Chapter 37

53.8K 1.4K 159
                                    

Umangat ako galing sa pagkaka-subsob sa dibdib ni Rocco. Namumungay ang kaniyang mga matang naka-tingin sa 'kin. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Nakabalot ang ibabang bahagi ng puting kumot. Ganun din ang sa 'kin.

Tinalikuran ko siya at tumayo. Rinig ko ang pag-bangon niya mula sa pagkakahiga.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Nang akmang lalakad na ako ay bigla akong napa-upo muli dahil sa sakit.

"A-ahh..." ngumiwi ako sa hapdi ng pang-upo ko. Parang na-biyak na ewan.

"What happened?" Natatarantang tanong ni Rocco at dinaluhan ako. Hinawakan niya ang balikat ko.

"Huwag mo 'kong hawakan!" Inis kong inalis ang kamay niya at matalim siyang tiningnan. Napa-nganga siya at gulat ang mukha.

"H-hey... What's wrong?" Nag-aalala niyang tanong at umambang lalapit ulit. Inirapan ko siya at sinubukan ko ulit tumayo.

Dahan-dahan akong tumayo muli at nang nakatayo nga ay na-ginhawaan na ako. Humakbang ulit ako ngunit agad natigil nang bumalik na naman ang parang na-bibiyak kong pakiramdam.

"Ah!" Humikbi ako pero walang luhang tumulo. Ang sakit! Jusko. Ano bang nangyari sa 'kin?

"Hon..."

"Tumahimik ka!" Agad kong sigaw. Parang tutang napa-atras si Rocco at namutla habang maingat na nakatingin sa 'kin.

Sinubukan ko ulit humakbang at napahiyaw na naman ako sa sobrang hapdi. Ano bang ginawa ni Rocco sa 'kin at bakit halos hindi na ako makalakad?

Lumapit ako sa dingding at kumapit dun habang naglalakad patungong banyo. Baka kung sakaling matumba man ako sa sobrang sakit.

"L-let me help you, Hon." Nag-mamakaawang sabi ni Rocco. Uminit na talaga ang ulo ko sakaniya. Ang tigas ng bungo!

"Tumahimik ka sabi, eh!" Bulyaw ko. Naguguluhan niya akong tiningnan ulit.

"W-what did I do? Ba't ang sungit mo?" Ngumuso siya at kinamot ang kilay. Nainis naman lalo ako sa mukha niya. Sarap sampalin!

Binalewala ko na siya at nag-pokus na lamang sa paglalakad. Sobrang masakit talaga ilakad. Parang kada hakbang ko ay may blade na humihiwa sa pang-upo ko.

Nang nakarating na sa banyo ay mabilis akong pumasok. Agad akong napapikit sa hapdi mula sa biglaang pag-galaw. Umupo ako sa inidoro at napa buga ng hangin. Oh my God.

Napa-nganga ako nang biglaan akong nag-bawas. Kanina pa ako natatae at parang may gusto talagang lumabas sa 'kin. Napatingin ako sa nanginginig kong mga binti at kitang kita ko ang pamumula ng mga hita ko.

Kasalanan ito ni Rocco, eh! Ang rahas-rahas niya! Halos bumakat na ang mga daliri niya sa hita ko. Sobrang higpit kasi nang pagkakahawak niya sa mga ito kanina. Uminit ang mga pisngi ko nang maalala ulit ang lahat nang nangyari.

Sinuri ko pa ang ilalim ng mga hita ko at namutla ako nang makita ang linya ng dugo na mahinang umaagos galing sa pwet ko.

"Aaaahhhhh!" Sigaw ko sa takot. Ramdam ko ang pamamanhid ng mukha ko sa takot! Sigurado akong putlang-putla na ako ngayon. Nakarinig ako ng kalabog mula sa labas.

"Hon! What happened?" Malakas na kinatok ni Rocco ang pinto ng banyo.

"R-rocco..." kinakabahan kong tawag. Mas lalong lumakas ang pag-kalampag niya sa pinto.

"Fuck! Open the door!" Galit niyang sigaw. Napapikit na ako sa takot. Hindi ko magawang tumayo para pag-buksan siya bukod sa hindi pa ako nakakapag-punas din. At masyadong malayo ang pinto! Natatakot akong mag-lakad baka kung ano pang mangyari sa 'kin.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon