"Bilisan mo, Dwayne!" Naiinip na sabi ni Shai 'tsaka hinila ako patungong covered court. May laban kasi ngayon ng basketball sa school namin. At isa sa mga players dun ay 'yong crush niyang si Kurt. School namin at school ng sa kabilang public school din ang magkakalaban.
"Dahan dahan lang kasi!" Inis ko ring sabi kasi katatapos lang naming mag lunch noong nalaman niyang may laban ngayon sa court. May isang oras kasi kaming break tuwing lunch. Ewan ko nga sakaniya kung bakit niya pa gustong manood, eh, for sure hindi pa natatapos ang laban, eh, kailangan na rin naming bumalik sa kanya-kanyang mga klase namin.
"I'm sure maraming gwapo roon!" Tila nagde-daydream niyang sabi at mas binilisan pa ang paglalakad. Hanggang sa tuluyan niya na nga akong nahila patungong court.
Pagdating namin doon ay maingay na ang mga tao. Karamihan ay babae, of course. Pero mas nangingibabaw ang mga Grade 10 students. Tahimik lang silang nanonood habang ang mga nasa lower grades naman ay halos mangisay na sa kilig at pagchi-cheer.
"Oh my God!!! Andun siya!" Turo ni Shai sa crush niya. Napabaling naman ako roon. May kausap si Kurt na player din at nakangiti ito. Chinito ito at friendly naman. Pero rinig kong babaero rin. Tsk. Wala talagang perpekto.
Hindi pa nagsisimula ang laban pero pakiwari ko'y malapit na rin mag-simula. Mas umingay pa nang dumating na ang mga taga kabilang school. Katulad ng mga players namin ay mga nagsisi-tangkaran din at mga may hitsura ito. Pumwesto ang mga ito sa right side ng court habang nasa left naman ang mga players namin. Hindi ko naman nakitang parang mainit ang magiging laban. Nagbabatian pa nga iyong iba. Siguro katuwaan lang ito at training na rin dahil malapit na ang intramurals namin.
Hindi nagtagal ay nagsimula na rin ang laban. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti nang maalala ko ang taong mahilig at magaling din sa larangang ito...
"Samahan mo ako ngayon sa court." Biglang sabi ni Rocco habang nagdidilig ako ng mga halaman sa garden. Ito ang ayaw ko sakaniya minsan, eh. Bigla biglang sumusulpot at nagsasalita. Nakakagulat kaya.
"Ano namang gagawin ko dun?" Bored kong tanong at ibinalik na ang atensyon sa ginagawa. Dinribble niya ang bola na ngayon ko lang napansing hawak-hawak niya pala.
"May laro ako ngayon. Bitbitin mo ang mga gamit ko." Aniya at umaktong isho-shoot ang bola sa ere. Napansin ko ring naka Jersey na rin siya. Hindi ko maiwasang hindi punahin ang pagkaka-hapit ng Jersey sa katawan niya. Binata na talaga itong si Rocco. Lumabas na kasi nang tuluyan iyong mga muscles niya. Ipinilig ko ang ulo ko pa-kaliwa. Ano ba iyan.
"Ngayon na talaga?" Tanong ko at binalingan siya. Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Ano bang sabi ko?" Masungit niyang sagot 'tsaka nilagpasan na ako. Natataranta ko namang pinatay ang hose at dali-daling sumunod sakaniya. Pawisan pa ako kahit kaka-ligo ko lang. Naka simpleng striped t shirt lang ako at maong shorts. At suot ko rin ang pink kong tsinelas.
Lumabas kami ng mansion. Sa pagkakaalala ko ay may court dito mismo sa loob ng exclusive village na ito. Na kumpirma ko iyon nang maglakad siya patungo sa direksyon niyon. Nauuna siya sa 'king maglakad. Nilalaro niya pa rin ang bola at paminsan minsan ay hinahagis sa ere. Minsan din ay pinapa-ikot ikot niya sa dulo ng daliri niya. Tahimik lang akong nakamasid sakaniya habang sinusundan siya.
"Huwag kang maglilikot dun, ah. Sa tabi ka lang. Bantayan mo ang mga gamit ko." Bigla na naman siyang nagsalita. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"H-ha? Eh, saan naman ang mga gamit mo?" Nalilito kong tanong.
"Nandun na sa court." Tipid niyang sagot.
"Ano? Paano naman napunta iyon doon? Naglakad iyong mga gamit mo?" Inosente naman ang intensyon ng tanong ko pero iba yata ang dating sakaniya nun. Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. Nilagay niya ang bola sa gilid ng beywang niya.
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
قصص عامةSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...