Chapter 26

55.3K 1.4K 313
                                    

"Oh my God! Oh my... Aaaah!" Tili ni Shai. Agad akong napalapit sakaniya at tinakpan nang mariin ang maingay niyang bibig. 

"Hmp! B-bakla!" Pumiglas siya at tinulak ako palayo. Inis na inayos niya ang mukha niya pagkatapos at inirapan ako. Pero agad ding ngumisi ulit nang nakakaloko. Sana hindi ko na lang kinwento sakaniya, eh. Ang ingay nito!

"Grabe, Dwayne! Tapos ano? Ano pa?" Niyugyog niya pa ang dalawa kong mga kamay. Nasa may soccer field kami ngayon. Lunch break, kaya halos lahat nasa Canteen. May iilan din namang dito nag-lunch pero nasa malalayo. Hindi kami maririnig kaya rito ko siya dinala. Pero kinakabahan pa rin ako kasi baka may makarinig, ang lakas kasi ng boses ni Shai!

Kinwento ko sakaniya ang nangyari noong isang araw. Ngayon ko lang nasabi sakaniya. Kinabukasan kasi nang araw na iyon, hindi ako nakapasok. Hindi ako pinayagan ni Rocco. Tinanong ko nga siya kung bakit, eh, hindi naman siya sumagot. Pero may nahihinuha ako kung bakit. Dahil kay Axel. Kaya buong araw ko na lang siyang inalagaan. Nakaka-ilang tuloy gumalaw kasi parang may nag-iba sa'min. Dati parang wala lang naman. Pero simula nang nagka-aminan kami, nagbago na lahat. Ewan ko kung ako lang ba ang nakakaramdam nun. Parang wala lang kasi si Rocco. Hindi pa nahihiyang tumitig, samantalang ako ay hindi maka-tagal nang ilang segundong naka-titig sakaniya.

"May rules siyang binigay, eh..." Yumuko ako sa biglaang pang-iinit ng mukha. Naaalala ko kasi lahat ng mga sinabi niya. Nakakatawa na nakakainis! Ang hambog talaga kahit kailan! Hindi pa naman kami pero may mga rules na. Nanliligaw pa iyan, ah. 

"Talaga ba? Rules? Ano naman?" Usisa niya. Napa-buntong hininga na lamang ako habang inaalala ko lahat nang sinabi ni Rocco noong araw na iyon.

Inangat ko ang mukha ko galing sa pagkaka-siksik sa dibdib ni Rocco. Nakayakap pa rin siya at bahagyang hinahaplos ng mga daliri niya ang batok ko. Napa-tingin ako sa bintana niya at nakitang medyo dumidilim na pala sa labas. Napa-kalas ako sa yakap namin. 

"A-anong mga rules naman?" Tanong ko. Inayos ko ang nagulo kong buhok. Nagulat ako nang tinulungan niya ako roon at siya na mismo ang nag-patuloy sa pag-aayos ng buhok ko. Pinamulahan tuloy ako. Nakakahiya.

"We have five rules. Alam mo na ang ang rule number one. It's the most important." Aniya habang hinahaplos ang buhok sa ibabaw nang teynga ko. Nakiliti ako roon kaya iniwas ko ang ulo ko. Ngumisi lang siya. 

"Huh? Ano iyon?" 

"You forgot?" Tumaas ang kilay niya. Napa-kunot na ako ng noo. Hindi ko kasi talaga maalalang may sinabi siyang rule sa 'kin noon! 

"Ano nga? Paki-ulit na lang." Naka-nguso kong sabi. Bumaba naman ang tingin niya sa mga labi ko at nakita kong parang may dumaang kung anong emosyon sa kaniyang mga mata. Mariin siyang pumikit pagkatapos ay mataman akong tiningnan.

"Iyong batas ko para sa'yo. Hindi ka pwedeng magka-gusto sa kapatid ko, o sa kahit na sinong lalaki." Sabi niya. Parang may tumunog na bell sa utak ko nang maalala ang sinabi niyang iyon. Pero agad din akong napa-simangot. 

"Kasi bakla ako"

"Hindi dahil bakla ka. Hindi iyon, Dwayne. Hindi." Putol niya agad sa sumbat ko. Umiling-iling pa siya habang sinasabi iyon. Natahimik naman ako at tumingin na lang sa mumunting bigote niya sa baba. May iilan na rin sa ibabaw ng mga labi niya. Binata na talaga siya.

Kinuha niya ang nakapa-hingang mga kamay ko sa aking kandungan at inilipat iyon sa kandungan niya. Bumaba ang tingin ko roon. Napa-ngiwi ako sa ginawa niya. Natatakot akong baka i-angat niya pa iyon at may masagi ang mga kamay kong hindi dapat nasasagi. Argh! Dwayne! Tumigil ka! Ikinakahiya ko ang sarili ko sa mga iniisip ko ngayon. 

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon