Chapter 53

34.8K 1.1K 143
                                    

Nakatitig ako sa kawalan habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Hindi ko alintana ang papalakas na ambon. Wala na akong pakialam sa paligid ko. Masyado nang na-manhid ang katawan ko na ultimo pag-patak ng mga luha ko ay hindi ko na nararamdaman.

"Paano ito nakapasok? Pambihira." Narinig kong sabi ng gwardya habang dinadaluhan nila ang walang malay na si Axel. Hindi ko sinulyapan man lang ang kinaroroonan ng taong kinamumuhian ko.

"Pamilyar ang batang ito, ah." Ani ng isa pang gwardya.

"Sino naman ang bumugbog dito? Mukhang kritikal 'to." Ani ng ikatlong gwardya. Narinig kong tumahimik sila at maya-maya lang ay lumapit na sila sakin.

"Pwede bang mag-tanong? Kilala mo ba ang lalaking iyon? At ang bumugbog sakaniya?" Tanong ng matabang gwardya. Bahagya pa silang napaatras ng tumingala ako at nasilayan nila ang luhaan kong mukha.

"H-hindi po.."

"Eh anong ginagawa mo rito?" Tanong nung maputing gwardya. Hindi ako sumagot at nag-iwas lang ng tingin. Dumako ang tingin ko sa lupasay na si Axel. Umigting ang panga ko at umusbong ang matinding galit sa loob ko.

"Tingin ko po ay baliw ang lalaking iyan." Matigas kong sabi. Gusto kong tumayo at pagsisipain si Axel. Pero baka isang sipa lang ay tuluyan na siyang malagutan ng hininga. Grabe ang ginawa sakaniya ni Rocco. Parang hindi tao ang binugbog niya.

"T-tama! Naaalala ko na. Ito iyong lalaking pinag-hahanap ng mga pulis." Sabi ng pandak na gwardya. Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Naalala ko rin ang sinabi kanina ni Axel na nakulong siya. Sa loob ba ng ilang taong hindi siya nagpakita ay naging kriminal siya?

"Tumakas iyan?"

"Ganun nga. Atsaka, bukod sa maraming kaso iyan, eh rinig kong nasisiraan din iyan ng bait." Sabi nung gwardya. Ramdam na ramdam ko ang pananayo ng mga balahibo ko sa nalaman.

Baliw si Axel? Nabaliw siya? Muling pumatak ang mga luha ko ng maalala ang paghalik niya sakin kanina. Ang pamimilit niyang kunin ako at ang sinabi niyang kasinungalingan kay Rocco. Walang hiya ka, Axel! Kahit kailan, ang sama mo! Kinamumuhian kita! Sinira mo ang lahat! Wala ka na bang ibang idudulot samin ni Rocco kundi ang guluhin kami?

Mabilis akong tumayo at nag-punas ng luha. Nagulat ang mga gwardya sa biglaan kong pag-tayo. Nilagpasan ko sila at hindi man lang sinulyapan ang nakahigang si Axel.

"T-teka, bata, san ka pupunta? May itatanong pa kami." Tarantang sabi ng kung sino sakanilang tatlo.

"Wala po akong alam." Mariin kong sabi at mabilis na naglakad patungong gate. Wala akong pakialam kung anong gawin nila dun sa tarantadong iyon. Sa tingin ko'y walang ibang silbi ang lalaking iyon sa mundo kundi ang manggulo.

Nang nakalabas ng gate ay pinara ko agad ang dumaang Taxi. Nag-madali akong sumakay dahil nagiging ulan na talaga ang ambon.

"Sa Grayson Condominium po." Mahinang sabi ko.

Susundan ko si Rocco. Hindi ko man alam kung nasaan siya ngayon pero hahanapin ko siya. Handa akong libutin ang buong Maynila mahanap lang siya. Kailangan kong mag-paliwanag. Kailangan niyang malaman na hindi totoo ang sinabi ni Axel.

Napa-hikbi na naman ako ng maalala ang galit niyang mukha kanina. Ang paraan ng pag-tingin niya. Nandidiri at puno ng galit. Nasasaktan ako dahil ganun siya kadaling naniwala kay Axel. Hindi ako ganung klaseng tao. Alam niya iyon. Pero bakit? Bakit siya naniwala agad?

Oo, ginusto kong tapusin kami. Ginusto kong mag-hiwalay kami. Pero dahil iyon sa pamilya niya! Gusto kong ayusin niya ang problema ng pamilya niya! Hindi ko ginustong mag-hiwalay kami sa ganitong paraan. Ayokong kamuhian niya ako. Ayokong isipin niyang pinag-taksilan ko siya kaya ako nakipag-hiwalay! Kaya kailangan niyang malaman ang totoo.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon