Buong araw ay nanatili na lamang kami sa kwarto ni Rocco. Pinipilit kong pagaanin ang sitwasyon kahit halatang wala na siya sa mood. At kahit na mismo ako, ay nawalan na rin ng gana. Pareho kaming naka-higa ngayon sa kama niya at naka-unan ako sa matipuno niyang dibdib. Tiningala ko siya at nakitang nakatulala lamang siya sa kisame.
"Hon, paano kung i-sumbong tayo ng tiyahin mo sa mga magulang mo?" Nag-aalala kong tanong. Bumaba ang tingin niya sakin.
"Are you scared?" Magaspang ang boses niya. Tumango ako at kinagat ang labi. Sino bang hindi? Limang taon na naming inililihim ito sa mga magulang niya. Hindi ko halos maisip ang magiging reaksyon nila pag nagkataon.
"I don't care. Kung malalaman nila, then fine. I think it's about time." Parang wala lang na sabi niya.
"Hindi ka ba natatakot? Paano kung hindi nila matanggap?" Tanong ko. Nag-salubong ang kilay niya sakin.
"Hindi ako takot. Kahit kailan hindi ako natakot, alam mo iyan. Sinunod lang naman kita sa gusto mo." Matigas niyang sabi. Umurong ang dila ko sa sinabi niya. Alam ko namang hindi siya kailanman natakot. Kahit noon pa, alam kong kung hindi ko sinabing itatago namin ito ay ipangangalandakan niya ang relasyon namin sa mundo.
"You know, Hon. My Mom is a very kind woman. Sobrang mabait iyon na minsan ay inaabuso siya ng mga tao sa paligid niya. Dad, on the other hand, is strict. But he's not judgmental and narrow minded. I think they will eventually learn to accept us." Aniya. Habang sinasabi niya iyon ay parang pinapa-kalma niya na rin ako. Na para bang ina-assure niya ako sa bagay na iyon.
"Natanggap ako ng Nanay mo. Kaya gagawin ko ang lahat para matanggap ka rin ng mga magulang ko. Don't worry." Halos pabulong niyang sabi at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Sumilay ang ngiti sa labi ko.
"Thank you." Hinaplos ko ang malapad niyang dibdib. Amoy na amoy ko ang natural niyang bango.
"For you. All for you. All for my honey." Malambing niyang sabi at pinalibot ang mga kamay sakin at hinigpitan ang yakap. Pinikit ko ang mga mata ko at tuluyang hinila ng antok.
Maaga akong gumising kinabukasan. Sa kabila nang nangyari kahapon ay napanatag ang loob ko sa lahat ng sinabi ni Rocco. Alas siyete nang umuwi siya kahapon. Sabay kaming kumain ng hapunan, at pinabaonan ko pa siya ng ulam para iinitin niya na lang kinabukasan. Hindi na nagpakita si Ma'am Lucille nang nag-hapunan. Umalis daw ulit ito sabi ng mga kasambahay.
Habang nilalapag ko ang mga ulam para sa breakfast ni Nielo at ni Ma'am Lucille nang matigil ako sa biglaang pag-sulpot nang isang matandang kasambahay. Isa ito sa mga, hanggang ngayon, ay nandidiri parin samin ni Rocco. Nakataas ang kilay nito sakin at nakahalukipkip. Inilapag ko ang pang-huling ulam at tinitigan siya.
"Pinapa-tawag ka ni Ma'am Lucille. Nasa Study Room." Anito. Ang kabang naramdaman kahapon ay mabilisang nagbalik pagkarinig pa lamang sa pangalang iyon.
"P-po?" Naka-ngangang sabi ko. Inip na umirap sakin ang kasambahay at umayos ng tayo.
"Bilisan mo." Anito at lumabas ng Dining Room. Natulala ako sa nilabasan niya. Pinapatawag ako ni Ma'am Lucille? Bakit?
Umusbong ang kakaibang takot sa dibdib ko. Tungkol ba ito sa nasaksihan niya kahapon? Isinumbong niya na ba kami sa mga magulang ni Rocco? Wala akong ibang maisip kundi ang bagay na iyon. Wala naman siguro siyang ibang pakay sakin diba?
Nanginginig ako habang paakyat ng engrandeng hagdanan. Nang nakaakyat ay tumungo ako sa Study Room ni Sir Alfonso, kung saan naroroon ngayon si Ma'am Lucille. Inabot ko ang seradura at pinihit ito pabukas.
Una kong nakita ang nakatalikod na bulto ni Ma'am Lucille. Nakatanaw siya galing sa malaking bintana na may makakapal na kurtina sa magkabilang gilid. Eleganteng nakahalukipkip at marangyang naka-pusod ang buhok. Ang mga alahas ay nagsisi-kislapan dahil sa pagtama ng mga ito sa sinag ng araw. Marahan kong sinarado ang pinto.
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
General FictionSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...