Chapter 33

44.1K 1.2K 106
                                    

Hikbi nang hikbi si Nanay habang kini-kwento ko sakanila ang lahat-lahat. Si Nanay, Nanay Mercy, Ana, at ako lang ang natitira sa loob ng kwarto ngayon. Wala akong ibang nagawa kundi ang sabihin ang totoo at lahat lahat tungkol sa'min ni Rocco.

Natatakot na ako. Natatakot ako sa maaaring mangyari pagkatapos nang lahat ng ito. Mukhang labis talaga ang pag-tutol ni Nan ay pero hindi naman na siya nag-sasalita pa. Si Ana ay tahimik na naka-yuko pa rin sa tabi, at si Nanay Mercy naman ay malamyos nang hinahaplos ang mga kamay ko.

Walang ibang nagsasalita kundi ako lamang. Walang sumabat. Tila hinahayaan nila akong mag-salita. Mas lalo tuloy akong kinakabahan sa ganito. Mas mabuti pa iyong may sinusumbat si Nanay kesa sa ganitong tahimik lang siya. Hindi ko alam ang maaaring iniisip niya na ngayon. Napa-pikit ako kasabay nang pag-usal ng mahinang dasal...

"Mabuti pa't pag-usapan niyo na lamang itong mag-ina mamaya, papanhik na ako sa kusina't paniguradong dumating na si Nielo." Sabi ni Nanay Mercy kalaunan at tumayo na. Inalalayan siya ni Ana. Sinulyapan niya ito at tumango.

"Sumunod ka na lang, Ana." Bilin ni Nanay Mercy. Tumango si Ana at napa-sulyap sa 'kin.

Napa-tingin naman ako kay Nanay na naka-upo na sa kama namin. Problemado ang mukha kaya naramdaman ko agad ang pag-kirot ng puso ko. Hindi ko kayang isipin na ako ang dahilan ng lungkot niya ngayon. Hindi ko matanggap na sa kabila ng lahat nang ginawa niya para sa 'kin ay ito lamang ang isusukli ko.

Nagulat ako nang biglang tumayo si Nanay at walang paalam na nilisan ang silid. Natulala na lang ako sa pintong nilabasan niya. Napa-pikit ako sa sakit .

"D-dwayne..." mahinang tawag ni Ana. Nanghihina akong napa-tingin sakaniya. Namumugto ang mga mata nito at puno nang pag-sisisi ang mukha. Umiwas ako ng tingin.

"P-pasensya na, Dwayne. H-hindi ko akalaing hahantong sa g-ganito..." hikbi ni Ana. Parang nilakumos ang dibdib ko nang marinig ang iyak niya. Humantong na nga. Humantong na ang kinatatakutan ko...

"H-hindi ka na sana nakialam pa." Mariing sabi ko. Bahagyang napa-lakas ang hikbi niya. Hindi ko rin mawari kung ano bang nararamdaman ko para kay Ana. Ang alam ko lang ay wala sakaniya ang mas pokus at prioridad ko ngayon.

"Nakakalat kasi i-iyon sa kama ni Rocco." Bahagi niya. Parang nag-isisi na yata akong hinayaan si Rocco sa desisyon niya noon. Ang desisyon niyang patigilin na ako sa paglilinis ng kwarto niya at i-utos na lang ito sa iba. Pero huli na. Nangyari na.

"U-umakyat si Ate Delya upang t-tawagin ka sana k-kasi galing siya ng t-tiangge... May binili siyang bagong damit mo. Hindi niya alam na hindi ka pa pala d-dumating." Pagpapa-tuloy ni Ana. Nanginginig na ang mga labi ko sa pagpipigil ng hikbi. Ang mga luha ko ay tahimik na tumutulo ngunit ang puso ko'y maingay na kumakalabog.

"D-dahil nga palagi ka namang nag-lalagi sa kwarto ni Rocco, eh, a-akala niya siguro nandun ka na. T-tapos... naabutan niya a-akong hawak i-iyon. P-pero maniwala ka, Dwayne. H-hindi ko ibig na ibuking ka. Kayo ni Rocco..." Lumapit si Ana sa 'kin at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay at namamawis.

"M-matagal ko nang napapansin, ako at ni Nina pero h-hindi kami kailanman kumibo. T-tinuturing ka na naming parang b-bunsong kapatid, Dwayne..." mahigpit na mahigpit ang hawak ni Ana sa mga kamay ko at tila takot sa maaari kong isumbat sakaniya.

Pero natanto kong hindi ko rin talaga magawa. Hindi ko magawang magalit sakaniya. O kahit sa sinumang mga kasambahay na nandito kanina. Kahit iyong mga humusga at nandiri sa 'kin. Kahit iyong tumutol. Hindi ko magawa... Kasi naiintindihan ko sila. Naiintindihan ko ang tadhana. Naiintindihan kong darating talaga ang panahong ito, gaano ko man ka-gustong pigilan at katakutan. Tanggap ko ang pananaw ng mundo sa bagay na ito.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon