Chapter 45

47.5K 1.1K 191
                                    

Naka-ipit ang cellphone ko sa pagitan ng teynga at balikat ko habang nag-susulat ng mga notes. Pumasok lang kasi si Prof pagkatapos ay nag-iwan ng mga importanteng detalye ng lesson niya at agad ding lumabas dahil may meeting daw siya kasama ang Dean.

"Sige na, bakla. Hindi naman tayo mag-tatagal, eh. May titingnan lang ako." Sabi ni Apple sa kabilang linya. Kausap ko siya ngayon. Alas diez na at malapit nang mag alas onse. Maya-maya ay lunch break na namin at inaaya ako nitong si Apple na pumunta na naman sa Mall.

"Naku, iyan naman lagi ang sinasabi mo, eh! Apple, may babalikan pa akong klase after lunch!" Sabi ko habang kumukunot ang noo sa white board dahil hindi ko maintindihan ang sinulat ni Prof.

"Gaga, alam ko! Ako rin naman, eh. As in may titingnan lang talaga ako!" Aniya at nakikita kong parang tinataas niya pa ang kanang kamay niya na parang nanunumpa. Napa-buntong hininga na lamang ako.

"O sige, sige. Basta sandali lang tayo, ah?" Suko ko. Narinig ko ang pag-ngisi niya.

"Yes! At dun na rin tayo maglu-lunch. Treat kita." Aniya at hindi na rin nag-tagal at pinatay niya na ang tawag. Napailing na lang ako sa kakulitan ni Apple.

Architecture ang kinuha ni Apple. Anak siya ng isang Engineer at iyon daw ang idinikta ng kaniyang ama sakaniya. Gusto niya sana ng Fine Arts major in Painting kaso tutol ang ama niya. Hindi naman daw tutol ang ama niya sa kasarian niya pero halos lahat daw ay dinidiktahan siya ng ama niya.

Kahit marami ay sinikap ko talagang isulat lahat. Samantalang ang ibang mga kaklase ko ay ayun at nagsiliparan na. May ibang natitira pa. Pero nagme-make up lang at ang mga lalaki ay nagkukumpolan at parang may pinapanood sa isang cellphone. Mga pasaway talaga.

Isang buwan na rin ang naka-lipas simula noong fifth anniversary namin ni Rocco. At masasabi kong mas lalo yata akong nai-in love sa mokong. Parang ginanahan na kasi siya sa mga surprise-surprise niya, eh. Kahit wala namang okasyon ay may surpresa siya.

At napapa-dalas na rin ang pagpunta ko sa condo niya. Mas napapanatag kasi ako kapag ganun. Hinahatid kasi ako ni Mang Ado papunta dun. At hihintayin hanggang sa mag-desisyon akong umuwi na. Mas safe iyon. Hindi niya na kailangang bumiyaheng mag-isa araw-araw. Kaya ako na lang imbes na siya, diba? Iwas aksidente pa.

May damit na rin ako sa condo niya. In case daw na dun ako matulog. Nagulat na lang ako nang isang araw pag-punta ko dun, inaayos niya ang mga damit na halatang bagong bili pa. Itinabi niya iyon sa mga damit niya sa walk-in closet niya.

At ang cute lang tingnan, kasi halos lahat ng binili niya ay kulay pink! Mga pajamas at socks ay pink pati underwears! Nakakatawang tingnan kasi katabi lang iyon ng mga panlalaking damit niya na halos lahat dark colors. Para tuloy kaming live-in partners!

At parang nag-dilang anghel pa ang loko dahil sa mismong araw na iyon ay umulan ng malakas na parang hindi talaga titila kahit anumang oras. Kaya tinawagan niya na lang si Mang Ado at pina-uwi na. Tinawagan niya rin si Nanay at nag-paalam siyang hindi ako makakauwi at sa condo niya na lang ako magpapa-lipas ng gabi dahil sa malakas na ulan.

At sa gabing iyon din, may nangyari samin. Ang kulit kasi, hipo ng hipo sa pwet ko sabay bulong ng malalaswang bagay. At dahil mahina akong tao, napag-bigyan ko ang mokong.

Kinabukasan din, may nangyari na naman ulit samin. Mismong sa island counter ng kusina niya nangyari iyon. Parang wala nga siyang kapaguran, eh. Inuna niya pang papakin ang katawan ko kesa ang kainin ang breakfast namin! Manyak talaga! Pero naiintindihan ko siya, lalaki lang siya at may pangangailangan din. Kesa naman sa iba niya pa hanapin iyon, diba? Isipin ko pa lang parang madudurog na ako sa sakit.

Noong birthday ni Ross, inimbitan kaming dalawa ni Rocco. Gaganapin ang selebrasyon sa isang bar sa Makati. Na-excite ako nun dahil magkikita na naman kami nila Tasha at ibang mga girlfriens ng mga barkada niya. Pero isang napaka-laking 'NO' ang lumabas sa bibig ni Rocco.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon