Chapter 58

44K 1.3K 250
                                    

"Dane, relax! Nasisira ang make-up mo!" Saway ni Apple sakin habang naka-upo sa kama ko at pinapanood akong palakad-lakad at hindi mapakali. Namamawis na ang noo ko at sobra akong naiinitan kahit malakas naman ang AC ng kwarto ko.

"I can't Apple! Ilang oras na lang at mag-sisimula na ang party! P-paano kung may mali? Paano kung h-hindi nila magustuhan ang kinalabasan?" Natatarantang tanong ko. Inabot ni Apple ang isang brush at tinapon sakin. Napa-ilag ako.

"Gaga! Praning! Organizer ka, bakla. Sinusunod mo lang iyong mga detalyeng binigay nila. Pwede ba, porke't ex mo ang kliyente eh aarte ka na ng ganiyan! Mukha mo." Umismid siya sakin at umirap. Napa-buga ako ng hininga at nag-padyak ng paa.

"Pero, Aps! Kahit na. Hindi ito puchu-puchung event lang. Hindi ko maiwasang hindi kabahan." Sabi ko at bumalik ng upo sa silya ng aking vanity mirror.

"First time lang, teh? Paka-arte nito." May tinapon na naman siyang kung ano pero hindi naman ako tinamaan.

Kinakabahan ako sa kalalabasan ng party dahil dalawang araw lang ang preparation namin. Sobrang minadali ang lahat kaya hindi ako satisfied at panatag sa nagawa namin. I can't fail the client. I can't fail Rocco. Para kasing dagdag sa mga kasalanan ko sakaniya kung sakali mang papalpak ako. Ugh!

"Punyeta ka! Pinag-hirapan ko pa naman iyang make-up mo tapos aakto ka lang palang baliw diyan." Hindi pa rin natigil si Apple sa mga lintanya niya. Pero masyado akong pre-occupied sa ibang bagay para pansinin pa ang kaniyang mga sinasabi.

"Maraming media doon, Dane! Naku. Gandahan mo talaga ang pag-pose ha! Huwag mo akong ipahiya." Aniya. Napalingon ako sakaniya at pagod na humikab.

"K-kinakabahan ako." Sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin. Katabi niya ang mga pinag-piliang dress namin kanina.

"Shuta ka! Ano? Aatras ka? Sino nang date ni Miguel? Mag-tigil ka nga, bakla." Umirap siya't sinimulang ligpitin ang mga damit. Tumayo na rin ako't humarap sa salamin. Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili at sa hindi malamang dahilan ay tila nagkaroon ako ng lakas ng loob. Napaka-galing talaga ni Apple. Napaka-elegante kong tingnan at sobrang ganda ng ginawa niya sa mukha ko.

I'm wearing a Long side-slit V-neck formal red prom dress. Lantad ang kaliwang hita ko at ang dibdib ko. Pinaresan ko nang diamond studded stilletos na kumikinang sa bawat pag-tama ng ilaw dito. Umikot ako't tiningnan rin ang likod ko. May disenyong pa-ekis ekis ang likod ng dress kaya kita rin ang maputi kong balat dun. Wala akong suot na bra at tanging ang foam lamang ng dress ang nakaalalay saking dibdib.

Ang buhok ko naman ay Chignon Bun na  bumagay sa red dress ko. From the way I look right now, hindi ko nakikita ang kahit ni isang bakas ni Dwayne. Tanging ang bagong ako lamang. The all new Dane Rhean Castillo. Napa-ngiti ako.

Sinulyapan ko ang abalang si Apple na nililigpit naman ngayon ang mga make-ups niya. Hindi ko siya inutusang make-upan ko kundi siya mismo ang nag-alok nang malaman niyang dadalo kami sa party ni Rocco. Habang minemake-upan niya nga ako ay todo putak siya tungkol kay Rocco. Kesyo dapat daw daring at sobrang ganda ko. Dapat daw mag-laway ang ex ko. Dapat daw tigasan si Rocco. Natatawa at naiinis na lamang ako habang pina-pakinggan siya.

Naka-rinig kami ng busina sa labas. Nagka-tinginan kami ni Apple at agad naming naintindihan ang isa't isa. Dumating na si Miguel. Ang date ko. Ano kayang suot niya? Alam ko namang gwapo siya pero gusto ko lang makita kung may mas ikagwa-gwapo pa siya.

"Bilisan mo na! Baba ka na ron. Ako na bahala dito." Taboy ni Apple habang nag-liligpit pa rin.

"How about you?" Kunot-noong tanong ko.

"Pagkatapos kong mag-ligpit dito, ako na bahalang mag-lock ng bahay mo. Sige na, nakakahiyang pag-hintayin si Miguel." Aniya. Tumango ako at lumapit sakaniya.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon