Tulad ng ibang mga araw ay maaga akong dumating sa paaralan. Wala pa masyadong mga estudyante at iilan pa lamang ang naabutan kong mga classmates sa loob ng room. Iyong mga early bird talaga at mga matatalino.
Palagi rin naman akong nasasali sa Top 10 students ng aming section. Minsan Top 3, o 'di kaya'y Top 2.
Ginaganahan ako lalo kapag nakikita ko ang reaksyon ni Nanay sa 'tuwing ipinapakita ko sakaniya ang aking Certificate of Recognition. Kahit wala siyang oras para pumunta sa paaralan para sa mga ceremonies niyon ay masaya pa rin ako. Sapat na ang lahat ng sakripisyo niya para sa akin.
Nalalapit na ang closing kaya abala na ang mga estudyante sa pag-comply ng mga nalalabing gawain. At ang pinaka-abala sa lahat ay ang mga Grade 10 students. Magmo-moving up na kasi sila at marami-rami silang dapat na gawin.
Dumating si Shai at hindi nag-tagal ay nagsidatingan na rin ang mga kaklase ko. Nagsimula ang klase nang dumating ang aming guro para sa subject na Math.
Nang nag-lunch ay sabay kami ulit ni Shai. Ayaw niya pa sanang sumama kasi baka kasama ko na naman daw si Axel pero pinilit ko talaga siya.
"Hindi nga! Iiwas muna ako kay Axel..." sabi ko at hinila na siya patungong Canteen. Binawi niya ang kaniyang braso at kinunotan ako ng noo.
"Huh? Bakit? Anong ginawa niya?" Sunod-sunod niyang tanong. Umiwas ako ng tingin at umiling.
"Wala... Nag-away kasi kami ni Rocco kahapon. Nalaman niyang tinuturuan ko si Axel." Mahina ang boses kong sabi pero sapat na iyon para marinig ni Shai.
"Ayun! Buti nga! Nang matigil na iyang pagtuturo mo sa bulok na 'yon. Kita mo na, pati si Rocco, ay tutol diyan sa ginagawa mo." Naiiling na sabi ni Shai at nagpatuloy na sa paglalakad. Nanghihina akong sumunod sakaniya.
"Wala naman kasi akong nakikitang mali roon sa pag-tulong ko sa tao, Shai." Diretso ang tingin ko sa malawak na field ng paaralan. Nasa kabilang dulo ang Canteen.
"Anong wala? Meron. Isipin mo nga, bigla-bigla na lang siyang lumapit sa'yo para mag-paturo. Eh, hindi ka naman pinapansin niyan noon. 'Tsaka rinig ko na hindi naman talaga iyon nangungulelat sa room nila. Pumo-porma lang talaga iyon sa'yo." Ani Shai.
Hindi. Ayaw kong maniwala roon. Oo nga, noon hindi naman kami close ni Axel. Pero masama ba kung ngayon ay close na kami? At alam ko naman na rin na hindi siya ganun ka walang alam, eh. Matalino siya pero kailangan niya lang ng konting gabay. Hindi ko maintindihan si Shai. Lalo na si Rocco.
Kumain kami at iyon pa rin ang pinag-uusapan namin. Talak ng talak si Shai at pinupuri niya pa si Rocco.
"Naku, 'pag nagkita kami ni Rocco, uutusan ko talaga iyong bugbugin si Axel." Mataray niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko roon.
"Shai! Ano ba? Bakit ba galit na galit ka doon sa tao? At dinadamay mo pa si Rocco! Hindi iyon nagpapa-utos lang sa kung sinu-sino!" Napahilot ako sa noo ko. Minsan ay napaka war freak din talaga nitong si Shai.
"Pero dahil ayaw niya rin dun kay Axel, eh, papayag siya!" Ngumisi pa ito at kumindat sa akin. Tapos biglang naging seryoso ang mukha. Ganiyan na talaga siya. Ang bilis mag-bago ng emosyon.
"Uy, rinig ko may dinadala na raw na babae si Rocco sa mansion nila, ah?" Nang-iintriga ang boses niyang tanong. Kumabog bigla ang dibdib ko at umiwas ng tingin. Tingnan mo, galing sa pagiging war freak eh biglang chismosa mode na naman siya.
"O-oo. Iyong girlfriend niya." Sagot ko na lang. Pinag-tuonan ko ng pansin ang aking pagkain.
"My gosh! Ang pogi nun. Swerte mo nga at nakikita mo siya araw-araw, eh." Namula si Shai habang may iniisip na kung ano sa kawalan. Inirapan ko siya.
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
General FictionSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...