Pareho kaming tutok ni Rocco sa Laptop niya. Matapos niyang ipinasok ang USB kung saan may kopya ng CCTV footage ay nag-simula na itong mag-play.
Isang anggulo lang ang kita at iyon ay ang CCTV na naka-tutok sa pinto ng kwarto ni Rocco. May naka-lagay na time at date sa gilid ng video. Mga bandang ala una iyon ng hapon at walang makikitang sinumang katulong ang dumaraan sa bandang iyon.
"Malaman ko lang..." mariing kibo ni Rocco habang titig na titig sa Laptop. Naka-patong ang baba niya sa dalawang naka-kuyom niyang kamao. Hindi na na-ibsan ang galit niya simula pa kanina. Kaya nag-aalala rin ako sa maaaring gawin niya kapag nalaman namin kung sino ang may pakana nang lahat ng ito.
"Hindi ako galit dahil na-buking tayo, Dwayne. Alam mong hindi ako takot noon pa! Ang ikina-gagalit ko ay ang isiping paghihiwalayin tayo ng Nanay mo. I'm sure she was just brainwashed by those fucking maids! Hindi magiging ganun ang reaksyon niya kung tayo lang ang nag-sabi at maayos ang pagkakaalam niya." Sabi ni Rocco kanina nang sinubukan kong pahupain ang galit niya.
Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong mag-sisi na hindi namin agad ipinaalam kay Nanay ito. Na itinago namin nang mahabang panahon. Siguro kung nalaman ni Nanay nang maaga ay baka natanggap niya pa nang maluwag. Hindi tulad ngayon na nalaman niya pa sa iba. Naguguluhan na talaga ako. Na mismong sariling mga desisyon ko ay pinag-sisisihan ko na. Pero gaya nga ng sabi ko, huli na. Nandito na kami. Nangyari na.
Tumikhim si Rocco dahilan upang mapa-balik ang atensyon ko sa pinapanood. Bandang alas dos na ng hapon ay may dumaang katulong. Luminga-linga ito sa paligid at agad lumapit sa pinto ng kwarto ni Rocco. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita at napa-tingin agad kay Rocco. Umigting ang mga panga niya at mas tumutok pa sa pinapanood.
Ang babaeng katulong ay hindi si Ana ngunit pamilyar ang pangangatawan nito at ang mahaba nitong buhok. Sinubukan nitong pihitin ang seradura ngunit hindi bumukas. Umatras ito at naglakad patungo kung saan hanggang sa nawala sa paningin ng camera.
"Who's that? Kilala mo?" Baling ni Rocco sa 'kin. Umiling ako.
"Pamilyar... Pero hindi ko masyadong nakita ang mukha." Sagot ko.
Mga alas tres ng hapon ay nag-pakita ulit ang katulong. May bitbit nang mga susi at lakad takbong lumapit sa pinto ng kwarto ni Rocco. Hindi nag-tagal ay nabuksan niya na ang pintuan at pumasok sa loob.
Napa-mura si Rocco sa nakita. Parang na-windang din ako sa nakita. Ako at si Ana lamang ang may duplicate key ng kwarto ni Rocco! Kaya maaaring ang bitbit na susi ng katulong na iyon ay ang susi nang lahat ng mga kwarto rito sa buong mansion! At saan niya iyon nakuha? Eh, si Nanay Mercy ang may hawak nun pero hindi rin iyon basta-bastang ipina-pahiram ni Nanay Mercy. Kaya posibleng bang... Ninakaw niya?
Hindi nag-tagal ay lumabas na ang katulong at namilog ulit ang mga mata ko nang lubusan nang nakita ang mukha nito sa CCTV. Si Rica! Iyong mahinhin na dalagang katulong na mataray ding sumabat at tumitig sa 'kin kanina sa ibaba! Walong buwan pa lamang iyon dito kaya hindi namin masyadong close nina Ana. Pero... Bakit niya naman nagawa iyon? Anong motibo niya?
"Rica..." bulong ko. Napa-lingon sa 'kin si Rocco na galit na galit talaga ang mukha.
"Ang putang inang iyan pala ang nakialam sa mga gamit ko?" Mariing sabi niya. Hindi ako sumagot at tumutok lang sa pinapanood kong bago.
Alas tres y media ay makikitang naglalakad na si Ana na may bitbit na mga pang-linis patungong kwarto ni Rocco. Ipinasok niya ang susi sa door knob at kitang-kita ko ang pagtataka niya nang naka-bukas na pala iyon. Pero pumasok pa rin siya sa loob. Ilang minuto lang din ang lumipas nang makita ko si Nanay na patungo rin sa kwarto ni Rocco at kumatok. Pinag-buksan siya ni Ana na hawak-hawak sa kanang kamay ang photo album namin. Halatang gulantang pa ang mukha ni Ana. Bigla iyong inagaw ni Nanay mula sakaniya at kitang-kita ko ang pag-hawak ni Nanay sa dibdib niya pagkatapos, at ang pag-alalay sakaniya ni Ana.
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
General FictionSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...