Natulala ako habang nakatingin sa pilyo at malaking ngisi ni Axel na ngayon ay papalapit sa akin. Nang grumaduate kami ng Elementary ay iisang paaralan na rin ang pinasukan naming tatlo ngayong higschool na kami. Pare-pareho kaming nasa Grade 8 na nina Shai at Axel. Hindi na nga lang magkaka-klase pa.
Kinabahan agad ako nang magbalik sa isip ko ang maaaring sadya nito ngayon. Sabi ni Shai noon, may gusto raw ito sa akin. Kasi kailanman ay hindi ako nito binully o inasar. Imposible naman siguro kasi feeling ko hindi niya naman tipo iyong mga gaya ko. Atsaka, marami ring girlfriends itong si Axel. Paiba-iba pa nga, eh.
"Oy, Dwayne." Maangas na tumango si Axel sa akin nang nakalapit. Sinulyapan niya rin si Shai at ibinalik kaagad sa akin ang atensyon. May dala-dala itong binder at naka-ipit ang sign pen sa kanang teynga nito.
"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko. Bahagya akong tumabi kay Shai. Napansin iyon ni Axel kaya ngumisi na naman ito nang pilyo.
"Oh? Takot ka ba sa 'kin?" Tinaasan niya ako ng kilay. Hindi ko naman alam kung tatango ba o iiling ako. Kaya sa huli ay yumuko na lang ako at kinagat ang labi. Tumawa naman siya.
"Chill. Papaturo sana 'ko, eh." Aniya at humalukipkip.
"H-huh? Papaturo? N-ng ano?"
"Ng Science 'tsaka Math. Hirap kasi, eh. Balita ko matalino ka raw." Ngumisi na naman siya. Uminit ang pisngi ko at umiwas ng tingin.
"A-ah, eh. Oo ba. Anong topic ba iyan?"
"Genetics 'tsaka Postulates. Alam mo?" Kinuha niya ang naka-ipit na sign pen sa teynga niya at pinaglaruan iyon. Tumango ako.
"Ngayon na?" Tanong ko. Sumulyap ako kay Shai na namumutla. Na trauma na ata 'to, eh. Na-bully na kasi ito minsan ni Axel noong Grade 6 pa kami. Pero isang beses lang.
"Yep. Dun tayo sa library." Aniya at tumango sa direksyon ng library.
May klase pa akong babalikan pero natatakot akong tanggihan siya, eh. Baka bigla ako nitong sapakin o kaya naman gawing impyerno ang mga araw ko sa high school. Tumingin ako kay Shai.
"Mauna ka na, Shai." Sabi ko. Bigla namang na-alarma ang mukha ni Shai.
"H-ha? Hindi! Sama ako." Aniya. Pinanlisikan niya ako ng mga mata. Agad ko namang naintindihan ang sinasabi niya. Ayaw niya akong iwang mag-isa kasama si Axel. Takot siguro siyang baka may gawin sa 'king kabulastugan si Axel. Natuwa naman ako sa isiping ganito na lang kung mag-alala si Shai sa akin. Para na talaga kaming mag-kapatid.
"Huwag na, Miss Bangs. Kami na lang." Sabat ni Axel at tumawa. Matalim naman siyang tiningnan ni Shai. May bangs kasi si Shai noong Elementary pa kami.
"Hindi ako bobo para iwanan si Dwayne sa'yo!" Mataray na sabi ni Shai. Umiiling na nakangisi pa rin si Axel.
"Chillax lang kasi. Magpapaturo lang naman ako. Wala akong gagawin, okay?" Tinaas pa nito ang dalawang kamay na parang sumusuko. Hinawakan ko naman sa braso si Shai at tumango.
"Sige na, Shai. Kaya ko naman." Pag-kukumbinse ko sakaniya. Atubili naman siyang tumango at umatras pero hindi pa rin tuluyang umaalis.
"Shoo! Miss Bangs! Shoo!" Taboy sakaniya ni Axel. Inirapan lang siya ni Shai at tumingin sa 'kin nang nag-aalala pagkatapos ay patakbong umalis. Hindi na rin tinapos pa ang panonood ng laro.
Nakatingin lang ako sa papalayong bulto ni Shai hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ko. Narinig kong tumikhim si Axel kaya napalingon ako sakaniya. May tipid na ngisi pa rin sa mga labi nito at tila kumikinang ang mga matang nakatingin sa 'kin. Wala naman akong nakikitang masamang bahid sa mukha niya kaya medyo napanatag ako.
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
General FictionSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...