Chapter 51

34.8K 1.1K 229
                                    

Martes nang hapon nang maka-tanggap na naman ako ng tawag galing kay Rocco. Sa tuwing makikita ko talaga ang pangalan niya ay nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sakaniya. Para samin. Wala na akong magawa. Nakapag-desisyon na ako. Buo na ang isip ko tungkol sa bagay na iyon.

"Hon.." aniya. Nanghihina ang kaniyang boses. Kinabog ng kaba ang dibdib ko. Para siyang may problema.

"B-bakit?" Tumayo na ako bitbit ang aking mga gamit at lumabas ng room. Tapos na ang klase ko at tutungo na naman ako sa pang-huling klase ko ngayon.

Hindi siya sumagot sa kabilang linya. Kinutoban na ako. Parang may problema talaga siya, eh. Naririnig ko lang ang mabibigat niyang buntong hininga.

"Rocco.." tawag ko ulit.

"Susunduin ulit kita." Napapaos ang boses niyang sabi. Napapikit ako at tumango. Ito na siguro ang tamang panahon para gawin iyon. Hindi ko na kailangan patagalin lalo na't kailangan na siya dun sa Italy. Masakit man pero kinakailangan. Buong gabi ko itong inisip at walang ibang mas karapa't dapat gawin ngayon kundi ang tapusin kami.

"Sige." Malamig kong sabi at agad binaba ang tawag. Huminga ako ng malalim at pilit pinigilan ang namumuong luha sa mga mata ko. Panindigan mo iyan, Dwayne.

Nag-tungo ako sa pang-huling klase ko. Nag-sisimula na ang klase dahil likas na maaga talagang pumasok ang Prof ng subject kong ito.

Habang kunwari'y nakikinig, tumatakbo sa isip ko ang lahat ng maaaring mangyari pagkatapos naming mag-hiwalay. Lilipad si Rocco papuntang Italy. Ipagpapatuloy niya doon ang pag-aaral niya. Nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo at maliit na panahon na lang ay mag-tatapos na siya. Papalitan niya ang ama niya bilang CEO ng kompanya nila at aayusin ang problema. Aahon uli ang kanilang negosyo at gagaling si Sir Alfonso. Sa isang desisyon ay maraming masasagip.

Kumirot bigla ang puso ko. Ganun ba talaga ka-simple iyon para sakin? Ang pakawalan na lang si Rocco? Hindi. Sobrang hirap para sakin. Ayoko siyang iwan pero kailangan. Hindi ako pwedeng maging maka-sarili. Alam kong hindi ito tama, ang mag-desisyon ng mag-isa para saming dalawa. Pero naguguluhan na ako, hindi ko na alam ang gagawin. Ang alam ko lang ngayon ay kailangan muna naming mag-hiwalay.

Alas kwatro nang maka-tanggap ako ng mensahe galing kay Rocco. Sinasabing nasa labas na raw siya ng school. Hindi ko na nireplyan at pinag-patuloy ang pakikinig sa Prof na nag-iiwan ng pointers. May thirty minutes pa bago ang uwian. Bakit ang aga niya?

Nang uwian na ay dun na ako kinabahan ng sobra. Habang nag-lalakad ay ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking mga binti. Makakaya ko ba talaga? Pumikit ako at nag-dasal ng tahimik. Ipauubaya ko na ang lahat sa Diyos.

Nang tuluyang nakalabas ay bumungad sakin ang seryosong mukha ni Rocco. Ni hindi siya ngumiti ng makita ako. Umiwas siya ng tingin at umigting ang kaniyang panga. Umayos siya ng tayo mula sa pag-kakasandal sa kotse niya at pumamulsa.

Nang nakalapit ay yumukod lang siya at pinatakan ako ng halik sa noo. Pagkatapos ay binuksan niya na ang pinto ng shotgun seat. Pumasok ako at mariing pumikit. Ito na.

Pinaandar niya agad ang sasakyan nang siya'y makapasok. Walang kumikibo samin. Na-kompirma ko nang may problema nga dahil hindi naman siya ganito kung walang bumabagabag sakaniya.

Sobrang tahimik niya lang habang nagmamaneho. Matigas din ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

Pumasok kami sa exclusive village at kumunot ang noo ko nang ipinarada niya lang ang sasakyan sa tapat ng mansion. Hindi niya pinasok. Napatingin ako sakaniya at naabutang hinihilot niya ang kaniyang noo.

"Hon.." tawag niya. Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Anong problema niya? Alam niya na ba ang tungkol sa Daddy niya at sa kompanya nila?

"R-rocco.." pumiyok ang boses ko. Kitang kita ko ang mariin niyang pag-pikit at ang pag-iigting ng kaniyang mga panga.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon