Chapter 31

52.8K 1.2K 151
                                    

Malakas na kumakalabog ang puso ko habang naka-tanaw sa gusaling ilang metro na lang ang layo. Ang gusali nang bagong paaralan ko. Kung saan maninibago na naman ako. Bagong lugar, bagong mukha, mga guro, at mga kaklase.

Naramdaman ko ang pag-higpit ng hawak ni Rocco sa kanang kamay ko. Nilingon ko siya at nakitang mataman siyang naka-titig sa 'kin. Ngumiti ako.

Tumingin ulit ako sa labas. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng gate ng paaralan. Ang mga nag-papasukang mga estudyante ay abala. Ang iba naman ay tila magkaka-kilala na dahil nag-babatian at nag-tatawanan na ang mga ito kahit unang araw pa lang naman ng pasukan. Siguro ay mga galing sa iisang paaralan lang.

"Nandito na tayo, Dwayne." Ani Mang Ado. Tumingin ako sakaniya at tumango. Bumaling ako kay Rocco kasabay nang mas lalong pag-higpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Papasok na 'ko..." ngiti ko sakaniya. Seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin. Nagpakawala siya ng buntong hininga at binitawan na rin ang kamay ko.

"Take care, please." Aniya. Tumango ako. Kahapon pa siya ganito. Parang ayaw yatang papasukin ako. Nag-aalala raw kasi siya sa 'kin kasi baka walang kumaibigan sa 'kin dito at baka ma out-of-place raw ako. Tinawanan ko lang siya nun at sinabing ganun talaga kasi unang araw pa lang naman. Pero hindi siya napanatag at maktol pa rin ng maktol.

Yumukod siya palapit sa 'kin at pinatakan ako ng halik sa noo. Hindi na ako nag-alinlangan pang sumulyap kay Mang Ado. Nasanay na rin ako. Simula nang maging kami ni Rocco ay ginagawa niya na ito kahit nandiyan lang si Mang Ado. Hindi naman nanonood si Mang Ado pero alam kong alam niya ang ginagawa ni Rocco sa 'kin. Palagi niya naman akong sinasabihang ayos lang daw.

Hinaplos ko ang kaliwang panga niya at ginawaran din siya ng mabilis na halik sa labi. Ngumiti ulit ako.

"Huwag ka nang mag-alala. Dapat nga hindi mo na ako hinatid pa kasi alam kong magiging busy ka rin ngayon." Sabi ko. First year college na ngayon si Rocco. At masasabi kong marami na talaga ang nag-bago sakaniya. Mapa-pisikal na anyo man o kilos. Mas abala na rin siya sa pag-aaral niya kumpara dati.

Hindi naman na siya sumagot. Lumabas siya sa kabilang pintuan, dala ang bag ko. Lumabas din ako at hinintay siyang maka-ikot patungo sa 'kin. Hinila niya ang kamay ko patungo sa gate ng bagong school ko. May iilang tumingin sakaniya at nanlaki ang mga mata. Paniguradong kilala siya. Hindi na ako nagulat pa kasi sanay na rin ako.

Nang nakarating na sa gate ay inilahad niya na sa 'kin ang kulay peach kong bag. Pinasadahan niya ng kamay ang humahaba niyang buhok.

"I won't be able to fetch you later but Mang Ado will. May meeting pa kami nila Ross. Uwi agad, okay?" Aniya. Bahagya akong nang-hinayang pero agad ko ring iwinaglit. Naiintindihan kong abala na siya ngayon. Hindi rin naman na ito ang unang beses na hindi niya ako masusundo.

"Okay." Ngumiti lang ako ulit. Tumango siya at pumamulsa.

Nag-simula na akong mag-lakad. Nilingon ko siya at nakitang pinapanood niya pa rin ako. Kagaya ng lagi niyang ginagawa kapag hinahatid ako sa school. Binalewala ko na lang at tuluyan nang pumasok.

Mabilis na lumipas ang dalawang taon at Senior High School na ako ngayon. Hindi ko man lang namalayan ang panahon na lumipas nang ganoon ka-bilis. Tumangkad na rin ako ng dalawang pulgada pero hanggang baba pa rin ako ni Rocco. Mas lalo rin kasi siyang tuma-tangkad.

Naging magaan at masaya naman ang relasyon namin ni Rocco sa loob ng dalawang taon. At gaya nang napag-kasunduan namin, wala pa ring nakakaalam ng relasyon namin bukod kay Mang Ado at Nielo. Sinabi ko rin sakaniyang ipagpaliban muna ang plano niyang ipakilala ako sa mga kaibigan niya. Pero may duda akong sinabi niya pa rin sa mga kaibigan niyang lalaki. Wala namang sumugod sa 'king babaeng na-link sakaniya before kaya hula ko'y wala rin talaga siyang babaeng sinabihan.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon