Chapter 56

43.3K 1.3K 487
                                    

Nakatitig ako sa repleksyon ko sa aking vanity mirror habang sinusuot ko sa aking kaliwang teynga ang aking diamond earring. Huminga ako ng malalim at ngumiti ng ma-satisfied sa aking itsura. Hindi ko akalaing matututunan kong mag-lagay ng mga kolorete sa mukha.

Perpekto ang pagkaka-arko ng aking mga kilay. Natural nang ma-arko ang mga ito at may magandang shape ngunit mas lalong na-enhance sa paglalagay ko ng Eyebrow pencil. Ang aking mga mahahabang pilik mata ay mas lalong humaba nang nilagyan ko ng mascara. Light eyeshadow lang ang nilagay ko dahil kailangan kong ibagay saking cream sweetheart top dress. Ang mga mata kong kulay berde ay kumikinang sa bawat pagtama ng ilaw dito.

Today is Nelson's Birthday. The son of Nielo and Cindy. Ang aking inaanak na sa picture ko lang nakita. He's very cute at manang-mana niya ang kulot na buhok ng kaniyang ama. One week preparation ang ginawa namin para sa kaarawan ni Nelson. Hindi naman na mahirap dahil isang Children's party lamang ito pero gusto kong maging perpekto ang okasyon dahil hindi lamang basta-bastang kliyente sina Nielo. Itinuturing ko na rin silang pamilya.

Tumayo na ako galing sa pagkakaupo sa silya ng aking Vanity Mirror at pinasadahan muli ng tingin ang aking kabuoan. Suot ko ang aking Luobotin heels na kulay puti. Ang may kaiksihan kong dress ay hapit na hapit sa katawan ko na siyang dahilan upang mag-silabasan ang mga kurba ng aking katawan. Sweetheart top ito kaya labas din ang aking cleavage. Pero sinigurado kong hindi malaswa tingnan dahil pambatang party ang dadaluhan ko.

Inabot ko ang aking Designer Bag at isang beses pang umikot muli upang pasadahan ang aking kabuoan bago lumabas ng kwarto. Bumungad sakin ang tahimik kong bahay. I want it this way. Hindi ako kumuha ng katulong dahil kaya ko namang gawin ang mga gawaing bahay. Ako lang mag-isa ang nakatira dito at kahit sabihin man nina Shai na boring ay wala akong pakialam. Mas gusto ko ang tahimik at mapayapa. Kahit noon pa.

Lumabas ako ng bahay bago siniguradong nai-lock ko na lahat ng pinto at bintana sa loob. Pagkatapos ay lumabas na ng gate at naglakad patungo sa sasakyan kong nakaparada sa harap lamang ng aking bahay. Hindi man exclusive village ang kinatitirikan ng aking bahay ay mapayapa naman dito at mababait ang mga kapit-bahay. Magta-tatlong taon na akong nakatira dito simula pa noong nagtra-trabaho pa ako sa isang Life Insurance Company.

Pumasok ako sa aking sasakyan at inilapag ang aking bag sa shotgun seat. Tumingin ulit ako sa labas at tinitigan ang bahay ko. Isang palapag lamang iyon at mayroong isang maliit na garden at terrace. A very humble home. Ngumiti ako at umayos na ng upo bago sinimulang paandarin ang sasakyan.

Alas kuwatro na ng hapon at maya-maya lang ay magsisimula na ang party. Sa isang hall ng isang sikat na five star hotel ang napiling venue ng mag-asawa. At dahil nga parehong galing sa mayayamang pamilya sina Nielo at Cindy ay ginawa ko talaga ang lahat para lang bumagay at umangkop sa mga mayayamang bisita nila ang party.

Magiging late ako panigurado pero panatag naman ako dahil nandun ang tatlong organizers ko. Sina Gerard, Isha at Aaron. Kaya maaasikaso nila ang maaaring maging problema kahit na wala pa ako.

Alas singko nang nakarating ako sa hotel. Dali-dali kong tinungo ang hall na pinag-darausan. Nang nakapasok ay naabutan ko ang mga bata at mga matatanda na kinakantahan ang naka-suot ng Spiderman's costume na si Nelson ng kantang 'Happy Birthday'. Karga ni Nielo ang kaniyang anak at kinukunan naman ni Cindy ang dalawa ng litrato. Nakaharap ang tatlo sa isang malaking cake na Spiderman din ang disenyo. Napa-ngiti ako at parang may humawak sa puso ko habang nakatingin sa masayang pamilya ni Nielo.

Deserve ni Nielo ang maging masaya at magkaroon ng isang masayang pamilya. At sobra akong natutuwa dahil sa nakikitang kasiyahan niya ngayon. Naiiyak ako na ewan dahil sa wakas ay nakita ko na rin siya ulit.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon