Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan sa sobrang kaba. Halos matapilok na ako sa bilis ng lakad ko pero kailangan kong pigilan si Rocco sa maaari niyang gawin kay Megan.
Dahil alam ko kung paano magalit si Rocco. Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin kapag galit siya lalo na't nakainom pa at may tama na.
Agad kong tinungo ang kusina at naabutang inaawat na ni Troy at Ross ang nanggagalaiting si Rocco mula sa umiiyak na si Megan. Naka-sandal na ngayon si Megan sa ref at parang tutang naka-tingala sa nagwawalang si Rocco.
"I'm just saying the truth!" Iyak ni Megan sabay hilamos sa hilam ng luha niyang mukha.
"Well, fuck you! Anong karapatan mong sabihan si Dwayne ng ganun? Ha?" Dinuro-duro ni Rocco si Megan. Mas lalong napa-iyak si Megan sa lakas ng boses ni Rocco.
"B-bakit, Rocco? Hindi ba? Totoo n-naman diba? Niloloko mo lang ang baklang i-iyan!" Sabi ni Megan. Pulang-pula na ang mga mata.
"Shut up! You fucking shut up! Wala kang alam! Kung meron man akong niloko, ikaw iyon! Hindi siya!" Bulyaw ni Rocco. Humikbi ng malakas si Megan sa sinabi ni Rocco. At hindi ko maiwasang hindi mainis ng konti kay Rocco. Jerk! Alam kong maldita itong si Megan pero sana ay hindi na sinabi pa ni Rocco iyon sakaniya! Babae pa rin siya. At hindi ko matanggap na marami pala talaga siyang niloko noon na mga babae. Playboy talaga!
"God, Rocco! Wake up! Ano? Ginayuma ka ba ni Dwayne? Ha? Marami pang babae diyan pero bakit sa bakla ka pa?" Mahinahon ngunit durog ang boses na sabi ni Megan.
Umigting ang panga ni Rocco. Kinalas niya ang dalawa niyang braso sa hawak ni Troy at Ross. Walang nagawa ang dalawa ng lumapit si Rocco kay Megan.
"Bakit siya? You wanna know why?" Mahinahon ding sabi ni Rocco. Tiningala siya ni Megan at tumango.
"Because I see him as a woman. Lahat nang katangiang hinahanap ko sa mga babae, nasa kaniya! Lahat ng wala ka, at ng ibang babaeng dumaan sa buhay ko, nasa kaniya!" Dinuro ulit ni Rocco si Megan sa dibdib. Napa-hikbi ng mahina si Megan.
"Kaya huwag mong kwestyunin ang pagmamahal ko sakaniya, Megan. Dahil ang layo-layo mo sakaniya. Ni kalingkingan ng kuko ni Dwayne, wala kang panama." Halos bulong na ni Rocco. Sunod-sunod ang patak ng luha ni Megan habang nakayukong pina-pakinggan si Rocco.
Umatras si Rocco at pumamulsa sa harap ni Megan. Matalim ang tingin na iginawad niya dito. Habang si Megan naman ay hindi magka-apuhap na punasan ang basang mukha.
"Now, I want you to leave this place immediately." Utos ni Rocco. Nanlaki ang mga mata kong napatingin sakaniya.
"W-what? R-rocco-"
"Now! Alis!" Sigaw ni Rocco sabay turo sa labas.
"Hon!" Suway ko pero hindi siya nakinig man lang. Galit ako kay Megan pero hindi naman siguro tama na paalisin siya sa ganitong oras! Gabi na at baka kung mapaano pa siya sa daan.
"Please, Rocco..." pagmamakaawa ni Megan. Mariing umiling si Rocco sakaniya.
"Hindi ko nga alam kung bakit ka nandito, eh. Ngayon, kung mangugulo ka lang din naman, mabuti pang umalis ka na at baka mandilim pa ang paningin ko sayo." Pinal na sabi ni Rocco at tinalikuran na si Megan. Nahagip agad ako ng tingin niya. Lumapit siya sakin at hinila ako palabas ng kusina.
Naabutan pa namin sina Ruth, Vivian, Tasha at Nica na namumutla na nakaabang sa Living Room. Binigyan nila ako ng nag-aalalang tingin. Umiwas na lamang ako ng tingin at nagpa-tianod kay Rocco.
Nang nakapasok sa kwarto namin ay kinalas ko ang hawak niya sa palapulsohan ko. Galit niya akong tiningnan. Hindi ko siya pinansin at umupo lang ako sa kama.
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
General FictionSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...