Wala sa sariling napa-kapit ako sa braso ni Rocco. Labis man ang aking gulat ay hindi ko pa rin ipinahalata at sinalubong na lamang ang mapanuring tingin ni Megan sa 'kin. Sinalubong nila Ross ang kanilang mga girlfriends. Si Third ay dumiretso sa high chair sa may bar counter at si Megan naman ay tahimik na nakaupo sa gitna ng apat na babae.
"Hi, Rocs!" Bati ng tingin ko ay girlfriend ni Troy. Tumango lang si Rocco. Bumati rin ang ibang babae at ganun lang din ang reaksyon ni Rocco.
"Who's he?" Rinig kong tanong ng katabing babae ni Ash. Bumulong si Ash dito at kita ko ang pag-awang ng mga labi ng babae at manghang napatingin sa 'kin ulit.
Tumingala ako kay Rocco at sinuklian niya lang ako nang maingat na tingin. Huminga ako nang malalim at ibinalik ang tingin sa limang babaeng nasa akin pa rin ang tingin.
"H-hi... Ako si Dwayne." Ngumiti ako sakanila. Nag-taas ng kilay si Megan at bumaba ang tingin niya sa kamay ni Rocco na nasa beywang ko.
"Hello! I'm Tasha." Lumapit ang babaeng tingin ko rin ay girlfriend ni Ash sa 'kin. Kinuha niya ang kamay ko at shinake ito.
"Nice to meet you." Sabi ko. Matamis siyang ngumiti at nabigla ako nang tumayo rin ang tatlong babae at lumapit sa 'kin.
"Hi, Dwayne! Ako si Ruth." Pakilala ng girlfriend ni Troy. Tumango ako sakaniya at ngumiti.
"Vivian." Nag-lahad ng kamay ang babaeng katabi kanina ni Drew. Tinanggap ko ito nang buong puso at ngumiti.
"And I'm the sexiest, Nica." Sabat ng girlfriend ni Ross at kumindat pa sa 'kin. Mahina akong natawa.
"Nice meeting you all." Tumango ulit ako sakanila. Nag-ngisihan lang sila at sabay silang nag-lipat ng tingin kay Rocco at tinaasan ito ng kilay.
"My girlfriend." Maangas na tumango si Rocco sakanila. Tila nagmamayabang. Kita ko ang pag-awang ng mga bibig nila at sabay na naghagikhikan.
"We know! We're just waiting for you to say it!" Bulalas ni Tasha. Nanlaki ang mga mata ko sakanila. Nakita ni Nica ang reaksyon ko pero kumindat lang ulit ito.
"Finally! After years, naipakilala mo na rin sa 'min si Dwayne." Sabi ni Ruth. Napatingala lang ulit ako kay Rocco na may ngisi sakaniyang mga labi.
"Nag-pumilit, eh." Aniya at tinaasan ako ng kilay. Sinimangutan ko naman siya.
"Dapat lang din, Rocs. We now have a new member." Sabi ng medyo seryosong si Vivian. Nailang ako sa titig niya.
"Yeah! Dapat i-welcome natin siya mamaya, girls!" Masayang sabi ni Nica at nag-apiran sila. Napangiti ako dahil katulad lang din sila ng mga boyfriends nilang makukulit.
Nag-usap pa kami saglit bago kami inaya ni Troy na mag-tanghalian na. Malaki ang Dining Room ng bahay at sobrang lawak din ng long table. Maraming naka-handang pagkain sa lamesa at hindi na nila pinatagal pa at nag-simula na kaming kumain.
Kaharap ko si Megan na maarteng kumakain habang paminsan-minsan ay tumitingin sa 'min ni Rocco. Katabi niya si Third na inosenteng kumakain.
Ibinaba ko ang mga kubyertos at pa-simpleng bumulong sa tahimik na si Rocco.
"Bakit hindi mo sinabing nandito ang ex mo?" Mahina ngunit may diin kong bulong. Natigilan naman siya at masama akong tiningnan.
"She's not my ex." Halos hindi bumubuka ang bibig niya habang nag-sasalita. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakita nga siya nandito?"
"Hindi ko rin alam. I will ask Troy later." Aniya. Napahinga ako nang malalim at tumitig sakaniya.
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
Fiction généraleSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...