Chapter 24

50.9K 1.5K 389
                                    

Ilang segundo pa akong natulala bago natauhan. Agad akong dumalo kay Rocco nang akmang susugod pa siya ulit kay Axel. Hinila ko agad ang nanginginig na kanang braso ni Rocco.

"Rocco!" Pigil ko. Hindi niya ako nilingon at nanatili lang ang matalim niyang paningin sa naka-higang si Axel. Nakita kong dahan-dahang tumatayo si Axel kaya umamba ulit si Rocco.

"Huwag na, Rocco!" Pigil ko ulit. Bukod sa gusto ko siyang pigilan kasi pinapanood na talaga kami ng mga tao ngayon ay nag-aalala rin ako dahil hindi pa siya tuluyang gumagaling!

"D-dwayne..." Napa-baling ako sa tumatayong si Axel. Ngumi-ngiwi ito at hinahaplos ang parte ng mukhang nasuntok ni Rocco.

Itinago ako ni Rocco sakaniyang likuran. Sumilip pa rin ako kay Axel.

"Binalaan na kita, Montero!" Dinuro ni Rocco si Axel. Dumura ng dugo si Axel at masamang tumititig kay Rocco. Pero hindi niya sinagot si Rocco, imbes ay hinanap ako ng mga mata niya.

"D-dwayne... 'yong sinabi ko. Totoo 'yon." Aniya. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Rocco sa 'kin.

"Tandaan mo 'yon..."

"What the fuck is he saying, Dwayne?!" Tanong na ni Rocco. Parang nawalan naman ako ng dugo sa sobrang kaba.

"Kung sakaling mag-bago ang isip mo... Nandito lang ako." Dagdag ni Axel.

Hindi ko na na-sundan pa ang nangyari dahil sa pagkakatulala. Nakita ko na lamang na kinekwelyuhan na ni Rocco si Axel.

May iilang napa-sigaw sa mga nanonood.

"Talaga bang hindi ka titigil?!" Galit na bulyaw ni Rocco. Hindi siya ulit sinagot ni Axel, binabalewala niya pa rin si Rocco. Nanatili pa rin ang tingin niya sa 'kin kahit na halos maalsa na siya ni Rocco.

"Hahayaan muna kita... babalik din ako." Mahinang turan ni Axel. Malakas siyang binitiwan ni Rocco dahilan nang pagkaka-tumba niya ulit sa semento.

"Fuck you, Montero!"

Agad na bumalik sa 'kin si Rocco pagkatapos at hinila na ako paalis dun. Tumawid kami sa kabilang kalsada at nakita ko ang Land Cruiser na nakaparada roon, nag-hihintay. Naka-bukas na rin ang pinto ng backseat at naka-hawak sa pinto si Mang Ado.

Pina-una ako ni Rocco. Nang maka-upo na ay kinakabahang binalingan ko siya.

"Rocco..." mahinang tawag ko. Nag-aalala at kinakabahan ako. Baka kasi nabinat siya sa ginawa niyang paglalabas ng lakas kanina. Hindi pa siya magaling! Kinakabahan din ako dahil alam kong galit talaga siya. Naabutan niya lang naman akong kausap ang lalaking bumugbog sakaniya!

Pumikit siya nang mariin at hinilot ang noo. Bumuga siya ng hangin at tumingin sa 'kin pagkatapos. Akala ko bubugahan niya na agad ako ng maaanghang na mga salita pero imbes ay umiwas lang siya ulit ng tingin at umigting ang mga panga. Tila nag-pipigil ng galit.

Unang lumabas si Rocco nang nakaparada na sa garahe ang sasakyan. Sumunod ako kahit kinakabahan pa rin.

"Diretso sa kwarto." Matigas niyang sabi bago nag-lakad nang mabilis. Kumabog na nang sobra ang puso ko. Parang sasalang na naman ako sa matinding sigawan.

Kahit parang mamamatay na ako sa kaba ay sumunod pa rin ako. Gusto kong mag-paliwanag. Gusto kong malaman niyang hindi ko ginusto iyong nangyari. Gusto kong pa-hupain ang galit niya.

Nang naka-pasok na sa kwarto niya ay naabutan ko ang padabog niyang pagtapon sa cellphone niya sa kama bago humarap sa 'kin.

"What was that? Bakit kayo magka-usap?" Nag-pipigil galit niyang tanong. Napa-titig ako sa mukha niyang hindi man lang nabawasan ng ka-gwapuhan kahit may mga galos.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon