And I'll do everything just to have him back. Even if it will cost me my heart, body and soul.
Kinabukasan, naka-tanggap ako ng text galing sa sekretarya ni Rocco na hindi raw ako didiretso sa bahay ni Rocco kundi sa building ng DFI. Natuwa ako dahil mukhang nagkamali ako sa akala kong hanggang bahay lang ang trabaho ko.
As usual, hinatid ako ni Mang Ado. Nang nakarating sa DFI ay pina-salamatan ko si Mang Ado at agad na bumaba ng sasakyan. Gaya nang una kong punta rito, nakaabang na naman ang sekretarya ni Rocco sa tanggapan ng building. Malapad itong naka-ngiti sakin habang may bitbit na folder.
"Good morning, Ma'am Dane!" Bati nito nang nakalapit ako. Ngumiti ako sakaniya.
"Good morning." Sabi ko.
"This way, Ma'am." Aniya at inilahad sakin ang daan patungong elevator. Alam ko naman na dahil kahit isang beses lang akong nakapunta rito ay naka-bisado ko na kung saan at aling palapag ang opisina ni Rocco.
Sabay kaming sumakay ng elevator at pinindot niya ang palapag ng opisina ni Rocco. Or should I say, palapag ni Rocco, dahil siya lang naman ang umu-ukopa ng palapag na iyon.
Nang nakarating sa tamang palapag ay bumungad agad sakin ang seryosong si Rocco na nag-titipa sakaniyang Laptop. Ni hindi man lang sinulyapan ang pagdating ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/123747151-288-k960845.jpg)
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
General FictionSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...