Ilang oras pa akong tulala habang dinadamdam ko lang ang maiinit ngunit tahimik kong luha na bumubuhos mula sa mga mata ko. Nakatitig ako sa kawalan at para bang wala ako sa katawang lupa ko at naglalakbay sa ibang lupalop ang pagod kong kaluluwa. Hindi ko maintindihan ang ibang nararamdaman ko. Ang alam ko lang, pagod na ako.
Pa ulit-ulit na lang. Pa ulit-ulit na lang akong nasasaktan. Nang dahil lamang sa iisang tao. Sa isang taong lubos kong minahal sa loob ng ilang taon. Tiniis at kinaya ko lahat ng sakit para sakaniya. Binalewala at isinantabi ko lahat ng pangamba at walang kasiguradohang mga bagay para sakaniya. Pero, bakit? Bakit ganito?
Nilunok ko lahat ng sakit at sama ng loob kagabi at pinatawad ko siya. Pinatawad ko siya kahit nauubusan na talaga ako ng pag-asa sa aming dalawa. Hindi ko inisip na ang dali-dali ko siyang napatawad imbes ay inisip kong mahal na mahal ko siya at kaya ko siyang patawarin kahit ang sakit sakit na.
But this? No. I've had enough. He went overboard. Sawang-sawa na ako. Pagod na pagod na ako sa lahat ng ito. Wala nang bago, puro pasakit na lamang.
Ikakasal na pala siya kay Shantelle. Paano niya nagawang lumuhod at magmakaawa sa akin kagabi kung ganun naman pala? Kung matatali naman pala siya sa iba? Sabi niya, palabas niya lang iyon. Pero bakit may ganito? Bakit may kasalan?
At ang pinaka-masakit sa lahat. Na-buntis niya si Shantelle. He got someone pregnant! Anong laban ko dun? Lalaban pa ba ako kung bata na sa loob ng sinapupunan ang pinag-uusapan? Kung dugo't laman niya na? Dun pa lang talong-talo na ako.
Napa-yuko ako at nagpakawala ng mahabang hikbi. Jusko po. I have suffered a lot. Sa loob ng pitong taon, naging miserable ang buhay ko. Akala ko tapos na! Tapos na kagabi nang nagka-patawaran kami. Pero bakit binawi agad? Masama ba akong tao? May naapakan ba ako sa lahat ng nagawa ko? Dahil kung meron, maiintindihan ko pa ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Pero sa natatandaan ko, wala eh. Wala akong natapakang ibang tao. Nag-mahal lang ako. Nagpa-katanga pero hindi ako umagrabiyado ng ibang tao.
Siguro nga, hindi kami para sa isa't isa. Sabi nila, kahit mawalay kayo ng ilang taon, kung kayo, kayo talaga. In our case, nagkawalay nga kami ng ilang taon. Nagkitang muli hanggang sa nagka-patawaran. Pero hanggang dun na lang iyon. Closure. Wala nang iba pa.
I give up. Tama na. Hindi ko na pwedeng ipag-laban pa ang taong magkaka-pamilya na. I don't want to be a home wrecker. Ayokong agawan ng kompletong pamilya ang magiging anak niya dahil ako mismo, alam ko ang pakiramdam ng walang ama. At hindi ako ganun ka sama para agawin sa batang iyon si Rocco. Ang ama niya.
Mariin akong pumikit at tinakpan ang mukha. Ang sakit isipin na ang taong minahal mo simula pagkabata hanggang pagtanda, ay magkakaroon na ng sarili niyang pamilya. Nakita ko kung paano lumaki si Rocco. Nasaksihan ko lahat ng nangyari sa buhay niya maliban dun sa pitong taong nawalay kami sa isa't isa. Hindi ko lubos maisip na iyong taong inakala kong akin noon, ay magkakaanak na sa ibang babae.
Pero wala nang kwenta ang pagdaramdam ko. Nandito na, eh. Magkaka-anak na siya. Ikakasal na siya. May magagawa ba ang pag-iyak ko dun? May magbabago ba sa pag-dadalamhati ko? Wala. Dahil nangyari na.
Hindi ko lubos ma-isip na lahat ng pangamba at insekyuridad ko noon at hanggang ngayon, ay nangyari na. Takot na takot ako, dahil alam kong tunay na lalaki si Rocco. Alam kong darating ang panahon na magkaka-pamilya siya. Naisip ko, anong laban ng isang baklang katulad ko sa ganun? Naisip ko, eh ano naman kung mahal niya ako, kung hindi ko naman siya mabibigyan ng anak?
Iyong unang pangamba ko noon bago ko siya sagutin, na baka pampa-lipas oras lamang niya ako. That what he was feeling for me was just a phase. Na lilipas rin iyon at darating ang araw na mamumulat siya at maiisip niya na kailangan niya ng isang tunay na babae sa buhay niya. Isang tunay na babaeng kayang mag-bigay ng lahat ng kaligayahan ng isang lalaki dito sa mundong ibabaw. At hindi ako iyon.
BINABASA MO ANG
The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1) [Published under Pop Fiction]
General FictionSimula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-subong mag-banat ng buto sa murang edad. Ngunit hindi naging madali sa kaniya ang lahat dahil sa arog...